Chapter 27: Yes
Tinotoo nga ni Alex ang panliligaw niya sakin. Araw-araw ay hatid-sundo niya kami ni Aki sa school. Tinutudyo na nga ako ng iilan doon sa school lalo na ni Joy. Para daw kami yung nasa pinapanood niya na palabas, na isang simpleng yaya lang kalaunan ay naging step-mom na ng inaalagaan nito. Kilig na kilig pa ito na nagkukwento. Hinahayaan ko nalang siya.
Lumilipas ang araw at linggo na ganun. Mas naging sweet pa sakin si Alex at talagang pinapakita niya yun kay Aki. Mukhang nakakagets naman ang bata na iba na ang pagtingin sakin ng daddy niya. After all, he's a smart kid at his age.
"Saan ba tayo pupunta? Bakit hindi natin kasama si Aki?" Tanong ko isang gabi na nasa biyahe kami.
Pinagbihis niya ako dahil may pupuntahan daw kami. Akala ko kaming lahat ang aalis pero nagulat nalang ako na nasa bahay na si Topaz at sa kanya iniwan ni Alex ang bata.
"We're going on a date." Sagot nito.
"Date? Magdadate tayo? Bakit di mo sinabi agad? Saan tayo magdadate?" Sunod-sunod na tanong ko. Medyo kinakabahan ako dahil ngayon niya lang ako niyaya ng date at isa pa hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakawhite printed sleeveless ako na pinatungan ko ng red na cardigan at peach with black polka dots na skirt ang suot ko na tinernuhan ko ng puting step-in sandals. Baka maging awkward ang suot ko. Akala ko kasi sa labas lang kami mag didinner gaya ng nakaugalian na namin before na kumakain kaming tatlo sa labas paminsan minsan.
"If you're worrying about your get-up, you don't need to worry about it. Okay lang yan."
"Sigurado ka? Bakit kasi hindi mo sinabi agad?" Nakalabing sabi ko.
"Because it's a surprise. And stop pouting, I'm driving." Sabi pa nito.
Medyo nagtaka ako sa huling sinabi niya. "Ano namang konek nun?"
"Because I'm driving, I don't want to get distracted."
Napakunot-noo na ako. "What do you mean?"
"I'm tempted to kiss you."
Nag init ang pisngi ko. Naalala ko nga na yun nga pala ang naging dahilan kung bakit bigla nalang niya ako hinalikan dati. Tumahimik nalang ako. Ayaw ko naman na madistract siya at baka maaksidente pa kami.
"Natahimik ka yata dyan?" Puna nito pagkalipas ng ilang sandali.
"Wala lang."
"Hey, are you afraid? Takot ka bang mahalikan ko? Am I a bad kisser?" Tanong pa nito.
"No! It's not like that."
"Then what?"
"Ayoko lang naman na madistract ka eh. Baka mamaya pag bigla nalang ako nagpout.." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko kaya nag iwas nalang ako ng tingin.
Narinig ko nalang ang pagtawa nito. "Okay. Okay. Hindi na nga kita bibiruin, sineseryoso mo kaagad eh."
Lalabi sana ako pero hindi ko nalang ginawa. Inismiran ko nalang siya na lalong ikinatawa nito.
-
-
-Napatingin ako sa mataas na building na hinintuan ni Alex. Isang condominium. Sa pagkakaalala ko ay may unit siya dito. Dito niya ako pinapunta dati noong inaalok niya akong maging yaya ni Aki.
"Akala ko ba magdadate tayo? B-bakit dito tayo bumaba?" Takang tanong ko habang nasa loob na kami ng elevator.
"Sa condo tayo magdidinner. May inihanda na doon si Topaz kanina. I want this to be special kaya naisip ko na doon nalang. Para wala na din istorbo." Sagot nito.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven