Chapter 38: Imprisoned

50 4 84
                                    

Imprisoned

Adelaide's POV

The cold water embraced my body. Even underwater, I could still hear the loud laughter of the man's voice.

Tila ba tuwang-tuwa siya sa nangyayari.

Binuksan ko ang aking mga mata habang nasa tubig ako at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang lalaki na pilit kinukuha ang aking mga kamay.

Unti-unting nagpakita sa akin ang mga lalaki, lahat sila ay hindi ko maaninag ang mukha. They held my body, some even held my head to stop me from going to the surface.

"Adelaide..." I wanted to cry when I heard Leon's voice. "You need to come back, I cannot watch you d—"

"Come back..."

Naninikip ang aking dibdib dahil sa tinig ni Leon na pilit akong pinapabalik. I knew I had to go back to him, I need to go back to him. Nangako ako sa kanya na babalik ako.

Ngunit hindi ko kaya.

Hawak ako ng mga lalaki, ang iba ay nakahawak sa aking mga paa, pilit akong hinihila patungo sa mundong nasa ilalim.

"Leon!" I shouted his name underwater.

Pilit akong lumalaban sa mga kamay na pumipigil sa akin na makabalik sa itaas ngunit tila malalagutan na ako ng hininga.

Naninikip ang aking dibdib, lahat ng paghinga na ginagawa ko ay tila pahirap ng pahirap, ang hangin sa aking sistema ay pinalitan na ng tubig.

Gustuhin ko mang lumaban ay hindi ko magawa dahil sa labis na panghihina, at kaba dahil sa mga nilalang na nakapaligid sa akin.

My vision became blurry and the last thing I saw was the orange and red light coming from the toxic surrounding of the abyss...

Or should I say, the underworld.

~

Nang magmulat ako ay nakita ko na lamang ang aking sarili na nasa loob ng isang... selda? Ang lupa na kinahihigaan ko ay mainit, may mga nilalang na nasa labas, nagbabantay.

Nasaan ako?

Tumubo ang kaba sa aking dibdib nang napagtanto ko kung paano ako nakarating dito at kung nasaan ako.

Hindi. Hindi pwede.

"Yzabelle?" Nagbabakasakali kong tawag sa babae.

Hindi ako nakatanggap ng sagot galing sa kanya ngunit nakuha ko naman ang atensyon ng mga nilalang na nasa labas ng aking selda.

Halos mabuwal ako nang makita ko ang kanilang pagmumukha.

Nalulusaw na ito at ang iba ay isa lang ang mata. Nakakaawa silang pagmasdan.

"Sino kayo?" Tanong ko kaagad sa kanila.

Iniwasan nila ang aking paningin at hindi ako sinagot.

Tumakbo ako patungo sa kanila ngunit dahil sa rehas ay hindi ko magawang makalabas. Pinaghahampas ko ito ngunit sarili ko lamang ang aking sinasaktan.

Alam kong nag aalala na sa akin si Leon.

Hanggang sa sitwasyon kong ito ay siya pa rin ang iniisip ko. Hiling ko lang na sana hindi niya maisip na madali lang para sa akin na iwanan siya.

Nang magsawa akong kakasigaw at kakahamapas sa rehas ay umupo na lamang ako.

Ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil narinig ko ang tinig ng mga yabag ng paa. May paparating!

Pamilyar sa akin ang mukha ng nilalang na ito.

Siya nga! Yung nilabanan ni Leon sa loob ng aking mansyon!

Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon