Chapter 32: Voices

48 3 73
                                    

Voices

Adelaide's POV

Mahimbing ang aking pagkaka tulog habang nasa kama ako kasama si Leon na nakasiksik sa aking leeg.

"Adelaide..."

Naalimpungatan  ako dahil sa mahinang tawag sa akin... kung sino ay hindi ko alam. Hinayaan ko ang boses na tumatawag sa akin at pinagpatuloy ang tulog ko.

"Adelaide..."

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at umupo sa kama.

"Follow my voice..."

I stood up with no hesitation, only wearing my night gown. I grabbed my cloak on the side and left the room.

"Adelaide..."

Hinahanap ko ang boses ng babae. Kailangan niya ng tulong ko!

"Hintayin mo ako, pupuntahan kita..."

Maririnig ang mabilis kong pagtakbo sa loob ng palasyo. Nang makalabas ako ay agad kong tinawag ang aking kabayo.

"Follow my voice..."

Hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa bilis ng takbo ng aking kabayo. Ang tanging naririnig ko lang ay ang boses ng babae na tumatawag sa akin.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tuktok ng bundok. Agad akong bumaba sa aking kabayo at tumakbo, sinusundan ang boses ng babae.

"Adelaide... I'm here..."

"Nasaan?!" Sigaw ko at umikot sa buong paligid, sinusuri kung nasaan siya.

"I'm down here..."

Tumakbo patungo sa gilid ng bangin. Sa sobrang lalim nito ay hindi mo na makikita ang ibaba.

"Jump, Adelaide..."

"Oo..." pagtango ko at tinapak ang isa kong paa sa hangin, handa na sanang tumalon pababa.

"Adelaide! What the fuck are you doing?!"

Muntik na akong mahulog ng tuluyan dahil sa boses ni Leon na umalingawngaw sa buong paligid.

Kung hindi niya nahawakan ang aking bewang ay natitiyak kong hanggang ngayon ay nahuhulog pa rin ako pababa.

"Leon!" Parang bumalik ako sa reyalidad pagkakita ko sa kanya.

Humahangos ang prinsipe, naliligo sa pawis niya. Samo't saring emosyon ang mababasa ko sa kanyang mga mata ngunit nangibabaw ang pag aalala.

"Leon..." tawag ko ulit sa kanya nang makita ko ang mga luha na nag unahang bumagsak galing sa kanyang mga mata. Humakbang ako palapit sa kanya ngunit gumawa rin siya ng hakbang paatras.

"Will you... will you just follow my voice, for once, Adelaide. Just listen to me..."

Ano itong ginagawa ko? Ano ang karapatan kong paiyakin ang prinsipe ng siyudad na 'to?

"Leon..." tawag ko ulit sa kanya, hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Can you choose to hear my voice calling you?" Hinila niya ako palapit sa kanya at pinaloob ako sa kanyang bisig.

"I'm sorry..." bulong niya. "I'm sorry for shouting, darling..." malumanay niyang saad, humahangos pa rin.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.

And I did... for once, I only listened to the sound of his heart beating... I chose to ignore the voice of the woman calling me and listen to his love only.

Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon