Chapter 6: Sunset

76 5 69
                                    

Sunset

Adelaide's POV

Tila kay bilis ng  oras, nasa bahay ako ni Flora at inabutan ako ng umaga na nakatingin lamang sa labas.

Nagulat pa siya ng makita ako sa loob ng silid na pinagamit niya sa akin, nakatulala na nakatitig sa bintana.

"Adelaide, natapos na ng mga mage ang mansyon niyo," malumanay na saad niya sa akin na tila ba natatakot na masaktan ako.

"Babalik na ako ngayon din," tugon ko sa kanya at tumayo. "Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito," tipid akong ngumiti sa kanya.

"Susunod din ako sa iyo," saad niya sa akin.

Hinatid niya ako sa labas ng bahay niya at kumaway lang ako at agad na nagtungo sa mansyon.

Nasa labas pa lang ako ay hindi ko na mapigilan ang pagsikip ng aking dibdib. Bumalik sa dati ang mansyon, parang walang nangyari.

Dahan dahan akong pumasok sa loob at ang agad kung pinuntahan ay ang silid ng aking mga magulang.

Malinis na ito, walang bahid ng nangyari kagabi. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat yun.

Parang hindi totoo ang nangyari.

"The darkness in you will never go away, Adelaide."

Napatalon ako ng marinig ko ang bulong na iyon. Parang nasa gilid ko mismo ang nagsalita. Dahan dahan akong pumihit at napabuga ng hangin ng makitang walang tao.

Pinili kong hindi pansinin ang boses na yun.

Sa araw na yun, bumalik ang mga tagapagsilbi sa mansyon ngunit ano pa bang ginagawa nila dito?

Ayos lang naman kung mag isa ako.

"Paumanhin, ngunit kaya ko na ang sarili ko. Maari na kayong humanap ng ibang pagsisilbihan ninyo," mahinang sabi ko sa kanilang lahat, kasama na si Flora.

Nagtitigan sila sa harap ko. "Ayos lang akong mag isa."

"Lady Adelaide, kahit sabihin mong humanap kami ng ibanh pagsisilbihan, hindi namin magagawa yan," ani ng isa. "Nandito na kami simula ikaw ay bata pa, ngayon ka pa ba namin iiwanan?"

That warmed my heart. Until-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. "Maraming salamat."

Hindi ko na sila pinigilan sa kanilang gustong gawin.

I can't seem to stay in the mansion that day for too long, lahat ng espasyo ng mansyon ay pinapaalala sa akin ang nangyari kagabi lamang kaya lumabas ako at naglakad sa aming bayan.

Marami ang tumitingin sa akin at minsan ay binibigyan ako ng maliit na ngiti.

Laking gulat ko pa ng makasalubong ko ang unang Empress ng siyudad kasama ang kanyang panganay na anak.

Agad akong yumuko sa kanila upang magbigay galang. "Magandang araw, Empress Victoria," bati ko at bumaling rin sa prinsipeng nakatitig na naman sa akin. "Magandang araw din, mahal na prinsipe."

Nagulat ako ng humakbang palapit sa akin ang Empress at dinala ako sa bisig niya. Napakurap-kurap ako at tumingin sa prinsipe, nagtatanong kung ano ang nangyayari.

"Oh, poor child. Patawad at wala ako kagabi, ayos ka lamang ba?" Empress Victoria asked and then held both of my shoulders like she was inspecting.

"A-ayos lang po ako," nahihiya kong tugon.

"Bakit ka nasa labas? Sana ay magpahinga ka na lamang."

Ngumiti ako ng maliit. "Hindi po ako makapag pahinga sa mansyon."

Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon