Flesh and Blood
Adelaide's POV
Tahimik akong nagmamasid sa labas, habang nasa loob ako ng selda. Ang batang kausap ko kanina ay hindi ko naririnig.
Para bang naglaho na lamang siya.
Ngunit lahat ng sinabi niya sa akin ay paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan.
Nag iwan pa talaga ang batang yon ng palaisipan sa akin. Ngunit kahit ganoon ay hindi siya mawala sa isip ko.
Nangako ako sa aking sarili na kapag nakalabas ako dito ay tutulungan ko ang batang babae.
Sino nga ba ang kalaban ko? Ganoon ba siya kalakas upang magawa niyang kunin ang kaluluwa ng batang patungo na sa kanyang panibagong buhay?
At higit sa lahat, bakit nakakausap ko ang bata?
Naputol ang aking pag iisip nang marinig ko ang pagbukas ng aking selda. Kasunod nun ay pumasok si Azrak na seryoso ang mukha.
Agad akong tumayo ay pinalibutan siya ng nakakamatay na mga bulaklak.
Ngunit bago paman ako gumawa ng isa pang atake ay napatigil ako nang makita ko ang lalaki na nasa kanyang likuran.
Agad na nag sitaasan ang balahibo ko sa buong katawan nang makita ko ang kanyang mukha.
Naiiba siya sa mga nilalang na nandito, hindi nakakasuka ang kanyang pagmumukha.Para lang siyang normal na nilalang sa Wistervale.
Ang kanyang tingin ay nakakatakot, ang buong mukha ay hindi maamo.
"Ano ang kailangan mo sakin?" Matapang kong tanong sa kanya.
Ang aking mga palad ay nakabukas, handang gumawa ng aksyon kapag naisipan niya akong saktan.
"Yumuko ka!"
Tumabingi ang aking mukha nang sampalin ako ni Azrak. Napakasakit nun, nagdugo pa ang labi ko dahil sa sampal niya.
Ngunit hindi ako nag bigay ng reaksyon sa kanya. Kung akala niya ay papakitaan ko siya nang panghihina, hindi ko gagawin yun.
Tiyak kong magbibigay lang ng kasiyahan sa kanya iyon.
Pinunasan ko ang dugo sa aking labi at tinignan sa mata ang lalaking sabik na sabik na makita ako.
"Ikaw ba ang nag utos sa mga nilalang nato na patayin ang mga magulang ko?"
Sumilay ang nakakagalit na ngiti sa kanyang labi. Tila sayang-saya siya sa tanong ko.
"Oh, your parents," nagawa niya pang tumawa na para bang normal lang ang kanyang nagawa. "Do not worry, I kept them in my domain."
My eyes widened in shock. Hindi imposible na ginawa niya sa mga magulang ko ang ginawa niya sa batang babae.
Hindi ako tanga upang hindi yun maunawaan.
"Siya nga pala, maaari mo bang pagsabihan ang prinsipe mo na huwag nang makialam?" Parang wala lang niyang saad.
Kumuyom ang aking kamao, nag aapoy ang galit sa puso ko nang binanggit niya si Leon.
"Huwag mong sasaktan si Leon," I said with my gritted teeth. "Ano ba ang nais mo sa akin?!"
"She's too loud, Azrak," baliwala niya sa akin.
"I'm sorry, My Lord," sagot naman nito sa kanya.
"Bring her upstairs but make her shut up first," kalmadong saad nito bago siya naglakad paalis.
"Tumigil ka at harapin mo ako!"
"We'll talk," aniya.
Wala na ba sa tamang pag iisip ang nilalang na yun? Kung makapag usap siya sa akin ay para hang matagal niya na akong kakilala.
BINABASA MO ANG
Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)
FantasyWitnessing the gruesome murder of her parents, Adelaide was shattered to pieces and was broken. With her broken pieces, she slowly picked herself up despite the echoes living inside her mind. The darkness was her enemy and sanctuary. The love and h...