Chapter 14: Girlfriend
Hindi pa rin ako makapaniwala na nginitian ako ni Alex kanina. Totoo yun diba? Hindi ako nananaginip?
Para kompirmahin sa sarili ay palihim kong kinurot ang sarili ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit.
"What with that look?" Narinig kong tanong ni Alex.
Napalingon tuloy ako sa kanya. Nakatingin na ito sa kalsada at sumulyap sakin. Nag iwas ako ng tingin.
"Ha? W-wala." Kaila ko.
"Okay then."
"Saan nga pala tayo pupunta? Sa bahay ba ng parents mo? Nandoon si Aki di ba?" Tanong ko pa ng maalala na hindi ko nga pala alam kung bakit niya ako sinama.
"No. Where not going there. Don't worry he's going to be fine."
Napanguso ako. "Eh saan tayo pupunta? Kala ko ba may meeting ka? Bat kasama ba ako?" Tuloy tuloy na naman na tanong ko.
"Ang daldal mo pa rin. Yes I have a meeting and you're going with me." Sagot nito.
Nanlaki ang mata ko. "What? Bakit kasama ako? Dalhin mo nalang ako kay Aki."
"No."
Hindi nalang ako sumagot pa. Binaling ko nalang ang tingin ko sa bintana.
'Ano naman gagawin ko dun? Tutunganga?'
-
-
-Sa isang restaurant kami nagpunta ni Alex. Isa daw yun lunch meeting. Ngayong nakaupo na kami sa isang lamesa ay napapaisip ako kung ano ba talaga ang trabaho ni Alex. Hindi ko man lang natanong yun o nausisa man lang. Baka mamaya miyembro pala siya ng isang mafia group.
'Baka! Anong mafia group pinagsasasabi mo dyan? Epekto na yan ng kakabasa mo sa wattpad.'
Napakunot noo ako. Hindi naman siguro. Napatingin tuloy ako kay Alex na nakatingin din pala sa akin kaya napabawi ako ako ng tingin.
"Are you hungry?" Tanong nito.
Umiling ako. Kami pa lang kasi ang naroon, anito ay paparating pa lang daw ang ka meeting nito.
"Can I ask something?" Tanong ko kapagkuwan.
"What is it?"
"Ano ba trabaho mo?"
Imbes na sumagot nalang agad ay nakakunot noo pa itong tumingin sakin. "Why are you asking?"
Ngumuso ako. "W-wala naman. Curious lang. Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang trabaho mo."
"I"m one of the board members at Villafuerte Corporation." Sagot nito.
Villafuerte Corporation? "Yung toy company ba yun?"
"Yes."
Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. Parang narinig ko na yun before.
"Ah! Tama. Ang pagkakaalam ko ay nag invest yata doon si Tito Daniel." Sabi ko.
"Daniel? Are you referring to Daniel Everette?"
"Yup. Tito ko siya. Kambal ni mommy ang asawa niya."
"So, you and Blaire are cousin?" Tanong niya.
"Whoa. You know him? Yes, he's my cousin."
"Oh I see. He's Pearl's boyfriend."
"Really? Kita mo nga naman. What a small world."
I heard him tsked. Ngumuso nalang ako.
'Ang tagal naman ng mga kameeting nito. Matagal o sadyang maaga lang talaga tong si Alex?'
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven