3

163 9 4
                                    

“You're a-alive..”

Mahigpit ang pagyakap ko sa kaniya nang hindi ko maramdaman ang kamay niya ay bumitaw ako sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawang balikat niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

Hindi ko maisatinig ang gusto kong sabihin. Gulat na gulat ako at ganoon din siya bagamat nakakunot ang noo.

“Ehem”

Nag iwas siya nang tingin at tumingin sa kamay kong nasa balikat niya pa rin. Kakatwang kahit anong tangkad niya at tinitingala niya pa rin ako.

“Alicia..”

“Wait wait, wait lang, Sir,” hinawakan niya ang dalawang kamay ko at sumenyas kung saan, hindi ko ito nakita dahil ang paningin ko ay tutok sa kaniya. “Upo ka muna, Sir ʼno?”

“Paanong..”

Inalalayan niya akong umupo habang hawak ang dalawang kamay ko. Umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin. Narinig kong nagsasalita na ang host at nagpatuloy na rin ang program habang kami ni Alicia ay may sariling mundo.

“Ayos lang po ba kayo? Gusto niyo po ng water, Sir?” tanong niya at bahagyang lumapit dahil sa lakas ng sounds.

“Alicia.. buhay ka..” iyon na naman ang pangingilid ng mga luha ko. Nang makita niya iyon ay nakita ko ang alarma sa mata niya.

“Water, water,” may inabot siya mula sa likuran ko at inabot sa akin iyon. Nang hindi ko kuhanin ay siya mismo ang nag bukas ng tubig at inipit mismo sa kamay ko. “Hala, mag patawag na ba ako ng medic, Kons?” tanong niya sa katabi niya.

“Sir Gray, ayos lang ho ba kayo? Gusto niyo na po ba bumaba?” tanong nang isa sa mga officials na kasama namin.

Hindi ko inalis ang paningin ko kay Alicia. Tumingin siya sa akin at tinapik tapik ang balikat ko. Sinilip niya pa ang mukha ko na parang bata.

“Shush,” pag papatahan niya sa akin. Pasimple kong pinunasan ang luha ko at tinitigan siya.

“I'm fine. Thank you,” sagot ko habang ang paningin ay nasa Mayor nila. “Can we talk?”

“Ako po?” tinuro niya sa sarili at tumingin sa paligid nang makitang sa kaniya ako nakatingin ay humarap siya sa akin. “Sure po, about what po?”

Lumapit ako sa kaniya at ganoon din naman siya dahil sa lakas ng sounds sa stage.

“Paanong buhay ka?” tanong ko, nakita kong nangunot ang noo niya at tumingin sa akin.

“Ha?”

“Alicia, huwag ka naman ganito, sabihin mo na sakin—”

Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa pagitan namin at tila naguguluhan. “Wait, Sir. First of all, hindi po Alicia ang pangalan ko, Alice Leal po, at saka sino po ba si Alicia?”

Inosente siyang tumingin sa akin, nagtatanong at nag hihintay ng sagot. Ang mata ni Alicia na kulay brown ay ganoon din sa kaniya, ang singkit na mata niya ay kuhang kuha rin, ang matangos niyang ilong ay kamukhang kamukha, ang maputi niyang balat na nagbibigay lalo ng ganda kay Alicia ay kuhang kuha niya. Ang pinag kaiba lang nila ay ʼyung haba ng buhok niya.

“Sir?” napakamot siya sa ulo at alanganin na natawa nang hindi ako sumagot.

Nag iwas ako ng tingin at uminom sa bottled water na hawak ko. Nanginginig ang kamay ko kaya agad ko rin binaba para itago ngunit huli na dahil nakita niya na ʼyon.

“Let me help you,” kinuha niya ang bottled water at tinakpan iyon at nilapag sa baba. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at ikinulong sa dalawang kamay niya. Nakangiti niya iyong ginawa. “It's fine, Sir, ganiyan po talaga sa una pag maraming tao”

Mayor AliceWhere stories live. Discover now