Chapter 28: I Love You
Alex kissed me fully on the lips, and I just slowly close my eyes and feel everything on his kiss. I wrapped my arms around his shoulder and gently push myself to him and returned his kisses.
It was a very passionate and gentle kiss. Kapwa kami hinihingal ng maghiwalay. Nakatitig siya sa akin with full of love and admiration kaya ganun din ang titig na iginanti ko sa kanya.
I just realized, matagal na niya akong tinitingnan ng ganito, hindi ko lang napapansin or ayaw ko lang talaga pansinin sa takot ko na baka mali lang ako ng akala.
His hands that was now on my waist slightly tighten. "You know, I just realized matagal mo na pala akong tinitingnan ng ganyan." Anito kapagkuwan breaking the silence.
Napangiti ako. "Paanong tingin aber?"
"That you love me. Na ako lang ang gwapong nakikita mo ganun."
Natawa ako. He was now making the rythym of slow dancing.
"Para namang may iba akong nakikitang ibang gwapo palagi?" Panunudyo ko sa kanya.
"Pero hindi nga, aminin mo, matagal mo na akong gusto ano?"
Pinalo ko siya ng mahina sa balikat niya. "Ang kapal ng mukha mo. Hindi kaya." Pagtanggi ko.
"Are you sure? Kung ganun, when did you start liking me?" Patuloy na pagtatanong nito.
Napalabi ako. "Talagang gusto mong malaman?" Tumango ito. "Ang totoo, high school pa lang ako, nagkagusto na ako sayo." Pagbubunyag ko sa kanya.
Halatang nagulat ito base na rin sa hindi makapaniwalang reaksyon nito. Nahinto tuloy sila sa pagsasayaw.
"Really? How did that happen? I swear na doon lang kita sa clinic ni Travis unang nakita, paano nangyari yun? Hindi ka naman ipinapakilala ng kuya mo sa akin." Nagtatakang sabi nito.
"Syempre nasa iisang school lang naman tayo dati, nung makita kita, ewan ko naging instant crush na kita, tapos simula noon palihim kitang sinusundan. Ang totoo pa nga niyan nagkakilala na tayo noon, pero isang beses nga lang."
"Really? I don't seem to remember it."
"Hayaan mo na yun. Matagal naman na yun eh."
"Mula ba noon, ako lang ang nagustuhan mo?"
Medyo nahiya ako sa itinanong niya. Kailangan ko bang aminin ang totoo? Baka sabihin niya obsess ako sa kanya o ano.
"Maupo na tayo, napapagod na ako eh." Pag iwas ko. Bumitaw ako sa kanya at nagtungo sa may sofa para maupo.
"Hey, ako lang ang nagustuhan mo?" Tanong pa nito na tumabi pa ng upo sakin. Nasesense ko din sa tono ng pananalita niya ang amusement doon. Teka, pinagtatawanan niya ba ako?
Tiningnan ko siya at kitang kita ko na ngayon ang nakaplaster na ngiti sa mga labi nito. Tila aliw na aliw sa natuklasan.
"Hoy Alex, pinagtatawanan mo ba ako?"
Umiling ito pero hindi naman mawala ang pagkakangiti nito.
"Anong hindi? Hindi nakakatuwa. Ano ngayon kung ikaw lang ang nagustuhan ko? May magagawa ba ako? Sinubukan ko namang tumingin sa iba pero wala akong magustuhan sa kanila."
"Hey." Hinawakan nito ang kamay ko. "Wag kang mainis o magalit okay? I'm making fun of you. Natutuwa lang ako. Natutuwa, hindi natatawa, it's different okay?"
Iningusan ko siya. "Ewan ko sayo." Pagsusungit ko.
Natatawang hinila niya ako kaya napasandal ako sa kanya. Kaagad niya naman akong niyakap.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven