A/n: Nabasa ko po lahat ng theories, love it! bwhzwhshshshhwhshw meron pang nag sabi ipaphase out daw po ako, huhu sorry na. Here's Chapt 23 for you, guys! quick lang siya kasi masama rin pakiramdam ko huhu. Enjoy reading po! ❤️
“Gray,” tumayo siya nang makita ako. “What are you doing here?”
“Isca?”
Nagugulat akong nakatingin sa kaniya, nagtataka naman siyang tumingin sa akin. Tumingin ako sa ibang table na katabi namin at nagbabakasakaling mali ang napuntahan kong table pero lahat ng table na nasa paligid namin ay occupied at bukod doon ay lahat sila may kasama.
Maliban kay Isca na nakatayo ngayon sa harap ko
“Yes? What's wrong?” nagtataka ring tanong niya. “Are you okay?”
“What..” hindi ko maituloy ang itatanong ko dahil litong lito ako sa nangyayari. “What are you doing here?”
“Oh,” tumingin siya sa table at napipilitan ngumiti sa akin. “I'm waiting for someone”
“Who?”
“Company partner,” nahihiyang sabi niya. Kunot na kunot ang noo ko habang naka tingin sa kaniya. Malakas ang pakiramdam ko pero sana mali lahat ng iniisip ko.
“How about you? What are you doing here?” ngumiti siya sa akin at inilibot ang tingin para tingnan kung may kasama ako. “A date with someone?”
“No,” sumeryoso ako habang nakatingin sa kaniya. “I'm here to meet someone”
Napatango siya sa sinabi ko. “I see, do you want to order while waiting?”
Hindi ako sumagot at tiningnan lang ang reaksyon niya. Inisip ko kung sakaling siya ang anak ni Mr. Kim dahil hindi niya naman kamukha at bukod doon ay wala akong nabalitaan na may anak si Mr. Kim na sikat din. Napaka low profile ng pamilya nila samantalang si Isca ay namamayagpag ang pangalan.
“I'm waiting for Mr. Kim daughter,” sabi ko habang nakatingin sa kaniya.
Napanood ko ang gulat sa mata niya habang nakatingin sa lamesa. Dahan dahan umangat ang paningin niya sa akin, pati ang paglunok niya ay naging matunog sa pandinig ko.
“Ikaw ang business partner ni Dad?”
Umugong sa pandinig ko ang mga salitang ʼyon. Lahat ng pagkalito, pagkagulo, at pagtatanong ay nawala sa isip ko. Confirm sa akin na siya na nga ang anak ni Mr. Kim.
Para akong pinag laruan ng mundo
Ang gulat sa mukha niya ay nagsasabing pareho rin kaming walang alam. Pareho namin hindi kilala ang isa't isa sa kwento ng tatay niya. Pareho kaming na set up at walang ka alam alam.
“Ikaw ba?” tanong ko sa kaniya habang mariin na nakatingin. “Ikaw ba ʼyung anak na sinasabi ni Mr. Kim?”
“This is insane,” nasapo niya ang ulo niya.
Napaupo siya sa upuan kaya nakatitig din akong umupo sa harapan niya. Maraming tanong sa isip ko na gusto kong masagot pero hindi naman ʼyon ang dahilan kaya pumunta ako dito.
“I'm sorry, hindi ko alam,” sabi niya habang nakatingin sa akin at nag aalala. “Wala akong choice, kailangan ko lang din gawin dahil utos sa akin ni Daddy”
Tama nga ako, pareho kaming walang alam
Kumuyom ang palad ko sa ilalim ng lamesa. Gusto kong ibato kay Mr. Kim lahat ng gamit na mahahawakan ko. Siya ng dahilan kung bakit nangyayari lahat ng ʼto.
“I'm sorry, Gray,” nag aalalang sabi niya. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya.
“Bakit ka pumayag?” gustong gusto ko malaman ang dahilan niya dahil halata naman na ayaw niya rin.
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...