CHAPTER 37

155 5 0
                                        

Nang masigurado kong tulog na si ken ay lumabas na ako sa kwarto namin para makihalubilo sa mga girls sa swimming pool.

Nakita ko si illah na nag iihaw pa rin ng barbeque sa gilid ng cottage.

"Hindi ka pa tapos r'yan?" tanong ko sa kanya.

"Ang sarap kasi" sabi nya at kinagat ang isang barbeque sa stick.

"Takaw" bulong ko rito nang mapansin ko ang iba pa yung niluluto nyan lima sa apat na stick ng baberque sa Plato nya.

"Hi Ralf, nakita mo si zii?" tanong ko sa isa sa mga stylist ng sb19.

"Nasa pool" sabi nya.

"Thanks"

Umalis na rin sya kaya nilingon ko na itong isa para yayain puntahan si zii.

"Tapos kana?" Tukoy ko sa baberque na niluluto nyan

"Yeah" at hinango na ito

"Tara kay zii" sabi ko at nauna ng naglakad papunta sa pool.

Nang makarating kami sa pool ay nakita ko si zii kasama ang ibang staff na nag kukwentuhan.

"Zii" tawag ko dito kaya lumingon naman sya at ngumiti.

"Hi, long time no see" sabi ko sa kanya.

Nabalitaan ko na nakabalik na pala sya. Sinabi saakin ni ken nong magising kami kanina. Sobrang tagal rin nya nag training para sa pagiging isang modelo. Ngayon isa na sya sa highest paid model sa ibang bansa.

"Me too, marami na akong na missed na mga events sa buhay ng mga boys tapos ngayon ikakasal na ang isa sa kanila." Umahon na sabi nya at inilapag ang basong may wine.

"Congrats, I'm happy dahil sa wakas ang isang nonchalant na taong nakilala ko ay na meet na ang babaeng nakatadhana sa kanya." Sabi nya at bumeso saakin.

"Thank you, Ikaw nga r'yan r ang ganda mo na, nakaka proud kana" sabi ko sa kanyan.

"Ano ka ba" birong irap nya kaya na patawa ako.

"Btw zii, this is my girl best friend Illah el Gonzalez" sabi ko sa kanya at nilingon ang babaeng kumakain pa rin ng baberque nya habang naka upo sa gilid ng pool habang ang paa ay nasa tubig.

"Pasensya na" dahil hindi lumingon si illah

"It's okay, mukhang busy sya sa pagkain nya" sabi nya kaya na patawa nalang ako.

"How's life?" Tanong ko.

"Great, I'm having a photoshoot this July sa I look you"

"Wow, sikat ang company nayun ah" Isa kasi na model roon si Justin kaya alam ko.

"Yeah, kaya nga umuwi talaga ako dahil ayaw kong palampasin tong opportunity" masayang sabi nya.

"Si jah model rin roon e, I'm looking forward nga na sana kunin rin lahat ng member ng sb19" sabi ko.

"Ohm, actually Justin is my partner sa shoot na Yun." At may saya sa mukha nya.

Wow, ang galing,

"Congrats zii"

"Thankyouu"

***

"So how's life with ken?" tanong nya habang sa ganoong pwesto na rin kami ni zii kay illah.

Uminom muna ako ng Smirnoff na binigay nya sakin bago ko sya sinagot.

"Tiring but happy"

"Why?"

"Tiring because of basher at masaya dahil sa wakas we have a ending we manifest."

"Ken is idol so expected na may basher talaga, actually hindi talaga yan sila mawawala."

"Lahat kamo Sila mayroon"

at nag tawanan kami. Totoo kasi yun kapag may mga taong proud sa kanila Meron naman taong nag d-down na parang naroon nong time na walang wala ang sb19.

"You know, bago ako pumayag na magpakasal sa kanya ay nauna Kong  tinggap yung buhay nya as a sb19 and Felip"

"You really love him"

"I love him so much" at tumingin sa kalangitan. Loving Felip hindi madali but loving ken is easy.

Nakaramdam na ako ng pagkahilo dahil an ubos ko ang isang boteng Smirnoff. Kaya parang gusto ko nang lumubong sa tubig kaya hinubad ko backless top ko at maong short ang na iwan nalang ang black swim suit ko. Kahit sila illah ay naghubad na rin ng t-shirt nya at short kaya white swim suit ang suot nya at si zii ganun rin at pink naman ang kanya.

Naging masaya kami dahil nag papicture kami tatlo at lumangoy ng lumangoy hanggang mapagod kaya nag pahinga muna kami sa cottage malapit sa pool.

"Nakakapagod" sabi ko at sinang ayunan naman ng dalawa.

"Check nyo tong post ko" sabi ni zii pero hindi ko dala ang phone ko kahit si illah kaya pinakita nya nalang saamin ito at picture namin iyon sa pool na may caption na. Mrs suson soon.

Wala namang specific kong sino ang tinutukoy nya kaya hindi ko na kinabahala iyon. Kaya hinayaan ko nalang.

"Sana hindi mo i-" Hindi na natuloy pa ang sinabi ni illah dahil may tumawag sa cellphone ni zii

"Oh sorry, sagutin ko lang" at lumabas sa cottage.

"Sana sinaway mo sya Elle" sabi saakin ni illah

"Bakit? Wala namang masama roon"litong sabi ko rito.

"Yes, sa picture wala pero sa caption meron" seryusong sabi nya na pinagtaka ko naman.

Anong mali sa caption?

"Anong mali?" tanong ko

"What if ma misinterpret ng mga taong makakakita non? At sya ang akalaing papakasalan ni ken?" sabi nya at umalis na sa cottage.

Doon ko lang napagtanto na tama sya what if? Hindi pwede iyon.

Dumating si zii at mukhang tapos na Sila mag usap ng kausap nya.

"Where's illah?" Hanap nya rito.

"Umalis" sabi ko

"Why?"

"Hindi ko alam" sabi ko

"Ahm, Hindi na ako magtatagal Elle, aalis na ako kasi tumawag ang manager ko."

"Sige" akmang aalis na sya nang ma-alala ko ang sinabi ni illah

"Ah zii, pwede mo bang e-delete yung post mo ngayon lang? Secret pa kasi itong about sa engagement namin ni ken baka mag karoon ng hint ang mga fans nila. Alam mo na matatalino kasi yun." Mahinang sabi ko

Matagal bago sya nag salita, mukhang pinag-isipan nya ang sinabi ko.

"Okay, don't worry idedelete ko agad, pasensya kana Elle" sabi nya

"Okay lang"

Sinundan ko lang ito ng tingin papunta sa kwarto nya ata para magpalit ng damit ng makita kong nakasalubong sila ni ken. Nakita ko silang masayang nag-uusap. At nagyakapan tila nagpaalam na si zii kay ken.

"Love" rinig kong tawag saakin ni ken pero hindi ko lang ito pinansin at kinuha ang damit na suot ko kanina.

"Love, kanina pa kita hinahanap, nagising nalang ako kanina wala ka sa tabi ko." Sabi nya sakin .

"Ah nag kayayaan kasi na magswimming rito" sabi ko sa kanya.

"Let's go love, hapon na at malamig" sabi nya at kinuha ang damit ko mula sa pagkakawak ko.

Kinuha nya rin ang kamay ko at naglakad na kami.

Life With My RockstaWhere stories live. Discover now