30

152 13 51
                                    


Alice POV

“Mommy!”

Halos sundan ko ng tingin si Gray nang lampasan niya ako para sagutin ang tumawag sa kaniya at wala nang kasing sakit iyon dahil hindi niya man lang siya nag abalang lingunin ako kahit na halos magtama ang balikat namin.

“Mommy!”

Nagbaba ako ng tingin kay Celestine na yumakap sa akin. Lumuhod ako sa harapan niya para mag pantay ang tangkad namin.

“Kanina pa kita hinahanap,” pinilit kong ngumiti sa bata. “Diba sabi ko sayo ʼwag kang lalayo sakin?”

“I saw the famous business man!”

Natigilan ako nang marinig ʼyon, gusto ko bigla ipagmalaki na hindi lang basta famous si Gray dahil he's more than that.

“Really?” nakangiting tanong ko habang nakatingin kay Celestine.

“Yes! Look, he gave me his lampin!”

Napatingin ako sa pinakita niya at nakita ko doon ang isang itim na panyo, hindi lang basta panyo iyon dahil nakaukit doon ang pangalan ni Gray gamit ang gold na kulay na sinulid.

That handkerchief

Natitigilan akong tumingin sa panyo nang maalala na minsan nang pinunasan ni Gray ang pawis ko gamit ang panyo na katulad ng hawak ni Celestine.

“I gave him the lollipop you gave me and he gave me his lampin,” rinig kong sabi ni Celestine.

“Huwag mo na ulit ulutin ʼyung ginawa mo, ha?”

“Opo, sorry po,”

Pilit akong ngumiti sa kaniya bago tumayo. Nag angat ako ng tingin kina Miguel at nakita ko ang gulat sa mata nila Karl at Isabel pero si Miguel ay nanatiling nakangiti sa akin.

“It's.. good to see you all again,” pinilit kong maging kaswal sa harapan nila kahit na ang tingin nila ay pabalik balik sa amin ni Celestine.

“Wow, you're still amazing..” sabi ni Karl nang makabawi. “I'm happy to see you again, Alice”

“You're still beautiful like before,” ngumiti si Isabel at lumapit sa akin para yakapin ako. “I'm speechless to see you”

“Thank you,”

Tumingin ako kay Miguel nang bumitaw si Isabel sa pagkakayakap. Ngumiti ako sa kaniya dahil ilang buwan na rin nung huling kita namin.

“I missed you,” nakangiting sabi ko kaya agad naman siyang naging emosyonal at lumapit sa akin para yumakap.

“Na miss kita! Nakakainis ka!”

Mahigpit siyang yumakap sa akin kaya natatawa akong ginantihan ʼyon nang marinig na umiiyak siya.

Hindi mahihigitan ang pagpapasalamat ko kay Miguel dahil siya ang nandiyan during my worst and my lowest.

Siya ang tumulong sakin to stand and move forward. Mag mula noong nangyari sa airport ay hindi siya umalis sa tabi ko hanggat hindi niya nasisigurong ayos ako kasama si Mark. Halos bigyan ko siya ng isang librong dahilan para masigurado sa kaniyang ayos na ako dahil alam kong hindi lang sakin iikot ang mundo niya, kailangan niya rin mag explore.

“Thank you,” bulong ko sa kaniya habang tinatapik ang likod niya. “Thank you for everything, Guel”

Bumitaw siya sa pag kakayakap at nakangiting tumingin sa akin. Nagbaba siya ng tingin kay Celestine bago mag angat ng tingin sa akin.

“Siya na ba?”

Tumingin ako kay Celestine na ngayon ay nakatingala at inosenteng nakatingin sa amin. Ngumiti ako kay Miguel at tumango.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now