Chapter 29: Garden
"Sasabihin na ba natin kay Aki?" Tanong ko habang pauwi na kami nung gabi di'ng yun.
Ayaw sana ni Alex na umuwi kami at doon nalang matulog sa condo nito pero ayoko. Hindi naman sa takot ako na may mangyari sa amin, ang sa akin lang naman kasi ay baka masamain ng iba kapag nalaman ng mga ito na natulog ako na kasama si Alex na kaming dalawa lang.
At dahil nirerespeto ni Alex ang pasya ko, pumayag ito na umuwi na kami.
"Yes, course. He'll be happy to know it."
"Pero hindi ba siya mabibigla?"
"No. Mas ineexpect niya pa nga siguro na ikaw ang maging mommy niya. Matalinong bata si Aki for his age, kaya I know, maiintindihan niya." Sagot nito.
Napabuntong-hininga ako. "Okay. Kumusta na kaya si Aki sa bahay? Nag aalala din ako sa kanya kaya gusto ko ng umuwi."
"He's okay. Don't worry too much. Marunong mag alaga si Topaz ng bata. Expert yun." Natatawang sabi nito.
Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. "Expert? Paano siya magiging expert? May anak na siya?" Napasinghap pa ako pagkasabi nun.
Umiling ito pero nakapaskil pa rin sa mga labi nito ang ngiti. "No. Single pa rin yun at walang anak. What I mean sa expert is that, sanay yun mag alaga ng mga bata kasi noon pa man siya na ang madalas magbantay sa mga nakababata naming mga kapatid. Kaya sa aming dalawa, mas protective yun."
Napatango tango ako. "Ah, I see. He's a sweet guy I guess."
"Do you have a crush on him?" Bigla ay naging seryoso ang boses nito.
"Wala nga. Ang kulit mo naman. Mahal na nga kita magkakacrush pa ba ako sa iba?"
"Bakit pwede naman yun diba? At isa pa sabi mo nga he's a sweet guy. Anyone can fall for him so easily."
"Yeah, but not me. You already own my heart. Matagal nang hulog ang puso ko. Sobrang lalim na nga eh, may panahon pa ba akong mafall sa iba?"
Ngumiti na ito ng sumulyap saglit sakin. "Just making sure."
"Segurista."
Then he just laughed at me.
-
-
-"Wow. Ang daming pagkain ah, may sinicelebrate ba tayo?" Ang bungad na tanong ni Topaz ng pumasok ito sa kitchen ng umagang yun.
Ako pa lang amg nandoon dahil maaga akong nagising. Naisip kong maghanda nalang ng almusal para pag nagising sila, kakain nalang.
Nakangiti ko siyang nilingon. "Sira, madami talaga yan kasi nandito ka. Ang sabi ni Alex , matakaw ka raw eh."
Pabiro itong suminghap ng eksaherado sabay tutop sa dibdib na animo nasaktan.
"Ang sama niya talagang kapatid kahit kailan. Tinulungan ko pa mandin siya sa panunuyo sayo."
Bigla ay may tumikhim namang malakas sa likuran nito. Si Alex na nakikisakay sa biro ng kapatid dahil halata naman ang kunwaring pagkakaseryoso ng mukha nito.
"At bakit, nagrereklamo ka? May hiningi ka namang kapalit doon sa tulong mo."
Natawa nalang ako sa dalawa. "Mga praning. Tigilan niyo na nga yan. Ang aga niyo naman gumising, magkape nalang muna kayo, hindi pa ako tapos sa niluluto ko eh." Ani ko sa kanila.
Lumapit si Topaz sa may counter bago ako tumalikod sa kanila para harapin ang piniprito kong sunny side up egg.
"Do you want me to help you?" Anas ni Alex sa may tainga ko. Pumulupot ang mga braso nito sa baywang ko at idinantay ang ulo sa may balikat ko kaya sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Storie d'amore"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven