32

135 12 73
                                    

Warning: Super duper ultramega stressful. Gun. Blood. Etc.

Miguel's POV

“Anong pag paplanuhan niyo nang wala ako?”

“Mark..” rinig kong tawag ni Mayor.

Nakakaloka! Bakit ba ang hilig ng mga kontrabida na pumasok sa mga masasayang scene! Naiimbyerna ako!

“So, anong plano? Bakit wala ako?”

Nakita namin ang paglapit niya kaya agad kaming humarang sa harap ng mga babae. Nakita kong hinila ni Isca si Mayor papunta sa kaniya habang kami naman ni Alfonso ay nasa harapan ni Mark.

“Kailan ka pa nakakita ng nag paplano na kasama ang pinag paplanuhan?”

Sabay sabay kami napatingin kay Isca nang sabihin niya ʼyon! Walang preno ang bibig at mataray na tiningnan si Mark. Naupo pa siya sa upuan at parang boring na boring na tiningnan si Mark!

Ate ko huhu

“Anong sabi mo?” mayabang na tanong ni Mark kay Isca.

“Do I really need to repeat it?” mataray na tanong niya. “Bingi ka ba?”

“Ano?!”

Hindi makapaniwalang tumingin si Isca sa amin bago ibalik ang tingin kay Mark. Parang sa isip ni Isca ay si Mark na ang pinaka lutang na kaharap niya kaya hindi ko maiwasan matawa.

Wala talagang makakatalo sa pagiging maldita niya

“Please, don't prove I'm right,” hindi makapaniwalang sabi ni Isca kay Mark.

“Mayabang ka,” akmang lalapit si Mark nang humarang si Alfonso sa harapan niya.

“Akalain mong ang lakas mong tumapak sa munisipyo kahit na ang daming kaso ang nakaabang sayo,” rinig kong sabi ni Alfonso kaya napatingin ako doon.

I love the self confidence, Kap!

“Grabe ang self trust, Kap! I love it!” nakangiting sabi ko at pumalakpak pa pero sinamaan lang ako ng tingin ni Mark kaya agad ko rin binaba ang kamay ko.

Havey, palibasa kasi walang nag mamahal

“Hindi niyo pa nga napapatunayan na ako ang may gawa kung makapag akusa kayo wagas na,” nakangising sabi ni Mark.

Luh

Halos sabay sabay kaming mapaatras sa lakas ng hangin na dala niya! Hindi kami makapaniwalang tumingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Kung may reset button lang si Mark siguro noon ko pa pinindot

“Are you addict or just high?” rinig kong sabi ni Isca.

Hindi pa talaga nakontento si Isca dahil tumayo pa siya para ikutan si Mark habang may nandidiring tingin. Matagal siyang tumitig kay Mark at kunot ang noo.

“Okay, tell me Alice, paano mo nadi-deal ʼyung kakapalan ng mukha nito?”

She woke up early today and choose violence

Pasimple akong natawa dahil sa sinabi ni Isca. Hindi na talaga mailulugar ang pagiging maldita niya, nasa dugo niya na ʼyon, nananalaytay, at hindi na maaalis.

Pero ang ngiti ko ay agad din nawala nang masalubong ang masamang tingin ni Mark. Lumapit siya kay Isca at tumayo sa harap nito, si Isca naman ay nakatingin lang sa kuko niya at hindi pinapansin ang presensiya ni Mark.

Forda pader ang kuya niyo

“Wag kang nakikisali sa may gulo nang may gulo, ah?” mayabang na sabi ni Mark. Nangunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanila.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now