Chapter 31: Home

53 4 65
                                    

Home

Adelaide's POV

Nilibot ko ang aking paningin sa pamilyar na silid. Nasa silid ba ako ni Leon? Akala ko ay nanaginip lamang ako nang makita ko siya na tumatakbo patungo sa gawi ko.

Mag isa lang ako sa silid niya kaya nagtataka ako kung nasaan ang prinsipe?

Sinubukan kong igalaw ang aking katawan at kusa na lamang napangiti nang wala na akong maramdaman na sakit.

Tumayo ako galing sa pagkakahiga ko sa kama at pumunta sa pintuan, bubuksan ko na sana iyon ngunit kusa nalang itong bumukas at niluwa si Leon na magkasalubong ang mga kilay.

Ilang araw ko lang siyang hindi nakita ngunit ang laki na ng pinagbago ng katawan niya. Mas lalo siyang kumisig at mas lalong naging masungit at madilim ang kanyang itsura.

"Leon..." nagdadalawang isip kong bati sa kanya.

Alangan naman maging kampante ako gayong alam ko na nagkusa akong umalis ng ilang araw at hindi siya hinintay na makabalik.

"What are you doing? Get back to bed, you need to rest," his voice was cold... and gentle at the same time.

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Madilim ang paningin at kitang kita ang dila nya na nasa gilid ng kanyang labi, gawain niya kapag galit.

Nauna siyang naglakad patungo sa kama at ako ay parang kabayong mahinhin na sumusunod lang sa prinsipe.

"Why did you get out of bed?" Tanong niya.

"Hahanapin sana kita."

"I'm here now, get more rest," umupo siya sa itim na upuan na nasa gilid ng kama at tumingala sa akin.

"Nakakainis ka," malumanay kong saad. Hindi naman kasi siya mukhang natutuwa na makita ako.

"Yeah? What did I do?" Blanko ang mukha niyang tanong.

Kinagat ko ang aking labi at padabog na humiga sa kama. "Nakakainis ka," nakatagilid at nakatingin sa kanya.

"I didn't do anything wrong."

"Galit ka ba?"

"What do you think?" Lumingon siya sa akin at binawi agad ang kanyang tingin.

"Galit," sagot ko.

Binalik niya ang tingin sa akin at tumitig. "You made me really worried, Adelaide," ani ng baritinong boses niya. "I am mad at you," aniya at iniling ang kanyang ulo bago siya tumayo at diretsong lumabas ng silid.

Napa buntong hininga na lamang ako. Gusto ko sanang habulin ang prinsipe ay humingi ng tawad kaya lang nakatulog ako.

Pagkagising ko ay naramdaman ko na lang ang pares ng braso na nakapulupot sa bewang ko. Ang una kong nakita pag bukas ko ng aking mga mata ay mga malaking dibdib ni Leon.

Akala ko ba galit siya sa akin? Bakit nandito na siya ngayon?

Bahagya akong lumayo sa kanya at tinukod ang aking mga palad sa kanyang dibdib. Pinag aralan ko ang kanyang mukha at napangiti na lamang nang makita ko kung gaano ka kakisig ang prinsipe.

Wala bang mali sa kanya? Perpekto ang kanyang mukha kahit sobrang sungit nitong tingnan.

Ang himbing ng tulog niya, parang ilang araw hindi natulog si Leon.

Pinasada ko ang aking kamay sa kanyang mukha, aliw na aliw sa lalaking nasa harap ko.

Sumabog ang mga bulaklak galing sa kapangyarihan ko dahil sa aking pagkagulat nang magising si Leon.

Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon