Chapter 23: Soul Bound

58 5 103
                                    

R18+

Soul Bound

Adelaide's POV

Hinintay ko si Leon ngunit nagdaan ang ilang oras ay hindi pa rin siya nakabalik, saan kaya nagsusuot ang supladong prinsipeng iyon?

Naisipan kong tumayo at lumabas sa kanyang silid na tila nababalot ng kadiliman dahil sa kulay. Kahit ang kanyang kurtina ay kulay itim. 

Lalabas na sana ako ng silid ngunit nadaanan ko ang malaki niyang salamin at napansin ang itim at berdeng tila ilaw na nasa bahagi ng likod ko.

What's this?

Tumalikod ako upang pagmasdan ang likod ko sa salamin. Kapag titingnan mo ng maagi, saka mo lang makikita ang ilaw na iyon.

Wala namang kakaiba sa nararamdaman ko kaya hinayaan ko na lamang 'to at lumabas sa silid ni Leon upang hanapin siya.

Ngunit kahit saang sulok ng palasyo ay wala ang prinsipeng 'yon kaya naisipan ko na lamang na pumunta sa hardin. Maliwanag pa rin paglabas ko kaya umupo muna ako at pinagmasdan ang mga bulaklak.

May digmaan na paparating sa aming siyudad kaya naguguluhan ako kung paano ko sasabihin kay Leon paghingi ko ng tulong sa kanya at sa Empress kahit alam ko naman na tutulungan niya ako.

Kung sana lang alam ko kung saan ang abyss na iyon.

May nilalang ba na pwede kong hingin ng tulong? Ayoko munang sabihin kay Leon sa ngayon, siguro pagkatapos ng digmaan.

"Lady Adelaide," my ears perked when I heard a familiar voice calling me. "I heard about what happened to you."

Ngumiti ako nang makita ko si Lord Horatio na nakatayo sa likod. "Magandang araw," nakangiti kong bati sa kanya.

"Are you okay now?" Nakatayo pa rin niyang tanong.

"Upo ka, mangangalay ka diyan," umusog ako para paupoin siya sa tabi ko. "Ayos na ang lagay ko, naghilom na rin ang mga sugat ko."

Tila nagdalawang isip pa siya kung uupo siya sa tabi ko ngunit noong nakita niya ang ngiti ko ay umupo na rin siya.

"Hmm, I'm glad you're doing fine now."

"Ako rin, hirap kaya kapag may mga pasa."

Nagulat ako nang marinig ang tawa ni Lord Horatio. "You sound so innocent, Lady Adelaide."

"Yan din sabi nila," sagot ko sa kanya. "Bakit ka nga pala nandito sa palasyo?"

"I have to be here all the time for now since our Sovereign Lady might call us for a meeting,'' Aniya. "How about you? Why are you not in Erderos?"

"Ewan ko, pareho lang siguro tayo ng rason," sagot ko. "Huh?" Kunot noo kong tiningnan ang paanan ko nang makita ko ang gumagapang na kadiliman dito.

"What is that?" Naguguluhan ring tanong ni Lord Horatio.

"You mean, what is that?"

Sabay kaming tumingin ni Lord Horatio sa aming likuran at doon namin nakita si Leon na parang nasa kanya lahat ng problema ng mga nilalang sa aming mundo.

"Prince Leon," agad na tumayo si Lord Horatio upang batiin ang supladong prinsipe.

"Leave," aniya.

Kaya tumayo rin ako para umalis kasama si Lord Horatio.

"Where the fuck are you going, Clementine Adelaide?" Parang kulog ang boses ni Leon nang tawagin niya ako.

Napatalon pa ako dahil sa ginawa niyang 'yon. Kahit si Lord Horatio ay napatigil. Dahan dahan akong humarap kay Leon.

Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon