Nagising ako nang maramdaman kong may mainit na palad sa pisngi ko. Dahan dahan akong nag mulat ng mata at agad iyon tumama sa ceiling.
“Good morning,”
Nagbaba ako ng tingin sa tabi ko at nakita ko si Alice na nakatingala at nakatingin sa akin.
“Makakalabas na ʼko later,” nakangiting sabi niya at umayos ng upo.
“Good for you,” ngumiti ako sa kaniya at ininat ko ang braso na hinigaan niya, kakatwang wala akong naramdaman na pamamanhid man lang.
“Mag rerest room lang ako,” tumayo siya at kinuha ang lalagyanan ng iv niya.
Agad akong tumayo para alalayan siya pero agad naman siyang tumanggi at pinaupo ako.
“Kaya ko na, diyan ka lang,” sabi niya at tinuro ang hospital bed. “Wait mo ʼko diyan”
“Are you sure?”
“Oo, kaya ko”
Pinanood ko siyang maglakad papunta sa rest room at nang makapasok siya ay saka ako lumapit sa pintuan noon. Sumandal ako sa pader at doon nag hintay sa kaniya.
Nilibot ko ang paningin ko sa hospital room niya medyo malaki rin iyon, may malaking bintana na natatabingan ng curtains at may sofa set sa harap ng tv at coffee table. May sarili rin siyang restroom at mini refrigerator. Medyo malaki rin ang hospital bed niya kung saan kami nakatulog kagabi.
Nakita ko ang mga gamit niya sa sofa. Inisip ko kung nasaan sila Miguel dahil simula kagabi ay hindi ko pa sila nakikita at maski si Mark ay parang naglahong bula.
Mas maganda nga ʼyon, puro lang naman kayabangan ang nilalabas
Bumukas ang pintuan kaya napatingin ako doon. Magkasunod na pumasok si Miguel at Karl habang may bitbit na maraming plastic ng Jollibee.
“Anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Karl nang makitang nakasandal ako sa pader sa gilid ng restroom.
“Nasa loob si Alice,” turo ko sa katabing pintuan.
“Good morning! Good morning!” bati naman ni Miguel habang tinataas ang kamay sa ere. “What a good morning!”
“OA na naman nito, kanina ka pa sa Jollibee,” tinulak ni Karl si Miguel at inilapag ang bitbit niya sa coffee table bago maupo sa sofa.
“Ano ba! Nacute-tan lang ako kay Jollibee, anong masama doon?!”
Imbis na sagutin siya ni Karl ay humarap siya sa akin. “Biruin mo, nakakita lang ng mascot ng Jollibee gusto na agad iuwi! Ginawa pang excuse si Alice dahil same raw sila ng favorite!”
Natatawa akong tumingin kay Miguel na ngayon ay nakanguso habang nakatingin kay Karl. Ibinaba niya ang bitbit niya at agad na sinugod si Karl para sabunutan, tumatawa naman ako habang pinapanood sila sa asaran nila dahil normal na sa kanila ʼyon.
“Aray! Aray!”
Bumukas ang pintuan ng restroom kaya napatingin ako doon. Lumabas si Alice at napatingin sa dalawa na nagsasabunutan sa sofa, tumigil ang dalawa nang makita si Alice.
“Bakit?” tanong niya sa dalawa habang inaalalayan ko pabalik sa hospital bed niya.
“Yan kasi Mayora, eh! Binabash niya si Jollibee!” nagsusumbong na sabi ni Miguel. “Favorite mo ʼyun, ʼdiba?”
“Hoy! Anong binabash, hindi ka lang pinayagan iuwi ʼyung mascot ni Jollibee binabash na agad?!”
“Gano'n na rin ʼyon!”
“Wag mo kasing binabash si Jollibee,” natatawang sabi ni Alice nang makaupo sa hospital bed niya.
Napapailing na lang ako habang nakikinig sa kanila. Hindi ko alam na sa tanda nilang ʼyan ay si Jollibee pa rin ang pinagtatalunan nila ngayong umaga.
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...