Chapter 30: Bisita

48 0 0
                                    

Chapter 30: Bisita




"May nagdodoorbell. Sino kaya yun? Gabi na ah?" Tanong ko sa sarili ko.

Hinayaan ko si Aki na nagkukulay sa isang coloring book sa may lamesa sa kusina. Nagluluto kasi ako ng hapunan namin. Nasa taas si Alex at naliligo.

Paulit ulit ang pagtunog nun na tila ba inip na inip na. Pinatay ko muna saglit ang stove at hinubad ang apron. Nilapitan ko si Aki.

"Aki pwedeng doon ma muna sa sala? I'm going to see who's outside." Sabi ko sa bata.

Pumatag naman ito at saka tumayo dala ang coloring book. Ako na ang kumuha at nagdala ng crayons niya at sabay kaming nagpunta sa sala. Patuloy pa ring nag iingay ang doorbell.

"Dito ka lang ha?" Paalala ko kay Aki saka nagpunta sa may pintuan at lumabas. Inaninag ko pa mula sa pinto kung sino ang nasa gate kaso hindi ko makilala.

Nang lumapit ako ay saka ko pa lang nakilala ang nandoon. Si Maja. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang agad nitong tanong.

"Ha?" Ano ba ang dapat kong isagot? Somehow, nakakaramdam talaga ako ng takot sa way niya ng pagkakatingin sa akin.

Bago pa ako makaisip ng isasagot ay siya namang pagbukas ng pinto ng bahay at kasabay nun ang pagtawag ni Alex kaya napatingin ako doon.

"Babe sinong nandyan?" Tanong nito at saka lumapit.

"Babe?" Taas ang kilay na tanong ni Maja ng tumingin na ako sa kanya. "The last time we talked you're just his friend, right?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Naiintimidate na natatakot ako sa kanya na hindi ko alam kung bakit.

Napaigtad pa ako ng dumantay ang braso ni Alex sa balikat ko. "Yes, nililigawan ko pa lang kasi siya nun. But now we're together. Is there a problem with that?" Tanong ni Alex.

Tabingi na ang naging ngiti ni Maja. "O-of course, wala naman. I'm just wondering, that's all. Anyway, I'm here to visit Aki, do you mind?" Anito.

Humigpit ang pagkakaakbay ni Alex sa akin. "No. Of course not. Come in." Ani Alex at binuksan ang gate.

"Okay lang ba na iwan ko nalang ang kotse ko sa labas ng gate niyo?" Tanong ni Maja kay Alex.

"Okay lang but I think, ipasok mo nalang para mas safe, although safe naman talaga dito."

Bumalik si Maja sa kinapaparadahan ng sasakyan nito at pumasok doon. Ipinark na nito ang kotse sa loob ng bakuran bago muling isinara ni Alex ang gate.

Sabay na kaming tatlo na pumasok sa loob. Nasa sala pa din si Aki at nagkukulay sa coloring book nito. Pagkapasok namin ay agad itong nag angat ng tingin.

"Hi Aki!" Magiliw na salubong ni Maja kay Aki.

Hesitant si Aki na tumayo at lumapit. Tumingin pa ito sa amin mi Alex. Maging ako man ay ayoko sanang palapitin ang bata kay Maja pero ng tanguan ito ni Alex ay lumapit na rin ito sa tiyahin.

"Alex, tapusin ko lang yung naiwan kong niluluto." Paalam ko.

Nilingon ako ni Maja. "Oh, you we're cooking? Pwede bang dito nalang din ako mag dinner? After all, I brought some wine." Anito. At ngayon ko nga lang napansin ang bitbit nito.

Atubili akong ngumiti. Tiningnan ko si Alex. Tumango lang din ito.

"Yeah sure. Ahm, let me take that." Sabi ko saka lumapit sa kanya para kunin ang iniaabot nitong wine.

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon