7

163 10 12
                                    

A/n: Hello po! Please listen to Pag-ibig by Sponge Cola while reading po! Enjoy reading po! ^^

“Kanina pa ba sila ganiyan?”

“Siguro, kanina pa sila nandito diba?”

“Pero in fairness, ang cute nila tingnan”

Nagising ang diwa ko nang may marinig sa paligid ko. Pinakiramdaman ko ang paligid ko habang nakapikit ang mata.

“Gigisingin ba natin, Guel?”

“Nako! Hayaan niyong ganiyan, baka pagod ʼyan sila”

“Pero may lakad si Ma'am mamaya, ʼdiba?”

“Ako na gigising mamaya, lumabas muna tayo!”

Nangunot ang noo ko nang marinig ang pagsara ng pinto. Ramdam ko rin ang sakit ng leeg ko at ang bigat na nasa ulo ko.

Agad akong nagmulat ng mata nang mapagtanto na nakatulog ako ngunit agad din natigilan nang makitang tulog din si Alice sa tabi ko. Nakahiga ako sa balikat niya habang siya naman ay nakasandal ang ulo sa ulo ko!

A-anong

Napapikit ako ng mariin, hindi ko alam kung paano gagalaw. Paniguradong masakit na rin ang balikat niya sa bigat ko ba namang ʼto!

Dahan dahan kong inangat ang ulo ʼko at agad na sinapo ang ulo niya. Pinagpalit ko ang posisyon namin, inihiga ko ang ulo niya sa balikat ko.

Nakatulog din pala siya

Napatingin ako sa paligid nang makitang wala na doon ang pinagkainan namin, wala na rin doon ang table. Mukhang mga staff ang narinig ko kanina, nakakapanibago dahil wala man lang akong narinig na kahit anong kaluskos sa paglilinis nila.

Ganoon na lang siguro talaga ang himbing ng tulog ko!

Tinignan ko si Alice na tulog sa balikat ko, tinanggal ko ang buhok na humaharang sa mukha niya. Sa isip ko ay iniisip kung gaano ako katagal nakatulog sa balikat niya sa kakahintay siguro ay nakatulog na rin siya.

Naramdaman ko ang pag galaw niya kaya napaiwas ako ng tingin habang pinakikiramdaman siya. Dahan dahan umangat ang ulo niya at nag stretch ng kamay. Tumingin ako sa kaniya at agad naman siyang lumingon sa akin. Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya.

“Sorry, I fell asleep,” sabi ko. “Hindi ka ba nangalay?” tanong ko habang nakatingin sa braso niya.

“Hala, ako rin, sorry!” tumingin siya sa buong office niya at siguro ay napansin niya rin na wala na doon ang pinagkainan namin.

“No need to say sorry,” ngumiti ako sa kaniya. “Thank you pala”

“Wala ʼyun ʼno, you're so brave nga, eh!” nakangiting sabi niya at tinapik tapik ang balikat ko kaya napangiti ako lalo.

“Anyway, may lakad ka? narinig ko mga staff mo”

Tumingin siya wrist watch niya at napatayo. Nang tingnan ko ang oras ay nagulat din ako, 12PM na! parang kanina lang nag be-breakfast lang kami

“Hala, oo! I missed my morning routine,” sagot niya at pumunta sa lamesa niya, napatayo naman ako.

Nakakaguilty!

Kung hindi siguro ako nakatulog mapupuntahan niya lahat ng meeting niya pero dahil nakatulog ako ay pareho kaming walang nagawa kaninang umaga. Kagat ang pang ibabang labi habang pinapanood siyang mataranta mag check ng schedule niya.

“Mukha kang puppy diyan,” natatawang sabi niya. “Okay lang ʼno”

Wala akong magawa at napabuntong hininga na lang. Siguro ay tinanggap niya na talaga na hindi siya naka attend sa morning routine niya. Hindi ko tuloy maiwasan mag reflect dahil kung ako ang nasa posisyon niya at na missed ang meeting sirang sira na ang araw ko pero siya ay nakangiti pa.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now