Chapter 35: Ritual

47 3 72
                                    

Ritual

Adelaide's POV

"You're back..." the oracle from Olaris welcomed me and smiled.

Kasama ko ang Empress, si Leon, at si Haring Percival ngayon sa Olaris dahil napagdesisyunan ng Empress na humingi ng tulong sa mga nilalang na nandito.

"What joy can we offer you, Mistress?"

Nakakapagtaka ang labis nilang pag respeto sa Empress. Tila pinanganak sila upang sundan lamang ang babaeng ito.

"She's my brother's beloved..." turo niya sa akin. "You need to help her talk to a certain person."

"Alive or not?" I glanced at the witch who asked that question.

"We still don't know if that woman is alive, Adelaide needs to talk to her now," sagot naman ng Empress.

"You want us to make the circle?" Nakakunot ang noong tanong ng isang oracle.

"Hmm..." tango ng Empress.

"My Lady, it is dangerous to use the ritual, you know that..."

Kinagat ko ang aking labi nang marinig ko ang sinabi ng oracle. Sinabihan na ako ng Empress tungkol dito ngunit kinakabahan pa rin ako.

"Wala na akong pagpipilian, kailangan kong makausap ang babae iyon..." ako na ang sumagot.

Lumingon ako kay Leon at sa Hari na nasa hindi kalayuan namin, seryoso ang kanilang ginagawang pag uusap.

Nang maramdaman ni Leon ang aking tingin ay ngumiti siya sa akin ng maliit.

Batid kong nag aalala siya sa akin, lalo ngayon na hindi niya alam kung ano na naman itong pinapasok ko.

Kailangan ko pa palang ipaalam sa kanya ang tungkol sa ritwal na gagawin.

"We can start now," the witch said, her eyes were above the sky, watching the moon.

Pagkatapos ng pag uusap namin sa silid ng Empress ay agad kaming dumiritso rito sa Olaris. Hindi sila nag alinlangan na lumisan sa palasyo upang dalhin ako rito at humingi ng tulong.

"We should do it," ani rin ng oracle habang ang tingin ay nasa buwan. "The moon is out, we shall succeed."

"You know the ritual, right? Alam mo na ang proseso at ang maaring kalabasan nito, hindi ba?" An enchantress soothing voice talked to me.

Ngumiti ako ng maliit at tinanguan siya. "Oo..."

"Hiling ko na mapagtagumpayan mo ang ritwal," aniya pagkatapos ay umalis na upang mag handa.

"Adelaide."

Humarap ako sa Empress nang tawagin niya ang aking pangalan.

Hinawakan niya ang aking kamay, ramdam ko ang lamig nito. "Only call her... and do not entertain the voices of others."

"Alam ko," tango ko sa kanya.

"You are to talk to her.. do not let your soul wander far."

"Tatandaan ko lahat ng iyan," sagot ko.

"But..." tumingin siya sa lalaki na nasa likod ko. "You have to tell him first."

Bumuntong hininga ako pagkatapos ay tumango. Umalis na ang Empress kaya naiwan ako kasama si Leon na kakarating lang sa aking tabi.

"Hey," mahinang bati niya.

Tumingkayad ako at hinalikan ang kanyang mga labi. "Leon, mahal kita," saad ko nang makalayo ako sa kanya.

"I love you more."

"Gagawin ko ang ritwal," hinawakan ko ang kanyang kamay. "I have to bleed..."

Yun pa lang ang sinasabi ko ngunit nag dilim na agad ang kanyang mukha. Nakakatakot siyang pagmasdan ngunit tinatagan ko ang aking loob.

Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon