A/n: Hello po! I think ito ʼyung pinakamahabang naisulat ko sa lahat ng chapters. More kilig scene or no more kilig scene na sa mga next chaps? we'll see. 😣 For now, POV muna ni Girly Guel. 😛
Miguel's POV
“Hoy, bading!”
Lumingon ako kay Karl nang lumapit ito sa akin pagkatapos namin kumanta. Ito talagang lalaki na ʼto sobrang kulit, hindi ko alam na may mas kukulit pa pala sakin!
“Oh?” sagot ko. “Galing, ah!”
“Ako na ʼto, eh!” mayabang na sabi niya kaya napairap ako.
Nas-stress bangs ko sa kaniya!
“Oh, eh, ikaw na pala ʼyan edi ikaw na rin magbalik nitong mic,” at ibinigay sa kaniya ang mic bago umalis.
Pero pareho kaming natigilan nang makita sila Mayora at si Gray na masayang masaya na nagtatawanan habang nakikipaglaro sa mga bata. Simple lang naman ʼyon pero mapapangiti ka talaga pag nakita mo sila na ganoon.
“Lakas talaga ng chemistry nila ʼno?” sabi ni Karl sa tabi ko habang pinapanood namin ang dalawa.
“Totoo, ʼte!” pag sang ayon ko. “Hulog na hulog kaibigan mo, oh!”
Pinanood namin ang dalawa mula dito ay rinig na rinig ang tawanan nila. Akala mo sa kanilang dalawa lang umiikot ang mundo.
Oo ganoon ang peg nilang dalawa!
“Ewan ko ba naman kasi sa kaibigan mo,” sabi ko habang nakatingin sa dalawa. “Halata naman na gusto niya si Mayora, ayaw pang aminin!”
“Naguguluhan pa siya, eh,” sagot naman ni Karl.
“Wow, ha! Naguguluhan pa siya sa lagay na ʼyan?” natatawang turo ko kay Gray.
Nakatingin ito kay Mayora habang si Mayora ay nakikipag laro sa mga bata. Isa talaga sa hilig at weakness ni Mayor ang mga bata. Ibinalik ko ang tingin ko kay Gray at ganoon pa rin siya habang nakatingin kay Mayora, na parang si Mayor lang ang nakikita niya, na parang ang bawat galaw ni Mayor ay naka slow motion sa kaniya!
“Aw,” sabi ko nang makitang pinicture-an ni Gray si Mayora habang nakikipaglaro sa mga bata habang si Mayora naman ay walang alam. “Hindi pa talaga siya sigurado sa lagay na ʼyan?”
“Parang lahat tayo alam na may gusto siya kay Alice, siya na lang hindi nakakaalam,” natatawang sabi naman ni Karl.
Totoo! Halata naman sa mga galaw ni Gray na may gusto siya kay Mayora, siya na lang siguro ang hindi nakakahalata!
In-denial pa si Kuya niyo
Nag katinginan kami ni Karl nang lumapit si Kap. Mark sa dalawa. As usual, agad na bumati si Mayor sa kaniya pasimple akong natawa habang nakatingin kay Gray dahil parang bored na bored itong nakatingin sa dalawa habang nag uusap.
“Tingnan mo kung paano mag selos si Gray pag nandiyan ʼyang Mark,” bulong ni Karl. Hinila ako ni Karl papunta kay Gray kaya nag angat ito ng tingin sa amin.
“Ayos ba performance namin?” nakangiting tanong ni Karl pero parang hindi narinig ni Gray dahil natingin ito kina Mayor. “See?”
Wala ʼto, na zozone out pag nag seselos!
“Aba, eh kung ganiyan ka na lang hindi ka uusad niyan!” talagang pumunta pa ako sa harap niya para matauhan siya! “Mauunahan ka pa ng iba!”
“Totoo, bro! Kulang ka sa diskarte, eh!”
“Tinulungan ka na nga namin, nabawasan naʼt lahat ʼyung bangs ko tapos wala pa rin kayong label?!” pairap kong sabi, ka-imbyerna!
“Anong label?”
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...