9

185 12 15
                                    

A/n: Listen to You'll be safe here, Adie version while listening po! Enjoy reading po! ❤️

Twelve AM ay nakita ko na lang ang sarili kong nag aayos pababa ng sasakyan. Inayos ko ang cap ko at nakapag palit na rin ng jacket.

Nandito kami ngayon sa relocation area kung saan nilikas ang mga tao. Tuloy tuloy ang pasok ng mga tao sa school na tutuluyan nila. Nilibot ko ang paningin ko, maraming rooms ang nandoon, may stage rin kung saan nandoon ngayon ang mga Mayor's staff para mag assess.

Kung hindi ako nag kakamali ay pataas ang dinaanan namin at ang sabi ay bandang bundok na raw ito. Ito na raw talaga ang ginagamit nilang evacuation area sa tuwing may ganitong sitwasyon.

“Sir, nandiyan na raw po ʼyung relief goods na pinadala niyo,” sabi ng sekretarya ko.

“Sige, puntahan natin”

Naglakad kami palabas ng school para tingnan ang mga relief goods. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga truck na may dala niyon. Kumpulan ang tao doon dahil bukod sa malapit sa entrance ay may nakikisilip din.

Kung nasaan si Alice ay hindi ko alam, nauna siyang bumaba sa akin at nag ikot ikot sa mga room para mag check. Hinayaan ko siyang gawin ang trabaho niya habang ako ay nag paalam na aasikasuhin ang mga relief goods na hinihintay namin.

“Sabi saʼyo sa CEO ng Montenegro galing ʼyung mga relief goods, eh!”

“Oo nga no! Baka totoo ang issue?”

Bahagya akong napatingin sa gilid ko nang marinig ang mga kabataan na nag uusap at banggitin ang pangalan ng company. Ang bawat truck ay may pangalan ng kumpanya kaya madaling makilala at mukhang hindi nila ako nakikilala dahil sa mask at cap ko.

“Baka naman tumulong lang!”

“Basta ako ship ko ʼyan!”

Ship?

Hindi ko na narinig ang sumunod nila sinabi dahil pinatabi sila ng mga guard na nandoon para hindi matamaan sa pag bubuhat. Nangunot naman ang noo ko nang makita si Karl na bumaba sa sasakyan.

“Nasaan si Gray?” tanong niya sa sekretarya nang hindi ako makita sa gilid niya.

“Ito po,” turo sa akin.

“Nasaan—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang tingnan ako mula ulo hanggang paa. Naninibago sa pananamit ko dahil ang suot ko lang ay sweatpants at jacket, naka mask at naka cap pa, idagdag mo pa ang katunayan na naka sleepers ako.

“Wa-What happened..?”

Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at hindi ko alam kung anong tinitingnan niya.

“What?” tanong ko nang hindi siya mag salita.

“Ikaw ba ʼyan?!”

Ako ang nahihiya sa kaniya dahil sa lakas ng boses niya. Pinag titinginan kami ng nga taong dumadaan. Hinila ko siya para tumabi dahil kung hindi ay matatamaan siya ng mga binubuhat ng mga staff na karton.

“Huwag kang maingay,” sabi ko nang makarating kami sa gilid.

“Bakit ganiyan suot mo? nag hihirap ka na ba? nabankrupt ka ba? sabihin mo lang at pahihiramin kita—hindi ako sanay!”

“Hindi, okay?”

“Eh, ano?”

“Nandito ako para tumulong,” sabi ko habang pinapanood ang mga tao na pumapasok sa gate.

“Wow,” inilagay niya ang kamay niya sa leeg ko agad ko naman hinawi ʼyon. “Bago ʼyan ah, ikaw mismo pumupunta”

“Tigilan mo nga ako,” naiinis na sabi ko. “Gusto kong tulungan si Alice..”

Mayor AliceWhere stories live. Discover now