CHAPTER 32

117 4 0
                                    

Pinangunahan ni ken ang kaso na isasampa kay che at ang sabi ng attorney ay malakas ang laban namin dahil na rin sa CCTV footage na nakuha mula sa opisina nito at sa medical na mayroon ako. 

Buo na Ang desisyon ko rito dahil hindi ko na kaya pang ipagliban baka sa sunod na magkakaharap kami ay hindi lang iyon ang kaya nyang gawin at ang kinakatakot ay madamay ang mga anak ko.

Napag-alaman ko rin na kababata pala ni ken si che sa probinsya nya noon nag karoon lang sila ng interaction noong nakasalubong sila at sakto naghahanap ito ng trabaho kaya I-suggest nya na try nyang mag apply sa 1z kaya iyon. At Hindi naman raw pala masyadong close ang apat sa babaeng iyon. Akala ko talaga related silang lima sa isa't isa.

Ang sabi rin ni ken ay hindi naman raw talagang super close sya rito at hindi nya raw lubos na maisip na kaya iyon gawin ni che saamin ng kayang mag-ina.

Narealize ko na totoo pala ang sinasabi na dahil sa pag-ibig nagagawa mo ang mga bagay na akala mo hindi mo kaya, tama man ito o hindi. And I discovered that che is so obsessed kay ken. At nakakatakot ito.

Narito kami ngayon sa probinsya namin para mag bonding as a family. Dito ko napiling pumunta dahil na miss ko na at ang mga kambal sila mama. Pumayag naman si ken para raw makapagpahinga kami sa nangyari. Pinayagan naman sya ni Pablo dahil hindi naman masyadong puno ang schedule nila. Niyayaya ko rin ang apat pero may kanya kanya silang gagawin raw.

At aking napag-alaman na may sakit pala si tita paye na ina ni shenna at ang masakit pa ay malala na ito.

"Try kong humingi sa mga charity pala makatulong sa gamutan ni tita ash" sabi ko kay ashley na pangalawang anak ni tita lyn. Nasa ibang bansa rin pala si shenna para mag trabaho para sa pagpapagamot ni tita.

"Maraming salamat ate Elle" sabi nya at niyakap ako.

"Alam kong kaya ni tita lampasan to."

"Btw. Ash this is my boyfriend and my twins" pakilala ko sa kasama ko.

"Hello po"

"Hi tita ashley" masiglang bati ng kambal si ken ito as usual tumango lang. Nonchalant talaga.

"Love, si josh ang alam ko may tinutulungan ito na charity" bulong saakin ni ken.

Masaya ko naman syang nilingon "really love?"

"Hm, tatanongin ko sya about dito."

"Thankyouu love" Masayang sabi ko.

"Sige ash, update kita" paalam ko rito

"Salamat ng sobra ate Elle"

Tuluyan na kami nagpaalam kay ashley dahil gabi na rin at kailangan na rin namin magpahinga lalo na ang mga bata.

"Naawa ako sa pinsan ko love" sabi ko rito at yumakap sa kanya.

"Don't worry love tutulungan kita okay?" malambing na sabi nya.

"Thankyouu so much love, always"sabi ko

Importante sakin si tita paye dahil isa sya sa tumulong saakin para makapagtapos ng pag-aaral noong wala kami nila mama. Kaya ang pambawi ko non ay tinutulungan ko si shen sa mga activities nya sa school.

****

"Sobrang ganda talaga rito mommy" haela at naupo sa blanket na dinala namin para sa picnic na ito.

Narito kami sa isa sa mga palayan namin dahil nag-aaya ang kambal na mag picnic rito lalo na raw at kasama na namin ang daddy nila.

May kubo rito si papa para pagtambayan at rito magluluto para sa umgahan at tanghalian namin.

"Ken, pakuha nga itong mga kahoy para sa gagamitin natin pang luto." Pasuyo ni papa kay ken. Napangiti nalang ako dahil close nya na agad si papa at mama kahit na first time nila ito makita at makasama.

"Sige pa" sabi ni ken sa kanya.

"Pa? Kailan ka pa naging anak ni papa Felip Jhon?" Biro ko rito, simula't nagising kami kanina papa at mama na rin ang tawag nya rito e kagabi parang tita at tito palang ah?

"Kapag nakasal kana sakin" ngising sabi nya at pumunta roon sa kahoy na pinapasuyo ni papa.

"Kasal? Hoy mag propose ka muna!" irap na sabi ko dito na kinangiti nya lang.

"Alam ko na agad ang sagot mo" ngusong sabi nya na tipong nagpipigil ngumiti.

"Tanggihan ka" masungit na sabi ko na kinatawa nya.

"Love" lumapit sya saakin at niyakap ako at hinalikan sa ulo "sa poging kong to, baka nga paglumuhod ako rito mag yes kana e" confident na sabi nya.

"Lah, asa ka, tabi nga" masungit na sabi ko at tinabig ang pagkakayakap nya saakin pero hindi nya ako hinayaan na makaalis sa pagkakayakap nya.

"Hahahhaa, I love you love" at hinalikan ang pisnge ko, at tumayo para ipagpatuloy ang pinag-uutos sa kanya.

"Hoy, Ikaw talaga!" sigaw ko rito at tumawa lang ng malakas.

"I hate youuuu!" Irap ko rito dahil sa sobrang inis sa tawa nya.

"Don't worry love, l love you more" at nag flying kiss pa nga.

Ehhhh, namumulang umiwas ako ng tingin sa kanya kaya napatawa sya. Nang-aasar talaga yan. hahahaha kasal?

Shess, ee kinikilig akooo, syempre normal lang yun Ikaw ba naman niyaya ng taong mahal mo magpakasal dibaaa!! Shit talagaa.

Handa na ba talaga akong ikasal sa kanya?

Kong luluhod man sya ngayon at paniguradong sasagutin ko sya agad.

Wala na akong mahihiling pa ngayon kundi ang kasiyahan naming dalawa kasama ang anak namin at ang mga taong tunay na nagmamahal saamin.

"Mommy, sabi ni daddy will you marry me daw po?" parang clueless pa na sabi ni hael saakin na halatang napag-utusan naman ng ama, tiningnan ko naman si ken roon sa kubo Kasama ni papa para maghanda sa pagluluto. Nakangiti ito saakin at kinakawayan ako na parang sinasabi na maniwala ako kay Hael. nginitian ko ito ng matamis at bumulong sa hangin na

"propose ka muna."

I'm a girl na may dream na proposal na gusto ko bago ako mag bigay ng oo sa taong papakasalan ko because I wanted to experience it.

He mouthed "noted love" at pinagpatuloy na ang pagtulong kila papa at mama.

Niyakap ko naman so hael na ngayon ay naka kandong sa mga hita ko habang naririto kami sa blanket na inilatag ko para rito namin gawin ang request nilang picnic.

"Mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo at daddy nyo" bulong ko kay Hael.

"Mahal ka rin namin mommy" sabi nya at humarap saakin at hinalikan ako sa pisnge na kinangiti ko.

This place will be our home always.

Life With My RockstaWhere stories live. Discover now