Chapter 26: Goodnight Kiss

40 1 0
                                    

Chapter 26: Goodnight Kiss


Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng tingin na yun ni Maja sa akin kanina. Parang feeling ko may masamang mangyayari sa akin.

"It's late, what are you doing here?"

Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Alex. Nasa veranda ako ng mga sandaling yun at nagpapahangin.

Nilingon ko siya saglit saka binalik din ang tingin sa malayo. "Wala naman. Nagpapahangin lang at nag iisip isip."

Naramdaman ko ang pagtabi sakin ni Alex sa pagtayo sa may pasimano.

"What were you thinking?"

"Kung ano ano lang." Dumaan ang katahimikan. "Alex, can I ask you something?" Tanong ko kapagkuwan.

"What is it?"

"About.. About you and Mariel." Bahagya ko pang kinagat ang ibabang labi ko. Dang. Baka mag isip siya ng iba sa sinabi ko. Nako-curious lang naman kasi ako, since nag open up naman na siya ng tungkol sa nakaraan nito with Mariel.

"So, what about it?"

Napatuwid ako ng tayo. "Since, nag open ka naman a bit of your past, pwede mo bang ikwento ang tungkol sa inyo ni Mariel? Kung pwede lang naman."

Parehas lang kaming nakatanaw sa kung saan. Hindi nagsalita si Alex. Iniisip niya pa siguro kung sasabihin niya ba sa akin o hindi.

"Kung ayaw mo magkwento ayos lang. Naisip ko kasi since.. Since sabi mo gusto mo akong maging girlfriend, maganda siguro kung.. kung makilala kita ng mabuti."

"Me and Mariel were the very best of friends. We knew each other since we were kids. We've met at school. And since were bestfriends, lagi kaming open sa bahay ng bawat isa. Kilala na namin ang mga pamilya namin. We were very similar in every things kaya nagkakasundo talaga kami. I grew fond of her to the point na nagiging protective ako sa kanya. At inakala ko na pagmamahal na higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya na kinausap ko siya tungkol doon. Sabi niya ganun din siya and when we entered college, we decided to get in a relationship." Pagkukwento nito.

"Mag bestfriends kayo, hindi ba kayo natakot na baka mawala yung friendship niyo?" I asked him.

"I didn't think of it when I told her about what I feel. And besides, we don't hide anything from each other."

"Ah.. Kailan niyo naman narealize na hanggang magkaibigan lang talaga kayo?"

"It was after we graduated and we started to have work. Naging busy kami at isang araw, bigla nalang niya sinabi sakin na may iba na daw siyang mahal, na pagkakaibigan lang daw ang nararamdaman niya sakin. I didn't get mad at her and narealize ko din na ganun lang din ang nararamdaman ko para sa kanya."

Hindi ako nakaimik. Wala na akong maisip sabihin. Tumanaw ako sa malayo ng maramdaman ko ang paghawak ni Alex sa kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya. He was looking at me with something in his eyes. Hindi ko masabi kung ano yun kaya medyo kinabahan ako.

"Sumire, remember the first time I saw you at your brother's clinic?" Tanong nito.

"W-what about it?"

"That time, I knew I was attracted at you. That's why kinukulit ko ang kuya mo. I know nasabi ko na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sayo nung nakaraan, but now I'm so sure of what I feel for you. I love you Sumire." Seryosong pahayag nito.

Teka ano daw? H-he loves me? Bigla ay binawi ko ang kamay ko pero hinigpitan nito ang pagkakahawak doon.

"You still don't believe me do you?"

"H-ha?"

"Tell me, you don't even like me?" Mahihimigan ng pagkalungkot ang boses nito.

Ano ba dapat kong sabihin? Should say I love him too? O magpapakipot muna ako?

"Perp sabi mo manliligaw ka pa sakin diba? Ni hindi pa nga natin napag uusapan ang tungkol doon."

"Then, now's the right time to talk about it. Payagan mo akong ligawan ka."

Napakagat labi ako. "Baka sinasabi mo lang yan para mapapayag ako. Hindi porke gusto kita basta basta nalang ako papayag na-" Bigla ay napahinto ako sa pagsasalita ng mapansin din ang biglang pagngiti nito.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Sita ko sa kanya.

"You just said you like me."

"Ano? Wala naman-" Nanlaki ang mga mata ko ng marealize na nasabi ko nga yun.

"Teka, wala akong sinabi!" Tanggi ko and again pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya pero ganun pa rin, mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya doon.

Nakangisi pa rin ito. "Wala nv bawian." Pagkatapos ay hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ako. Napasubsob ako sa dibdib niya.

"No need to hide or restrict your feelings on me. Kung natatakot kang saktan kita, hindi ko yun gagawin sayo. Kung si Mariel na hindi ko naman minahal ng higit pa sa kaibigan ay hindi ko sinaktan, ikaw pa kaya na mahal ko?" Seryosong sabi nito.

"S-seryoso ba yan?" Tanging naitanong ko matapos lumayo ng kaunti para makita ang mukha niya.

"Yes, of course. I don't joke things like this."

"Eh di ba manliligaw ka pa?" Pagbibiro ko sa kanya.

Sobrang saya ng nararamdaman ko ng mga sandaling ito. Hindi ko akalain na maririnig ko mismo na sabihin ni Alex sakin yun. At ngayon, napag isip-isip ko na di bale na sigurong masaktan ako kung sakali, tutal parte naman talaga yun kapag nagmahal. Hindi naman maiiwasan yun at saka ko nalang iisipin yun kung sakaling masaktan man ako. Ang mahalaga ay ang ngayon. Mahal ako ni Alex. Mahal ko siya. It's all that matters.

"Kailangan pa ba yun? Hindi ba pwedeng tayo nalang agad?"

Umiling ako at saka bumitaw sa pagkakayakap niya. "Manligaw ka muna." Nakangising sabi ko sa kanya.

"Fine. Liligawan kita if that's what you want." Seryosong pahayag nito.

"Seryoso?" Di-makapaniwalang tanong niya dito.

"Yes."

"S-sige. Gabi na masyado, matutulog na ako. Matulog ka na rin." Paalam ko sa kanya at umakto na aalis na pero pinigilan niya ako kaya napatingin na naman ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Wala bang goodnight kiss diyan?" Nakangiting sabi nito at tinuro pa ang labi nito.

Nag init ang pisngi ko sa sinabi at ginawi niya. "A-anong goodnight kiss? Nanliligaw ka pa lang kiss na agad ang hinihingi mo."

"Pero nahalikan naman na kita diba?" Panunudyo pa nito.

Mas lalo lang nag init ang pisngi ko. "Ewan ko sayo. Goodnight." Nahihiya ako kaya agad ko na siyang tinalikuran at nagmadaling umalis. Narinig ko pa siyang tumawa ng malakas habang papalayo ako. Napangiti nalang din tuloy ako.

I'm glad na nakikita ko na ang masayahing side ni Alex ngayon. Sana magtuloy-tuloy na yun at mabawas bawasan na ang pagsusungit nito. Natulog ako ng gabing yun na may ngiti sa labi.

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon