Chapter 4: Contract

41 1 0
                                    

Chapter 4: Contract


Huminto kami ni Alex sa isa sa pinakakilalang condominium building.

So dito siya nakatira?

"Let's go."

Naiinis na bumaba ako. Kung makapag utos naman to kala mo kung sino. Kakainis. Hindi ko na siya gusto pramis.

Walang imikan na pumasok na kami at umakyat kung saan man ang condo unit nito.

Huminto kami sa isang palapag at agad itong nagmadali sa paglabas doon. Nakasunod lang ako sa kanya. Nang pumasok kami sa isang unit ay agad itong may hinanap.

"Topaz?"

Mula sa kung saan ay may lumabas na isang matangkad at gwapong lalaki na may hawak na isang mug.

"Oh Kuya nandyan ka na pal-" Napahinto ito ng mapatingin sakin. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Sino siya-"

Hindi na naman ito natapos magsalita dahil nagsalita na si Alex.

"Where's Aki?"

"Nasa kwarto. Natutulog pa siya."

"Okay na ba siya?"

Bigla akong napatingin kay Alex. Wow first time ko yata siyang narinig na magtagalog ah.

"Same pa rin. Teka, siya ba yung hinahanap ni Aki?" Tanong ulit ng lalaki na ang pangalan ay Topaz. Alam kong kapatid siya ni Alex sa pangalan palang nito.

Hindi siya sinagot ni Alex at naglakad na ito patungo sa may sofa.

"Follow me." Utos pa nito.

Pero bago sumunod sa kanya ay tumingin pa muna ako kay Topaz. Bakit kaya hindi nalang siya ang naging crush ko noon? Mukhang mas mabait pa naman siya. Kung sabagay hindi ko din naman siya madalas makita dati.

"You're Aoi?" Tanong nito sakin.

Napatango ako. "A-ako nga."

He chuckled. "Hey, Relax. Hindi ako nangangagat. Pagpasensyahan mo na yang Kuya ko. Medyo bitter pa kasi yan. Ito oh sayo nalang. Di ko pa nababawasan yan ah." At iniabot nito sakin ang mug na hawak nito. "Sige na, puntahan mo na yun, medyo maiksi pa naman ang pasensya nun sa ibang tao." Yun lang at umalis na din ito.

Napatingin ako sa mug na hawal ko. Relax daw, paano ako magrerelax kung binigyan niya ako ng kape? Napailing nalang ako at ngatungo nalang sa tinahak na direksyon ni Alex.

"What took you so long?" Tanobg agad nito pagkaupong pagkaupo ko pa lang sa upuan sa harap ng mesa nito.

Nandito kami ngayon sa isang kwarto. Don't get me wrong, kwarto as in study room. I mean parang office na study room na.. Ah ewan basta ganun.

Nilapag ko muna ang mug sa table saka sumagot. "Kinausap pa kasi ako ng kapatid mo."

Nakatitig na ito ngayon sa mug. "Don't put that in here."

"Ha?" Nagtatakang tanong ko.

"That mug. Take that away from my table."

"Pssh. Ang arte." Bulong ko saka kinuha ang mug at hinawakan nalang yun.

"Are you saying something?"

"Huh? Wala noh."

"Okay. Let's get down to business."

"Teka, anong business?" Naguluhan ako sa sinabi niya.

"You're here to be Aki's Nanny and now we'll sign a contract."

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon