Chapter 1: Cute
"Sumire pinapapunta ka ni Dok Miyazono sa office niya." Sabi sakin ng kasamahan kong nurse na si Meredith. Nasa nurse station ako dahil break time ko. Nagreready na akong bumalik sa trabaho ng pumasok si Meredith para makapag break.
"Ganun ba? Ano naman kaya kailangan niya?" Tanong ko.
Nagkibit balikat ito. "Sus, para namang bago ka ng bago, malamang na isasabay ka nun maglunch. Ikaw talaga." Naiiling na sabi nito bago maupo.
Hindi naman lingid sa mga kasamahan ko dito na kapatid ako ng isa sa pinakabata at pinakagwapong resident pediatrician ng Montenegro Hospital.
"Eh kumain na ako eh." Sabi ko pa. Ayokong pumunta doon, magtatanong lang naman ito ng tungkol kay Yana. Eh wala din naman akong masasabi sa kanya kasi matagal na akong hindi kinakausap ng babaeng yun. Mula ng maging kasintahan ni Yana si Vince Guadamor parang napapariwara na ang babaeng yun. Ako pa ang sinabihan dati na hibang sa pag ibig eh asan siya ngayon? Ayon nagpapakahibang sa Vince na yun.
"Pumunta ka nalang dun. Kaswerte mo nga ay kapatid mo ang gwapong si Dok Travis noh. Kung ako ang kapatid niya? Naku araw araw akong tatambay doon para masilayan ang kagwapuhan niya." Napaka dreamy ng hitsura nito na ikinatawa ko.
Marami kasi sa mga nurse na kasamahan ko, even the girl doctors ay nagkakagusto kay Kuya Travis. Kaya lang ay napakailap nito sa mga babae. Malamang ay dahil magpahanggang ngayon ay dead na dead pa rin siya kay Yana.
"Like duh? Sawang sawa na ako sa pagmumukha ng Kuya ko noh. Dalawa pa. Tsaka eww eh di naging incest ka na nun kapag ikaw ang naging kapatid ng Kuya ko?" Natatawa ko pa ding sinabi habang tumayo na at inayos na ang buhok ko.
"Oo nga ano?" At tumawa pa ito.
"Baliw ka na."
"Okay lang mabaliw kung para naman sa Kuya mo."
"Haay naku dyan ka na nga. Nakakaloka kang kausap." Sabi ko sa kanya saka nagtungo na sa pinto at saka lumabas.
Nagpunta na ako sa office ni Kuya na nasa third floor ng building. Pagkarating ko doon ay kumatok ako. Nang marinig ko na pinapapasok na ako ay agad na akong pumasok.
"Hey Sumire, buti andito ka na. Wala kasi yung secretary ko ngayon, nag half day kasi may emergency. Pwedeng ikaw na muna ang temporary na pumalit? Ngayon lang naman." Agad na sabi ni Kuya pagkaupong pagkaupo ko pa lang sa upuan sa tapat ng table niya.
Napataas kilay ako. "Grabe ka naman Kuya. Bakit ako? Sekretarya ba ako? Nurse kaya trabaho ko." Himutok ko. Ayoko kasing tumambay lang at nakaupo lang sa loob ng office. Kaya nga ako nag nurse para may thrill ang buhay ko.
Tumaas din ang kilay nito. "Alam kong nurse ka. Eh ano naman? Hindi mo kaya? Eh mas madali pa nga yung pagiging sekretarya kesa sa pagiging nurse mo."
"Mas gusto ko ang trabaho ko. I love my job kaya nga ayoko sa request mo." Pagmamatigas ko.
Biglang lumambot ang hitsura nito. "Sige na baby Sis. Ngayon lang naman nagrequest ng ganito si Kuya di ba? Ngayon lang naman to. Ayoko kasing may ibang taong mangingialam ng trabaho ko." Pakiusap nito.
Haist. Pag ganitong tono talaga ang ginagamit ni Kuya, ang hirap tanggihan nito. Hay naku.
"Ano ba yan! Sige na nga. Naku kung di lang kita Kuya at kung di lang kita mahal." Umiling ako.
"Kaya mahal na mahal kita eh. Ikaw ang pinakapaborito kong kapatid." Pambobola pa nito.
Natawa ako sa kanya. "Bolero ka Kuya. Halata ka. Eh ako lang naman ang kapatid mo."
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven