Fae
Adelaide's POV
I was walking barefoot in the valley here in Olaris, where the river and the waterfalls meet. Madilim ang paligid at sariwa ang hangin na tumatama sa aking mukha.
What am I doing here? Nakalimutan ko na yata kung paano ako nakarating dito at kung ano ang pakay ko sa lugar na ito.
Natatanaw ko na ngayon ang ilog at... ang isang babae na nakaupo sa tabi nito. Nakaharap siya sa ilog, nililipad ng hangin ang kanyang mahabang buhok.
Nakatalikod siya sa akin, ang kanyang mga kamay ay naglalaro sa tubig.
Hindi ko alam kung sino siya ngunit may nagtutulak sa akin na puntahan at kausapin siya.
"Wonderful night, is it?" Rinig ko sa mahina niyang boses.
Tila may mahika na nanggagaling sa boses niya, ang mga puno sa paligid ay unti unti nagsasayawan ng marahan.
Ako ba ang kausap niya?
Naglakad ako patungo sa kanyang direksyon hanggang sa nasa harapan ko na siya. "Sino ka?"
"I thought you were looking for me?"
Halos malagutan ako ng hininga nang humarap siya sa akin, ang kanyang mga mata ay kulay berde.
Napakaganda niyang babae at sobrang payapa ng mukha. Ang kanyang maamong mukha ay kusa ka na lamang mapapangiti ng walang dahilan.
"S-sino ka?" Nauutal kong tanong sa kanya.
Sinasayaw ng hangin ang kanyang mahabang buhok. "Oh, child, you know me..." sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
Tumayo siya galing sa pagkakaupo at pinagpagan ang kanyang mahabang bestida na kulay berde rin.
Nagtipon-tipon ang mga bulaklak at napangiti ako nang bumuo ito ng dalawang upuan.
"Come here, sit," aya ni sa akin.
Nalilito akong umupo sa upuan na gawa niya, ngayon ay nakatanaw kaming dalawa sa ilog.
"Olaris is a nice place, right?"
Tumango ako. "Oo, nakakamangha ang lugar na ito."
"I built it. I built Olaris."
Agad akong napalingon sa kanya, gulat sa kanyang sinabi. Ang kanyang mukha ay hindi nagyayabang, tila wala lang ang kanyang sinabi.
"P-paano? Bakit?"
"Hmm," tumigil siya sa pagsasalita, nag iisip. "To provide a home for these women of power... and, of course, to serve the chosen one."
"Chosen one?"
"Your Empress," humarap siya sa akin at ngumiti. "But that's not all," aniya at binalik ang tingin sa ilog. "I thought that this place would give shelter to the child."
"Her home was not this place, but she was able to seek help here, and I think that still counts, right?"
Narinig sa buong paligid ang kanyang pagtawa, ang mga halaman ay tila ngumingiti rin dahil sa kanya.
"Are you an enchantress?" Tanong ko sa kanya.
Tumawa siya ulit at nakita ko ang pagkinang ng mga bulaklak. "No, silly, I am a fae..."
Tumango ako at pinagmasdan ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng loob ko sa kanya.
"Kaya pala sobrang ganda mo," nahihiya kong saad. "Ngunit nasaan ang mga pakpak mo?"
"They cut it...he cut my wings."
"Sino?"
Hindi siya sumagot sa akin kaya napagtanto ko na baka sensitibo ang usapan na yun para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)
FantasyWitnessing the gruesome murder of her parents, Adelaide was shattered to pieces and was broken. With her broken pieces, she slowly picked herself up despite the echoes living inside her mind. The darkness was her enemy and sanctuary. The love and h...