Chapter 10: Birthday
"Saan na kaya ang daddy mo? Gabi na wala pa din siya." Sabi ko kay Aki habang nasa sala kami at naghihintay kay Alex.
Umalis kasi ito ng bahay kaninang umaga at may meeting daw ito. Pero wala naman itong sinabi kung anong oras ito makakauwi. Gabi na at kanina pa namin siya hinihintay ni Aki.
"Tita I'm already sleepy." Humihikab na sabi nito.
"Okay, let's go upstairs na. Papatulugin na kita." Sabi ko sa kanya at tumayo na. Inalalayan ko din siyang tumayo.
Nang makarating kami sa kwarto niya ay pinahiga ko kaagad siya sa kama niya. Naupo ako sa may gilid niya.
"Sleep well Aki." Aniya at hinihintay na makatulog ito.
Napahikab na rin ako. Inaantok na ako. Nagkusot pa ako ng mata at ramdam ang pagluluha ng mga ito.
Pagod na pagod ang katawan ko ngayon. Maghapon kasi kaming naglaro ni Aki. At dahil sa pagod na nararamdaman ko ay nahiga muna ako saglit sa tabi ni Aki. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako.
Nagising ako ng pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Dinilat ko ang mga mata ko at nagulat pa ako ng makita ko si Alex na nakatunghay sakin. Napabangon tuloy ako kaagad.
"Nakakagulat ka naman." Wala sa loob na sabi ko ng makaupo na sa may gilid ng kama.
"Sorry did I disturb your sleep?" He asked softly.
Napakunot noo ako. Bat parang may kakaiba yata dito?
"H-hindi naman. Ako nga dapat ang magsorry. Nakatulog ako habang pinapatulog si Aki." Natigilan ako. "Teka, anong oras na?" Nagpalinga linga ako para maghanap ng orasan.
"It's 12:30 in the morning."
"Kakauwi mo lang?" I asked him.
"No. I was here an hour ago." Anito. Nakatayo lang ito at nakasandal sa pader sa may malapit sa bintana. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa akin.
Bigla tuloy akong naconcious. Ano na kaya ang hitsura ko gayong kakagaling ko lang sa pagtulog? Buti nalang at medyo dim ang light ng kwarto ni Aki.
Nilingon ko si Aki na mahimbing na natutulog. Dahan dahan akong tumayo.
"Uhm.. Sige pupunta na ako sa kwarto ko." Paalam ko.
"Wait. I have something to tell you." Pigil nito ng nasa may pintuan na ako. Pagkalingon ko sa kanya ay nasa tabi ko na siya.
"Ha? Ano yun?"
"Let's talk outside." Anito at ito pa ang gumiya sa akin palabas ng kwarto. Dinala niya ako sa study room na kadugtong lang ng kwarto nito.
"Ano ba pag uusapan natin? Hindi ba yun makakapaghintay na mag umaga?" Nagtatakang tanong ko.
Dahil medyo inaantok pa ako naupo ako sa couch na naroon. Lumapit si Alex sa akin pero nanatili lang itong nakatayo. Pumangalumbaba ako. Hindi sa hindi ako interesado sa sasabihin niya kundi inaantok lang talaga ako.
"Tomorrow is Aki's birthday." Walang paligoy ligoy na saad nito.
Bigla ay parang nawala ang antok ko sa sinabi niya. Marahas akong napatingin sa kanya.
"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi? Paano yan? Paano tayo maghahanda?" Nagpapanic na tanong ko. Napatayo pa talaga ako.
"You don't need to worry about it. I've already settled everything."
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven