Chapter 21: Sorry

40 2 0
                                    

Chapter 21: Sorry


Ngayon ang first day ni Aki sa school at sobrang excited siya kaya maaga siyang nagising, ang siste ay maaga kaming lahat nakagayak ngayon.

"Aren't we going to school yet?" Aki asked. Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses niya nang tinanong sakin yan.

Sinulyapan ko si Alex at medyo nagitla ako dahil nakatitig siya sakin. "Hindi pa ba kami pwedeng umalis?" At hindi ko na rin mabilang kung pang ilang beses ko na rin yang itinanong kay Alex.

Sa totoo lang kasi pwede naman na kaming umalis ni Aki at maghintay nalang sa school, pero ayaw kaming payagan ni Alex.

"Not yet." He answered.

"Bakit? May school bus ba na susunduin kami dito?" Hindi ko na napigilang itanong sa kanya ang bagay na yun.

"None."

Nakakainis na ha. Ayan na naman siya sa mga tipid na mga sagot niya. Hindi man lang sumagot ng maayos.

"Eh bakit nga kasi di pa kami pwedeng umalis? Doon nalang kami maghihintay sa school. For sure naman may iba nang mga tao doon."

Medyo kinabahan ako ng biglang tumayo si Alex. Baka nagalit na siya sa kakulitan ko.

"Fine." Anito.

Teka, anong fine? Nakita ko siyang nagtungo sa isang drawer at kinuha ang susi niya. Aalis din pala siya? Ang alam ko kasi dito lang naman siya nagtatrabaho sa bahay. What I mean is that, dito niya ginagawa sa bahay ang trabaho niya. At hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon. Hindi ba siya nabobored dito?

"Let's go." Anito at nagtuloy tuloy na sa paglabas sa bahay.

Kita mo to, hindi man lang magpakagentleman. Nauna pa talagang lumabas samin.

Tumayo na kami ni Aki, hinawakan ko siya at saka kami sumunod sa daddy niya.
Pinatunog na ni Alex ang sasakyan niya at saka binuksan ang backseat at pinasakay si Aki. At ako, hindi na ako maghihintay na pagbuksan niya ako dahil nasanay na ako sa kanya. Hindi siya ang gentleman type na lalaki. Kumbaga kanya-kanya. Pumasok na ako sa loob at hinintay nalang na makasakay siya.

"Kung may lakad ka, hindi mo naman na kailangan pang ihatid pa kami ni Aki sa school. Kaya naman naming mag commute." Untag ko ng makapasok na siya at pinapaandar na ang sasakyan.

"You think I'll let my son commuting when I can drive him to his school?" Tanong nito.

Aray ko ha. Parang gusto na din niyang sabihin na wala siyang tiwala sakin ah. Kumuha pa siya ng makakatulong kung ganoon lang din naman. Pambihira.

But on the other hand, may point naman siya. Bakit nga naman niya hahayaan na magcommute ang anak niya kung may sasakyan naman sila at kaya naman niyang magdrive?

"Pero may driver naman kayo di ba? Sana pinahatid mo nalang kami." Dagdag ko pa.

Bigla niya akong sinamaan ng tingin. Oppss.. May nasabi ba akong masama? Parang meron yata. Okay tatahimik na nga ako.

Sinulyapan ko si Aki sa likod para icheck kung ayos lang siya. Nakita ko siyang nakatanaw sa labas ng bintana, kaya binalik ko ang paningin ko sa harapan.

Pero dahil minsan, hindi ko kayang manahimik..

"Saan ang punta mo? May lakad ka ba pagkatapos mo kaming ihatid?" Tanong ko kay Alex.

Without looking at me he answered, "Nothing. I'll be heading home."

Napatango ako. Hindi kaya siya nagsasawa sa bahay nila?

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon