Chapter 28: Tempestain

48 4 87
                                    

Tempestain

Adelaide's POV

I was at the foot of the mountain, gazing at the top with my eyes slightly closed because of the heavy rain.

Sa baba ng bundok ay umuulan ng nyebe ngunit kapag pumasok ka sa loob ay sobrang lakas ng ulan.Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako. Dahan dahan kong pinatakbo ang aking kabayo sa loob.

The rain got harsher as soon as I started climbing the mountain while riding my horse, I was clinging to its rope, careful that I wouldn't fall.

Simula nang makarating ako dito ay hindi ko na narinig ang boses ng babae na kumakausap sa akin.

Pinihit ko sa ibang direksyon ang kabayo ko nang muntik na kaming matamaan ng malaking kahoy na natumba dahil sa malakas na hangin.

I gently rubbed the head of my horse to calm her down. Siguro ay kailangan ko siyang iwanan dito dahil hindi ko maakyat ang bundok kasama siya.

Patalon akong bumaba sa aking kabayo. "Meet me outside," saad ko sa kanya. My smart horse neighed and looked at me before running back down.

Nasa kabayo ko ang lampara na nahukay ko at ang mapa na binigay ng libro. And now I'm left alone here in the middle of the storm.

"Kaya ko to..." pang aalo ko sa aking sarili.

Slowly, I climbed the mountain again. Nagkaputik na ang aking kasuotan. Even my cloak was dirty now because of the mud.

May nakita akong sanga ng kahoy kaya kinuha ko ito at ginawang pang suporta sa aking sarili paakyat ng bundok.

Napaigtad pa ako nang umalingaw-ngaw ang malakas na kulog.

Climbing the top of the mountain was hard because of the muddy path. Kung hindi ako mag iingat ay dadaaosdos ako pababa.

Paano kaya nakayanan ng babaeng yun na tumira sa lugar na ito? Hindi na matigil ang malakas na bagyo sa bundok na ito kaya ako nagtataka kung bakit siya dito nanirahan.

Sobrang hirap makita ng daan dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan, madilim ang buong paligid kaya naisipan ko na sana dinala ko nalang ang lampara.

As I was carefully climbing the mountain, my mind drifted to Leon. Hindi ko pa rin naririnig ang boses niya sa aking isipan.

Nakabalik na kaya siya nang Auroravale?

"Ahh..." I screamed when I fell down.

Agad na kumawala ang kapangyarihan ko dahil sa biglaan kong pagkadulas pababa. My vines were crawling towards me to hold my weight.

Nakahiga ako sa maputik na lupa at nagkasugat na ang aking katawan. My vines held my waist, preventing me from sliding further.

Nang makakuha ulit ako ng lakas ay dahan dahan akong tumayo. This time, I went back to climbing while having my vines wrapped around my waist in case I fall again.

"Ano nga ulit ang gagawin ko dito?" Tanong ko. Pinunasan ko ang tumutulong dugo sa aking pisngi.

Maingat akong naglakad ulit ngunit dahil sa lakas ng ihip ng hangin ay kinailangan kong tumigil dahil parang matatangay na ako nito.

Why do I sense someone's presence not too far from me?

Lumingon ako sa gilid kung saan maraming puno ngunit ang nakakuha ng atensyon ko ay ang maliit na liwanag.

It was a faint light... kahit sa lakas ng ulan ay makikita pa rin iyon.

And slowly... I let my vines let go of me. I tried so hard to keep my balance, humawak pa ako sa puno at dahan dahan na pumunta sa ilaw.

Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon