Chapter 31: 'Ano'

34 0 0
                                    

Chapter 31: 'Ano'



Naabutan kong inilalagay na ni Alex ang mga pinggan sa lalagyanan. Lumingon ito ng maramdaman ang presensya ko.

"Bakit ikaw ang naghugas? Di ba sabi ko ako nalang?"

"Para hindi ka na mahirapan. Kindly remind me next time na kumuha na ng kasambahay. Ayoko na ikaw nalang parati ang gumagawa ng gawaing bahay. Hindi naman yun ang trabaho mo. And besides, gusto ko din na magresign na ka sa pagiging yaya ni Aki. Tutal naman magpapakasal na tayo at magiging mommy ka na niya." Dire-diretsong sabi nito at saka lumapit sa akin.

Hindi ko kaagad nakuha lahat ng sinabi niya at inaabsorb pa lahat yun ng utak ko kaya nanatili lang akong nakamasid sa kanya at hindi makapagsalita.

"Hey, what's the matter?" Untag nito at hinawakan ang mga kamay ko. Nasa harapan ko na siya ngayon.

Umiling ako. Kapagkuwan ay nagpalinga linga. "Nasaan nga pala si Maja?"

"Pinauwi ko na."

"Pinauwi mo na? May nagsundo ba o pinasundo mo?" Tanong ko.

"Siya lang mag isa."

Nanlaki ang mata ko. "Pinauwi mong mag isa? Eh nakainom yun."

Kahit na man may takot at medyo may pagkadisgusto ako sa kaya Maja ayoko pa rin na madisgrasya siya o may mangyaring masama sa kanya.

"She's not that drunk. Konti lang ang ininom niya."

"Pero kahit na."

Inalis nito ang pagkakahawak sa kamay ko then he cupped my face.

"Don't worry about her okay?"

Pero kahit ganoon ay hindi ko maiwasan. Naalala ko kasi kapag nakakainom si Yana at pag may nadidisgrasya ito.

"Tulog na ba si Aki?" Tanong nito.

Tumango ako. Ngumisi ito ng pilyo.

"Masosolo na kita?" Anito at ngayon ay hinahapit na ako palapit sa kanya.

Nakakaramdam ako ng pag iinit. Siguro epekto lang yun ng ininom ko kanina. Yun lang siguro yun.

Isinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko at nararamdaman ko ang hininga niya doon na bahagyang ikinakikiliti ko.

"Alex, nakikiliti ako." Sabi ko at medyo inilalayo siya.

"You smell so good. Hayaan mo muna ako." Anas nito na dahilan para manindig ang mga balahibo ko.

"A-Alex.. What are you doing?" Paanas na rin na sabi ko. Iba na kasi ang nararamdaman ko. Lalo na at alam kong hinahalikan na ni Alex ang leeg ko paakyat sa may tainga ko.

Hindi na sumagot pa si Alex at isang ungol na ang pinakawalan ko ng halikan na talaga ni Alex ang tainga ko at hinapit pa ako lalo.

Napakapit na ako sa batok ni Alex. Sobrang nag iinit na ang pakiramdam ko at sigurado ako na hindi na ito dahil sa ininom kong wine kanina, kundi dahil sa ginagawa na sa akin ni Alex.

Nang tigilan na ni Alex ang panunudyo sa tainga ko ay tiningnan niya ako saglit at nginitian. Makikita na rin ang pagnanasa sa mga mata niya. Maging sa akin siguro ay ganoon na rin ang makikita. Dahil yun na ang nararamdaman ko.

"I love you Sumire."

"I love you too Alex.."

Then he kissed me on my lips. Full of love and so passionately.. Nawawala na naman ako sa sarili ko dahil kusa na namang gumalaw ang kamay ko para lalo pa siyang dumiin sa paghalik sa akin at ang mga labi ko ay kusa na ring sumabay sa galaw ng labi niya.

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon