Chapter 34: Wings

50 5 62
                                    

Wings

Adelaide's POV

Nasa silid ako ni Leon ngayon, hinihintay siyang makabalik dahil umalis siya kasama si Magnus.

Hindi ko alam kung saan sila nagtungo ngunit alam ko na tungkol kay Tobias ang pag alos nila.

Kanina pa silang umaga umalis, nababagot na ako mag isa at nais ko na sanang makasama si Leon.

Tumayo ako galing sa kama at lumingon sa salamin. Tumalikod ako upang makita ang aking likod, at doon, nakita ko ulit ang maliit liwanag na kulay itim at berde.

Ako lang ba o mas nakikita na ang liwanag na ito?

Noong una ko itong nakita ay kailangan ko pang pagmasdan ito ng maigi ngunit ngayon ay kitang kita na talaga ito.

Tinaas ko ulit ang mahaba kong kasuotan at huminga ng malalim. Ramdam ko ang init sa likod ko ngunit binaliwala ko na lamang ito.

Lumabas ako ng silid at ngumiti sa mga guwardiyang nasa mga pwesto nila.

Ang alam ko ay pabalik na si Leon kaya gusto ko sana na salubungin siya sa entrada ng palasyo.

Ngunit hindi nag daan ang ilang minuto ay bumalik ako ulit sa kanyang silid dahil sumama ang pakiramdam ko.

"Pakisabi po kay Prinsipe Leon kapag dumating siya na nasa silid lang ako dahil masama ang pakiramdam ko," sabi ko sa tagapagsilbi bago ako pumasok sa silid.

Humiga ako sa kama at tahimik na iniinda ang sakit sa likod ko. Hindi kaya dahil ito sa liwanag na nanggagaling dito?

Ngayon lang ito sumakit ng ganito, ilang buwan na rin ang lumipas. Nakalimutan ko na nga ang liwanag sa likod ko.

Nakakapagtaka na ngayon lang ito masakit.
Sumasabay pa ang sakit sa ulo ko, kaya napag desisyunan ko na matulog na lamang.

Ngunit hindi umabot ng isang oras ang aking pagtulog dahil nagising na lamang ako dahil sa init sa likod ko.

Tumakbo ako at humarap sa salamin ni Leon at halos malaglag ang panga ko sa nakita kong malaking pasa sa likod ko pagkatapos kong ibaba ang aking damit.

"Adelaide?"

Mabilis kong inayos ang damit ko nang marinig ko ang tinig ni Leon.

Agad akong ngumiti nang makita ko siyang pumasok.

Sinalubong niya ako ng yakap. "Kamusta ang paglalakbay mo?"

Naramdaman ko ang halik niya sa aking ulo. "It was alright, but still the same answer..." aniya. "What were you doing? The servants said that you're not feeling well..."

"A-ano, nanalamin lang," para akong tanga na tinuro ang salamin sa harap ko.

Kumunot ang kanyang noo, tila nagtataka sa aking inaakto. "Are you alright?"

"Oo nama—"

Tumigil ako sa pagsasalita dahil sa sakit ng ulo ko.

"Adelaide?"

"Leon... masakit ang ulo ko," nanghihina kong sagot sa kanya. "Aray..." daing ko ng maramdaman ko ang init sa aking likod.

Nakita niya ang pag hawak ko sa likod ko, at nabigla na lamang ako ng ibaba niya ang akong damit at lumantad sa harap niya ang nagliliwanag na bahagi ng likod ko.

Napanganga rin ako ng makita ko ang pasa sa bahaging iyon.

"W-what happened? Did you fall?" Nag aalala niyang tanong.

Tinakpan ko ang aking hinaharap bago umiling. "Hindi ko alam, matagal na yan."

"Does it hurt?"

I nodded.

Echoes of the Abyss (Delaney Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon