8

177 13 14
                                    

A/n: I love it talaga pag may mag cocomment, I love reading your opinions huhu, mas nabubuo ko ʼyung personality nila! Love lots po!

“Nako, nako, Mayora! Pag ikaw nag kasakit talaga,” rinig kong sabi ni Miguel paglabas ko sa CR ng Mayor's Office.

“Masaya naman, eh,” sagot naman ni Alice habang nag pupunas ng buhok niya, ngumiti siya nang makita niya ako. Napatingin naman si Miguel sa akin.

“Ikaw, Sir, doon ka sa secretary mo, siya ang magagalit para saʼyo,” turo niya sa labas ng pintuan, natawa naman ako at umupo sa tabi ni Alice.

“Kailan ka huling naligo sa ulan?” tanong ko kay Alice, napaisip naman siya.

“Yung naligo talaga? ngayon na lang ulit”

“Ngayon lang naman pala ulit, palagpasin mo na,” nakangiting sabi ko kay Miguel.

“Nako, ha!” nakatayo siya sa harapan namin habang nakapamewang. “Huwag mo ʼko nginingitian ng ganiyan Sir!”

“Bakit naman?” I said in soft voice habang nakatingin sa kaniya.

“Handsome man are dangerous!”

“Ngayon lang talaga ʼto, Gail,” pigil tawang tawag ko sa pambabaeng pangalan niya. “Hindi na mauulit”

Umakto siyang pinag papawisan at kung ano anong sinasabi na siya lang ang nakakarinig. Mukhang effective ang pag sosoft voice ko.

“Sige, sige!” pag payag niya, pasimple naman kaming nakatinginan ni Alice at patagong natawa. “Hintayin niyo ako dito, dadalhan ko kayo soup!”

Nang makalabas siya ay sumandal ako sa sofa at napapikit.

“Thanks for today, Alice,” nakangiting sabi ko at tumingin sa kaniya.

“Thank you rin!” masayang sabi niya. Hindi na siguro matatapos ang saya niya.

Tumayo siya at pumunta sa lamesa niya, may kinukuha siya sa cabinet kaya hinintay ko siyang makabalik sa sofa. Nang tingnan ang hawak niya ay hair brush iyon.

“Let me,” nakangiting sabi ko at kinuha sa kaniya ang hair brush.

“Sure ka?” tanong niya habang nakatayo sa harap ko. “Mahaba ʼtong buhok ko”

“I know, I want to try”

Hinila ko siya paupo sa sofa, tumalikod naman siya sa akin kaya umayos ako ng upo para simulan suklayin ang buhok niya. Napangiti ako nang lumapat ang hair brush sa buhok niya.

“Wow, it feel so nice,”

“Parang hindi ka nag susuklay ng buhok, ah?” rinig kong natatawang sabi niya.

“Ngayon ko lang na try mag suklay ng ganito kahaba,” namamanghang sabi ko.

Ang ganda ng buhok niya, bagsak at straight. May pagkamanipis man ay sa tuwing gumagalaw siya sumasabay ito. Isa sa mga asset niya at nag bibigay ng ganda sa kaniya.

“Sabagay, magkaiba kami ng haba ng buhok ni Alicia sabi mo, diba?”

Natigilan ako nang lumingon siya bahagya sa akin pero hindi ako nagpahalata. Pilit akong ngumiti.

“Yes,” sagot ko, ngumiti naman siya. “Pero hindi ko nasubukan ayusin buhok niya”

“Bakit naman?” natitigilang tanong niya, at tuluyang humarap sa akin.

“She's busy managing her own company,” pilit akong ngumiti sa kaniya at kinuha ang ilang hibla ng buhok niya na hindi pa nasusuklay.

“And?”

Mayor AliceWhere stories live. Discover now