Chapter 16: Sweet Lips
"May pagka baliw din pala ang tatay mong yun Aki." Bulong bulong na sabi ko habang hinihintay si Aki na kunin ang laruan nito.
Naupo ako sa kama ni Alex at pinagmamasdan si Aki na tila may hinahanap.
"Aki, are you searching for something?" Tanong ko na.
"Yes Tita, I can't find my toy truck." Anito ng humarap sa akin.
"Are you sure you left it here?"
"Not really. I think I'll go find it on lola's room. I slept there last night." Sagot nito at umaktong lalabas ng kwarto.
"Sandali, I'll go with you." Sabi ko at tumayo na.
-
-
-Naghihintay ako sa labas ng kwarto ng lola ni Aki. Nakakahiya naman kasi pumasok doon ng walang permiso mula dito.
"What are you doing here?" Tanong ng kakarating na si Alex.
Napasimangot ako ng makita siya. Naalala ko na naman kasi ang pantitrip niya sakin kanina. "Sinasamahan ko lang si Aki. Hinahanap niya ang laruan niya."
"Why are you frowning?"
Iniwas ko ang tingin ko. "Hindi ah."
Narinig ko ang papalapit na yabag niya. "Then why are you hiding your face to me?"
"Wala lang. Gusto ko lang."
"Really? Or your just afraid I might see you pouting your lips right now?" Panunudyo nito.
Napasinghap ako at marahas na napalingon sa kanya. "Excuse me? I'm not pouting!"
"Tita Aoi?" Boses ni Aki. Napayuko ako at nakitang nakalabas na pala si Aki at hawak hawak na nito ang sinasabing laruan nito.
"Aki. Let's go na." Aya ko sa bata.
"Wait a minute. Actually I came here to tell you we're already going." Ani Alex.
Napahinto kami ni Aki. "Uuwi na tayo?"
"Yes." Simpleng sagot nito.
Nilingon ko si Aki. "Daddy said we'll be going home. Maybe we'll just play at home?" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumango si Aki. "Uhm, okay."
-
-
-"San tayo pupunta?" Tanong ko kay Alex. Nasa sasakyan na kami at bumibyahe na.
Kaninang umaga kasi pagkagising ko ay sinabihan ako ni Alex na magbihis ng pang alis pagkatapos kumain, pati si Aki ay bihisan ko din dahil aalis daw kami. Tinanong ko siya kung saan kami pupunta ay hindi niya naman sinasabi.
Nakakunot ang noo ko ng lingunin ko si Alex. Hindi ito umiimik. Minsan talaga may pagkabastos ang taong to.
"Nice talking huh?" Patuya kong sabi saka nakalabing namintana nalang.
Habang namimintana ay bigla kong naisip kung totoo nga kaya yung sinabi ni Alex sakin kahapon na natetempt siyang halikan ako kapag nakalabi. O baka naman biro lang talaga yun.
Napabuntong hininga ako.
'Bat di mo itry?' Ani ng mahaderang bahagi ng utak ko.
'Bakit ko itatry? Paano kung totoo? Baka bigla nalang niya akong halikan.'
'Eh di ba gusto mo din naman yun?'
Nanlaki ang mata ko. "Hindi noh!" I exclaimed.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven