Chapter 41: Sacrifice

40 2 83
                                    

Sacrifice

Adelaide's POV

"Very well," napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Ravik. Bigla na lamang siyang sumulpot.

Nakatayo siya ngayon sa tabi ng malaking bato na hinihigaan ni Yzabelle.

Malaki ang ngiti sa kanyang mga labi at nagawa niya pa talagang pumalakpak.

Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang kamay ay yumuko siya upang mahalikan ang pisngi ni Yzabelle.

Nag init ang aking ulo dahil sa ginawa niya, bigla ay gusto ko na lamang siyang sunggaban at patayin ng mabilisan dahil sa paghalik niya sa pisngi ni Yzabelle.

"Good job finding your way here, Adelaide," nakangiti niyang saad sa akin.

Nagawa niya pang ayusin ang buhok ni Yzabelle pagkatapos ay bumaling sa akin.

"Salamat at hindi mo na ako pinahirapan na dalhin ka dito, kahit pa man ay ginalit mo ako dahil pinakawalan mo ang iyong ina at ang paslit na iyon," umiling pa siya sa akin.

Napaatras ako nang isa isang nagsilabasan ang mga alagad niya at pinalibutan kami.

"A-ano ang ginagawa mo?" Napakabilis ng tibok ng aking puso, wala pa man siyang ginagawa ngunit alam ko na may masama na siyang balak.

"You have to help me, Adelaide, you have to bring her back," malumbay ang kanyang tinig ngunit tunog nasisiraan na siya ng bait.

"A-anong pinagsasabi mo?!" Sigaw ko sa kanya.

Sinubukan ko ulit na umatras ngunit nahawakan lang ako ng mga alagad niya. "Bitawan niyo ako!"

Kinaladkad nila ako patungo sa kinaroroonan ni Ravik at doon ko lang napagmasdan ng maigi ang kanyang mukha. Ang ibang parte nito ay naghilom na ngunit ang iba ay may sugat pa rin dahil sa ginawa ko kanina.

"You have to sacrifice, Adelaide. I do not need you as much as I need your mother..."

Hindi nagrehistro agad sa utak ko ang sinabi niya. "A-ano?!"

"You don't know her? Yzabelle, she's your mother," ulit niya.

Agad na kumunot ang aking noo. Ramdam ko ang aking panghihina at ang mabilis na tibok ng aking puso.

"Oh, you didn't know?" Tila nabibigla niya pang saad. "Hmm, bakit ko ba tinatanong pa ito? Dapat alam ko ng hindi sinasabi sa iyo ng mga magulang na kinikilala mo ang iyong buong pagkatao."

"T-tumahimik ka, utang na loob, kahit n-ngayon lang, tumahimik ka..." kalmado ngunit tumatangis kong sabi sa kanya. "Pagod na pagod na akong makinig sa boses mong paulit-ulit na pinaglalaruan ang utak k-ko."

"Tapos ngayon, s-sinasabi mo s-sa akin na si Yzabelle ang totong i-ina ko?"

"It is the truth, Adelaide!" Tumatawa niyang sabi. "Our love gave life to you."

Nandidiri ko siyang tiningnan. "Pagmamahalan? Paano naman ako maniniwala na nagbunga ako dahil sa pagmamahalan niyong dalawa? Kung totoong si Yzabelle ang aking ina," tinuro ko ang babae. "Alam kong hindi ka niya mah—"

Tumagilid ang aking mukha dahil sa sampal ni Ravik sa akin. "You ungrateful child!" Sigaw niya. Ang apoy sa paligid ay lumaki, marahil dahil sa galit niya.

Dahan-dahan kong hinarap ang mukha ko sa kanya at ngumisi. "Tama nga ako? Hindi ka niya mahal," nakangisi kong saad. "Hindi ka mahal ni Yzabelle, at kahit patayin mo siya ng paulit-ulit hinding hindi ka niya magagawang mahalin. Alam mo kung bakit?"

Kitang-kita sa kanyang mata ang labis na galit at pagtitimpi ngunit hindi ako nagpatinag.

Kung galit siya ay mas galit ako.

Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon