CHAPTER 45

59 3 0
                                    


Lumipas ang araw simula ng kami ay ikasal sa isla ng de dios family. Subrang nagpapasalamat talaga ako sa pamilya ng lima dahil sa tulong nila ay naidaraos ng kasal namin ni ken ng masaya at maayos.

Marami rin ang bumati saamin online, marami ang napasana all, kinilig, natuwa at nalungkot ng araw na iyon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan iyon parang kahapon lang nangyari.

Pero ang masayang iyon ay agad rin naman binawi saamin dahil si illah ay iniwan kami ng araw na iyon. Nawawala sya. Hindi naman alam kong saan sya pumunta dahil kahit isa samin ay walang nakakaalam. Masaya pa kami noon sa sasakyan, namamaalam na pala sya nun saakin, pero hindi ko man lang iyon napansin kaya lubos na kinalungkot ko. Natuloy ang celebration namin dahil nakakahiya sa ibang bisita nang natapos na ay doon ko lang binuhos ang luha ko.

"Hey ayos ka lang?" Sabi saakin ni ken at tinabihan ako sa kama

"Nalulungkot pa rin, Hindi ko pa rin kasi nakuntak si illah" sabi ko rito at isinandal ang katawan ko sa katawan nya.

"Magpapakita rin yun, Hindi ka matitis non" sabi nya sakin at hinalikan ako sa noo na ikipapikit ng mga mata ko.

"Sana nga" sabi ko rito at nginitian sya.

"Huwag kana malungkot, aalis na ako bukas gusto ko masaya ka" sabi nito saakin kaya mas lalo rin ako nalungkot. Isa pa iyon akala ko si ken lang aalis para may aasikasuhin sa Canada, kasama pala ang apat dahil pupunta rin raw sila ng Japan.

"Hay mamimiss ko talaga kayo, Isang buwan rin iyon" sabi ko sa kanya at mas lalo akong sumandal sa katawan nya na niyakap nya naman.

"Para ayaw ko na tuloy tumuloy" sabi nya kaya napatingin ako rito ng masama.

Buang talaga.

"Huwag mong gagawin yun ha! Mamimiss ko lang Ikaw at kayo, sobrang bilis kaya ng araw no" irap na sabi ko rito na kinatawa nya naman.

"Huwag kana kasing malungkot" sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.

"Nakikiliti ako ken" sabi ko rito ng kilitiin nga ako sa tagiliran ko

"What? hahaha" sabi nya tapos todo kiliti pa rin saakin. Bwesit talaga

"Love, omg hahahhaha" sabi ko at umikot na sakama dahil sa lakas ng kiliti ko talaga sa tagiliran

"Hahahahha" sabi nya at huminto na rin nang makitang parang kinakapos na ako sa kakatawa.

"Bwesit ka ken" sabi ko at sinamaan sya ng tingin pero tumawa lang ang lalaki at hinila ako para nahiga na sa kama.

"Mamimiss ko talaga to" sabi nya at hinalikan ako sa ulo

"Me to" sabi ko sa kanya

*****

Nagising kaming dalawa ng maaga dahil na rin sa maaga silang aalis. Kunti lang rin ang laman ng maleta nya dahil sabi nya ay uso namn raw maglaba kaya maglalaba nalang sya para magkasya ang mga damit na dala nya. Nakasanayan na na siguro kaya ganon, pinilit ko naman pero ayaw nya raw at mabigat lang.

Akala mo talaga bubuhatin nya e.

"Mommy saan pupunta si daddy?" tanong ni Hael dahil nauna syang nagising sa kambal.

"Sa Canada baby, babalik naman ang daddy, may pinuntahan lang roon" sabi ko sa kanya.

"Mamimiss ko po si daddy mommy" sabi nya saakin kaya pinatayan ko sya at hinalikan sa kanyang pisnge.

"Si mommy rin baby"sabi ko rito.

Sobrang tagal kasi ng isang buwan at kakasal lang rin namin kaya talaga mamimiss ko sya.

Life With My RockstaWhere stories live. Discover now