Chapter 15: Stop Pouting
Nakatulala lang ako sa labas ng bintana. Nasa byahe na kasi kami ni Alex. At hindi ko alam kung saan na kami papunta. Ayaw niya kasing sabihin sakin.
At isa pa, may iniisip ako. Iniisip ko yung eksena kanina kung saan sinabi ni Alex na girlfriend niya daw ako.
Hindi ko alam kung gagawin ko bang big deal yun at itanong sa kanya kung bakit niya yun sinabi. The last time he introduce me to someone was that I'm Aki's nanny, pero bakit ngayon yun ang sinabi niya?
Iniisip kong tanungin siya kaya lang baka iba naman ang isipin niya. Tsaka baka iba talaga ang ibig niyang ipahiwatig. Baka naman girl friend. As in babaeng kaibigan.
Napabuntong hininga ako.
"Why are you sighing?"
Napalingon ako sa kanya. Nakatingin pa rin naman ito sa kalsada. Napanguso ako.
"Wala naman. Bakit masama bumuntong hininga?"
Nagkibit balikat ito. "I was just asking."
Inismiran ko siya. "Saan ba talaga tayo pupunta? May iba ka pa bang lakad?"
"Nothing. You, where do you want to go?"
I pouted. 'Saan ko gustong pumunta? Kahit saan basta kasama kita.' Yun sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero syempre hindi ko na yun isinatinig.
"Gusto ko ng makita si Aki." Sabi ko nalang.
"Okay. We'll fetch him."
-
-
-"What are you waiting for?" Untag ni Alex sa akin.
Nasa loob pa kasi ako ng sasakyan at pinagmamasdan ko pa mula sa loob ang bahay ng parents nito kung saan naroon si Aki.
Napalabi na naman ako. 'Bakit ba napaka ungentleman niya? Hindi man lang ako maipagbukas ng pinto. Kainis.' Reklamo ko sa isip ko.
Pero ganun nalang ang gulat ko ng makitang bukas na pala ang pinto. 'Teka, kelan pa to bumukas? Hindi ko yata namalayan?'
"What are you still waiting for? I thought you want to see Aki? Why won't you get down? Do you want me to carry you out?" Seryosong tanong nito.
Nanlaki naman ang mata ko. Oh my God. Di ko alam kung seryoso ba siya o joke lang yun. But by the way he was looking at me now, I guess that he was really serious.
"B-bababa na. Ito naman masyadong excited." Sabi ko kaagad ng umakto siyang lalapit sakin.
Bumaba na ako at saka isinara ang pinto. Naglalakad na kami ng marinig kong parang may tumatawa. Nakakunot noo akong tumingin kay Alex at nahuli ko siyang nagpipigil ng tawa. Huminto tuloy ako at namaywang sa harap niya. Huminto din ito sa paglalakad at hinarap ako. Nakangisi pa ito.
'Kailan pa natutong ngumisi ng ganito ang isang to?'
"Tumatawa ka ba?" Tanong ko.
Umiling ito pero nakapaskil pa rin sa mga labi nito ang pagkakangisi.
"Kung hindi, anong nginingisi ngisi mo?" Sita ko.
Nagkibit balikat siya. "Nothing."
"Ewan ko sayo. Bahala ka na nga dyan. Praning na amo."
Naglakad na ulit ako at iniwan ko siya.
Papasok pa lang ako sa bahay ng may sumalubong na agad sakin.
"Tita Aoi!" Tawag ni Aki na nakatayo sa may pinto. May katabi itong babae na medyo may edad na. Kamukha ito ni Alex kaya nahinuha ko na ito ang mama niya.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven