Chapter 33: Blooming

22 0 0
                                    

Chapter 33: Blooming


"Uy, gumaganda ka ah. Ang sweet ng amo sayo ah. Sabi ko sayo, may gusto yun sayo eh. Sinagot mo na ba?" Pang uusisa ni Joy.

Nasa labas lang kami ng classroom nila Aki. Wala na Alex. Umalis na ito at nagpunta sa kompanya ng mga ito dahil may meeting ito.

Kailan ko lang nalaman na partners pala ng daddy nito ang may ari ng isang toy company. Ito na ang pumalit sa ama nito matapos ipasa kay Alex ang posisyon nito.

Si Joy ang isa sa mga yaya doon na nakapalagayan ko ng loob. Kami ang laging magkausap kaya nasabi ko sa kanya ang panliligaw sa akin ni Alex.

Nginitian ko siya saka pinakita ang singsing sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata nito at napatakip sa bibig.

Maya maya ay mabilis na hinawakan nito ang kamay ko at tiningnan ang singsing ko.

"Oh my God! You're married? Congratulations!" Tuwang tuwa na sabi nito na nangingiti na.

"Salamat ha? Kahapon pa kami kinasal. Hindi ka ba nagtataka kung bakit agaran ang pagpapakasal namin?"

Umiling ito. "Hindi naman. Alam mo kasi kung tunay naman ang nararamdaman niyo para sa isa't isa at handa niyong panindigan ang nararamdaman niyong pagmamahal, okay lang naman na magpakasal na agad. Wala namang problema doon as long as nagkakaintindihan kayo." Sagot nito.

"Wow ang deep ha." Nagkatawanan kami. "Pero seriously, wala ka bang ibang uusisain sakin?" Tanong ko pa.

Saglit itong tumahimik para mag isip. "Wala naman talaga. I'm just so happy for you. And happy ako na nakilala kita dito. Pero kung ipinipilit mong magtanong ako, sige itatanong ko na lang kung bakit nga ba agad kayong nagpakasal? Buntis ka na ba?"

Agad akong nagreact ng bayolente. "Hindi ah. Hindi." Mariing tanggi ko.

Natawa ito. "Eh kasi yun ang unang unang maiisip ng iba kapag may dalawang tao na biglaan ang pagpapakasal, lalong lalo na sa kabataan ngayon."

Oo nga ano? Ngayon ko lang naisip yun. Baka ganoon din ang maisip ng iba. Pero ayos lang, at least hindi naman totoo.

"Kung sabagay. Gusto ko lang kasing malaman ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mong bigla akong nagpakasal."

"Kung iniisip mo ang sasabihin ng ibang tao, maiistress ka lang. Buhay mo naman yan, at hindi naman pupwede na magpaapekto ka sa mga sinasabi nila. As long as malinis ang konsensya mo at wala kang ginagawang masama. Hindi mo obligasyon na ipaliwanag ang sarili mo sa kanila kung hindi naman kinakailangan."

Tinitigan kong mabuti si Joy. Ang lalim niya kasi magsalita. Parang may pinaghuhugutan talaga.

"May pinaghuhugutan ka ba?" Pabiro kong sabi sa kanya.

Natawa ito. "Naku, wala naman. Basta, wag mo nang isipin ang ibang tao. Inggit lang yun. Ang ganda mo kasi at gwapo ang asawa mo."

"Ikaw din naman. Maganda ka, mahahanap mo din ang pag ibig no."

Ngumuso ito. "Naku asa pa ako. Feeling ko tatandang dalaga na ako."

"Wag kang nega. Dadating din ang sayo."

"Ay hayaan mo na yung sakin. Baka natraffic pa sa Edsa." Natawa ako. "Ang gusto kong pag usapan ay ang lablyp mo. Di ba kakakasal niyo lang kahapon? Kailan niyo balak mag honeymoon?" Interesadong tanong nito.

Pagkabanggit ng salitang honeymoon at agad na namula ang pisngi ko. Hindi pa kasi ao handa na pag usapan ang tungkol sa mga ganoong bagay. Napansin yata nito ang pamumula ng pisngi ko kaya pilyang napangiti ito at tinusok tusok pa ang tagiliran ko.

"Don't tell me na naghoneymoon na agad kaayo kagabi? Uyy.. Namumula siya." At napahalakhak ito na lalong ikinainit ng pisngi ko.

Kinurot ko siya sa tagiliran, bahagya lang itong umiwas na tawa pa rin ng tawa.

"Wag ka ngang maingay dyan. Nakakahiya."

"Ano naman ang nakakahiya doon? Asus kaya pala blooming na blooming ang ganda mo ngayon. Umiskor ka na pala agad kay hubby." Tudyo pa nito.

"Ewan ko sayo."

-
-
-

Pagkatapos ng klase ay hindi si Alex ang sumundo sa amin kundi si Topaz

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon