14

184 14 42
                                    

A/n: Halluuuu, early po today dahil gusto ko mabasa reaction niyo hihi. Tara ulit sa conversation after reading! But for now, POV ulit ni Gray.

Note: Listen to Ikaw at Ako by Sir Johnoy Danao sa bandang huling part. Enjoy reading po! ^^

Grayʼs POV

"Hm? Miss me?"

Bahagya akong nakangiti habang nakatingin kay Alice at hinihintay ang sagot niya. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa amin pero hindi iyon ang nasa isip ko.

Ang mata ko ay nakatuon kay Alice na ngayon ay gulat habang nakatingin sa akin.

What a cute

"Hm?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya at umupo sa upuan na nasa tabi ni Karl. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya habang nag hihintay ng sagot.

"Ah, hala"

"Answer the question and we will talk later," sabi ko sa kaniya at tumingin kay Mark na ngayon ay nakatingin din sa kaniya. "Kap. Mark is waiting"

"No need to answer," seryoso pero nakangiting sabi ni Mark habang nakatingin kay Alice.

Tsh.

"You asked," sabi ko habang inaayos ang coat ko habang nakaupo.

"No need to answer, Mr. Montenegro, I'm single," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin. Ngiting nag iinit sa mata ko.

"Mm, and so?"

Nakita ko ang pagkapahiya sa mata niya pero hindi nakatakas sa akin ang tingin niya. Narinig ko ang pag tawa ni Karl pero hindi ko iyon pinansin.

"I'm single," pag uulit na sabi ni Mark at sa pag kakataong ito ay nakatingin na sa host.

Sumenyas akong mag patuloy sila sa program at aligaga naman sumunod ang mga tao sa taas ng stage. Nakatingin lang ako kay Alice at siya naman ay nakangiting nakatingin sa akin.

There, the prettiest

"And of course! The biggest person behind this successful event," sabi nang host. "He's one of the top businessman here in our country and his company as well! Let's all give around of applause.."

"The CEO of Montenegro INC, the one and only, Mr. Gray Montenegro!"

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao kaya tumayo ako para umakyat sa stage. Nakipag kamay ako sa mga host at officials na nandoon. Nang si Mark na ang kakamayan ay huminto ako sa harap nito.

"It's nice to see you, again," pekeng ngiti na sabi ko at inalok ang kamay ko habang nakatingin sa kaniya, tiningnan niya iyon bago kuhanin.

"Happy to see you," nakangiti man ay ramdam ko ang higpit sa kamay niya pati na rin ang peke niyang ngiti, marahil ay dahil sa pagkapahiya kanina.

Ako ang kumalas sa pagkamay at humarap kay Alice na ngayon ay tahimik sa gilid. Nag angat siya ng tingin sa akin at agad na ngumiti.

"Sabi mo hindi ka dadating," mahinang bulong niya kaya natawa ako.

"Pwede ba naman ʼyon?"

"Sus, ikaw, ha!"

Natatawa ko siyang tiningnan bago kuhanin ang mic sa host at pumunta sa harapan. Hindi ako ready sa message ko dahil hindi ko rin alam kung bakit nakita ko na lang sarili ko biglang tumayo sa board meeting habang nanonood ng facebook live at pumunta dito.

"Good morning," bati ko, nag palakpakan ang mga tao kaya ngumiti ako sa kanila. "I know sa isip niyo this is the first time na haharap ako sa municipal event.." dahil totoo naman, ngayon lang ako humarap sa kanila bilang CEO ng Montenegro INC.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now