CHAPTER ELEVEN

85 3 0
                                    


May mga bagay na kailangang nating e give up , para matulungan tayong kalimutan Ang naging mapaiit nitong epekto sa atin.

Nandito ko ngayon sa office ni sir Pablo , Maaga talaga akong nagising kanina para maabutan ko si sir at iabot sa kanya ang resignation letter ko.

Sinabi ko rin ang dahilan ko kung bakit ako nakapag desisyong umalis sa company na ito.

Dahil sa nangyari saamin ni che hindi ko na sya kaya pang makita , Hindi ko kayang makita ang babaeng aking pinagkatiwalaan sa maikling panahon na sinira lang dahil sa sariling kapakanan.

At kagustuhan

Kaya pala , kaya pala noong nakakasalubong namin si sir ken ay iba ang mga tingin nya dito , pero Akala ko hindi nya ito iniibig dahil noong sya ang inutusang pumunta sa office ni sir ay hindi naman syang nag pumilit noong sabihin ni saint na hindi sya pwede.

Ang galing , Hindi ko napansin iyon.

" Sigurado kana ba talaga dito Nurse Elle?" Tanong sakin nito.

" Yes sir " mabilis na sabi ko

", pero hindi kita mapapayagan " sabi nito at tinginan ako.

" Ho bakit po? " takang tanong ko

" Kailangan namin ikaw ngayon nurse , kailangan namin ikaw dahil malapit na ang concert namin sa Araneta " sabi nito

" Pero sir " sabi ko

" Kung desidedo ka na talaga , Sige papayagan kita pagtapos ng concert namin sa Araneta " sabi ni to sa akin

dalawang linggo nalang bago mag simula iyon.

Malapit nalang Elle , tiisin mo nalang kaya muna?

" Sige po sir naintindihan ko, pwede rin po bang huwag nyo pong ipagsabi Ang bagay na ito kahit kanino?" sabi ko

" makakaasa ka nurse Elle " sabi nito pero agad syang tumingin saakin at sinabing

" At tsaka pala, alam ko na Ikaw Ang babaeng nabangga noon ni ken " pahabol nya at umalis na sa office nya

Ha? Paano nya nalaman?

Wala naman akong pinasabihan?

Sinabi kaya ni ken?

Eh , Hindi na rin mahalaga yun.

Ang mahalaga ngayon ay kung paano ako mag tatrabaho ng matiwasay Kong may kasama akong mapagpanggap na tao doon

At

Paano ako makakaiwas nito kay sir ken

Lumabas na rin ako sa office ni sir Pablo ng makasalubong ko si sir Justin at josh

" Oh nurse Elle , anong ginagawa mo sa office ni Pablo? Tanong sakin ni Justin

" Ah good morning po, kinausap lang po ako ni sir Pablo" sabi ko naman

" Ganun ba sige, nandyan ba sya sa loob?"
tanong ni sir josh

" Wala na po sir josh , umalis na po sya " sabi ko naman dito.

" Ah ganun ba? Baka nasa dance studio na iyon"  sabi nya naman saakin

Baka nga

" Ayos kana ba nurse Elle?" biglang tanong ni Justin saakin

Nagulat naman ako sa tanong ni sir Justin saakin

" Opo sir , salamat po pala sa ginawa nyo "

Life With My RockstaWhere stories live. Discover now