Chapter 19: Journey to the Mountains

59 4 72
                                    

Journey to the Mountains

Adelaide's POV

Sobrang bilis ng oras kapag kasama ko si Leon. Ngayon ay galit siya dahil inatasan akong pumunta sa matataas na bundok ng Auroravale upang kumbinsihin ang mga nilalang na naninirahan doon.

"Look, I know you're strong but I can't let you go to the mountains alone," aniya. "I will go talk to Ei—"

"Leon, makinig ka nga," mahinang saway ko sa kanya. "Mahalaga ang inutos sa akin ng Empress at gusto ko itong gawin. Ako ang namumuno sa Erderos, dapat kong gawin ang parte ko bilang tagaprotekta nito."

Bumuntong hininga siya at iniwas ang tingin sa akin.

"Hayaan mo nga akong gawin ang trabaho ko," pag kumbinsi ko sa kanya.

"Okay. Okay." He raised both of his hands, surrendering.

"Wala ka rin namang magagawa kahit magalit ka pa ay gagawin ko talaga ang utos ng Empress," tumatawa kong ani.

He rolled his eyes. "How am I supposed to know if you're doing fine on your journey?"

"Kapag nakabalik na ako," sagot ko.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "When are you coming back? There is hundreds of mountains in Auroravale, flower."

"Alam ko, hintayin mo na lamang ang pagbalik ko, Leon."

He didn't answer me and stayed silent.

"Pupunta ka rin naman ng Elidoria, hindi ba? Ngayon ang pag alis ko, kung gusto mo ay sabay na tayong lumabas ng siyudad," suhestiyon ko upang pagaanin ang loob niya.

He looked at me this time. "You want to?l" he asked in a hopeful tone. "And then I can just go with you to the moun—"

"Wag na nga lang," bawi ko agad. "Para ka namang sira, Leon."

"I'm just kidding," he sounded defeated. "Are you ready to leave?"

Tumango ako. "Ikaw?"

"I'm waiting for Robin," sagot niya.

We were in the palace's garden looking at the flowers. I'm sitting beside him and his head was now resting on my shoulder while his hand was playing with mine.

"Hihintayin na lamang kita sa labas, Leon, magpaalam ka na sa mga kapatid mo," sabi ko.

Nauna siyang tumayo upang mahalikan ako ng mabilis at nakangiti na nagpaalam sa akin na pupuntahan niya muna ang kanyang mga kapatid.

Nang makaalis si Leon ay nagtungo na rin ako sa labas ng palasyo upang doon siya hintayin. Hindi nagtagal ay dumating na rin siya kasama si Robin.

Tinanguan lamang ako ng maliit ng Prinsesa bago siya nagtungo at sumakay sa kanyang kabayo.

Si Leon naman ay dumiretso sa akin at inalalayan ako sa pagsakay. "Salamat."

He leaned onto my horse and stared at me. "You better take care of yourself, flower," may halong banta sa boses niya.

I rolled my eyes. "Oo na, walang mangyayaring masama sa akin," I assured him. "Kumilos na tayo, nababagot na ang prinsesa," nginuso ko si Robin na parang wala ng ganang maglakbay.

Leon used his hand to signal for me to lean onto him just a little bit because he was still tall despite me being on my horse. Ginagawa ko ang gusto niya.

Akala ko ay sa pisngi niya lang ako hahalikan ngunit nagtungo ang labi niya sa labi ko at pinatakan ako ng marahan na halik.

Ngumiti siya sa akin nang magkalayo kami at inayos ang upo ko sa kabayo bago siya nagtungo at sumakay din sa kabayo niya.

Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon