A/n: For tonight POV muna tayo ni Karl two chapters and please listen to Muli by Ace Banzuelo while reading! Enjoy reading po!
Karl's POV
“Gray!”
Pinilit namin gisingin si Gray nang matagpuan namin sa gitna ng kalsada noong gabing ʼyon.
Halos hindi namin makilala ang mukha niya, kung hindi pa dahil sa suot niya ay hindi namin maiidentify na siya iyon!
“Call the ambulance, now!” rinig kong sabi ni Isabel habang hawak si Gray sa braso.
Napatakip ako sa bibig ko nang makita ang kabuuan niya. Ang puti niyang polo kanina ay ngayon parang basahan na, halos pilas pilas at nag hahalo ang kulay ng dugo at putik doon.
Ang mukha niya ay halos hindi ko na makilala dahil putok ang kilay, putok ang labi, namamaga ang mata, at maraming sugat sa braso at ibang parte ng katawan niya!
“Sinong gumawa sayo nito, Gray?!” pilit kong siyang ginigising at naririnig ko ang pagsagot niya pero hindi niya na maibuka ang bibig niya.
“Sabihin mo kung sino, Gray! Hayop siya!”
Natigilan ako ng unti unti lumabas ang dugo sa bibig niya, nang iangat ko ang kamay ko na nakahawak sa ulo niya ay puro dugo rin iyon!
“Diyos ko! Puro dugo!”
Agad kong tinanggal ang coat ko at binalot sa kaniya, binuhat ko siya ng buong lakas para maisakay sa van, dahil kung hihintayin pa namin ang ambulansiya ay baka maging mas delikado pa!
Si Miguel ang nag drive ng van habang kami naman ni Isabel ang nakaalalay kay Gray sa likod ng sasakyan. Paulit ulit kong tinatapik si Gray para hindi siya makatulog pero unti unting bumagsak ang kamay niya!
“Bilisan mo, Guel!” sabi ko kay Miguel habang pabalik balik ang tingin sa daan at kay Gray.
Nangilid ang luha ko nang tingnan ulit ang itsura ni Gray. Wala na siyang malay at kung titingnan siya ay parang sinagasaan siya ng malaking truck!
“Wake up, Gray, malapit na tayo,” sabi ni Isca na pilit tinatapik ang balikat niya.
“Gumising ka na, Gray, malapit na tayo sa hospital, sige na pre,” nakikiusap na sabi ko habang ginigising si Gray pero hindi na talaga siya sumasagot!
Nang makarating kami sa hospital ay agad akong sumigaw para humingi ng tulong, agad nila kaming tinulungan na ilagay si Gray sa stretcher. Agad nilang pinasok si Gray sa emergency room, gustuhin ko man sumama ay sinabihan na nila akong hindi pwede kaya wala akong nagawa.
Napasuntok ako sa pader nang walang magawa. Napatakip ako sa bibig habang nangingilid ang luhang nakatingin kay Gray na nirerevive ng mga Doctor. Kung ano anong tubo pa at machine ang pinagana ng Doctor bago tuluyang isara ang kurtina.
“What's happening?!” pabalik balik habang umiikot na tanong ni Isca. “Hindi ganito ʼyung plinano natin!”
Napaupo ako sa upuan at doon yumuko at tahimik na umiyak. Puno ng dugo ang coat ko at ang kamay. Hindi ko alam kung ilang santo na ang natawag ko para ipagdasal si Gray. Ang alam ko lang ay gagawin ko ang lahat magkaroon lang siya ng malay.
“Nakita ko siyang tumatakbo kanina palabas ng villa..” sabi naman ni Miguel kaya napatingin ako sa kaniya. “Sinubukan ko siyang sundan pero malakas ang ulan kaya kumuha ako ng payong sa guard pero wala na siya..”
Lahat kami ay walang alam sa nangyari. Nagulat na lang ako nang sabihin ng staff na wala na sila Gray sa venue at nakita raw nila tumatakbo habang walang tsinelas. Kaya nang malaman ko iyon ay agad namin siyang hinanap at sa ganoong paraan ko pa nakita.
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...