Chapter 8: Grocery
Pagbaba ko ay naabutan ko ang mag ama sa sala. Si Alex ay nagtatype na naman sa harap ng laptop nito habang si Aki naman ay nasa tabi nito at naglalaro sa tablet.
Maingat akong dumaan sa may harap nila at dumiretso sa kusina. Medyo nakakaramdam pa din kasi ako ng hiya kay Alex.
"Aki, did you already eaten breakfast?" Tanong ko pagkarating ko ng kusina. Malapit lang naman kasi ang distansya nun sa sala kaya for sure maririnig ako ng dalawa ng hindi sumisigaw.
Tinanaw ko pa ang dalawa mula sa kinaroroonan ko. Nakita kong nag angat ng tingin si Aki at saka tumingin sakin.
"Yup Tita Aoi. Daddy ordered breakfast for us." Sagot ng bata.
Napatingin ako sa lamesa at nakita ang iilang supot doon ng isang kilalang fast food chain. Napasimangot tuloy ako. Hindi talaga ako kasi sanay sa mga ordered na mga pagkain.
"Why, Tita? You didn't like it?" Tanong ni Aki na nakalapit na pala sa akin. Napansin siguro nito ang pagsimangot ko pagkakita ng mga pagkain.
Umiling ako at nginitian siya. "No, not really. It's just that, Tita preferred foods cooked and prepared by herself." Paliwanag ko sa kanya.
Tumango tango ito. "But Tita, we don't have much stock of foods on our ref."
"Yeah, I guess I have no choice but to eat this na. Tita's hungry na kasi." Nakangiting sabi ko.
Umupo ako sa upuan saka kinuha ang supot at inilabas ang laman nun. Nanatiling nakatayo si Aki sa may gilid ng lamesa at nakamasid sa akin.
"Do you wanna eat with me Aki?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya bago umiling. "No Tita, I'm already full but thanks anyway." Sagot naman nito.
Nagkibit balikat nalang ako saka itinuon ang tingin sa pagkain.
"Tita, I'll leave you for now, I'll just wait for you to finish your meal." Biglang sabi ni Aki.
Nginitian ko siya at saka tumango. Bumalik na ito sa sala at muling naglaro sa tablet nito.
Tahimik nalang akong kumain ng agahan. Pagkatapos kong kumain ay napatunganga pa ako sa may ref. Bigla ko kasing namiss ang ref namin sa bahay. Pagkaalala ko sa bahay, bigla ko din namiss ang mga Kuya ko especially Kuya Travis. Sa kanya kasi ako mas close. Napabuntong hininga ako.
Nang maisipan ko ng tumayo ay nagulat pa ako ng makitang nasa harap ko na si Alex.
"Ay palaka!" Wala sa sariling naibulalas ko. "Ano ba yan! Bat bigla ka nalang sumusulpot dyan?" Kunwari ay inis na sabi ko.
Nakita ko ang pagkunot ng noo nito then ako naman ang napakunot noo when I saw his lips twitched.
"You're the only person I know that talks to her employer like that." Anito.
Napasinghap ako. "A-ano kasi.. Ano.." Nauutal na sabi ko. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko.
Tila naghihintay talaga ito sa sasabihin ko dahil humalukipkip pa ito. "What?"
Hindi tuloy ako mapakali sa inuupuan ko. "Uhm.. Ano, h-hindi ko kasi alam kong ano ang itatawag ko sayo." Sabi ko at nag iwas ng tingin.
"You can call me any way you want. It's up to you."
"Huh?" Nag angat ulit ako ng tingin pero wala na siya. Nakalapit na ito sa may ref.
Tumayo na lang ako at kinuha ang mga walang laman na supot at saka itinapon sa trash bin. Pupuntahan ko na si Aki ng magsalita si Alex kaya napahinto ako sa paglalakad at saka nilingon siya. Nasa harap na ito ng nakabukas na ref at tila may sinisipat doon.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven