Chapter 23: Girlfriend, For Real

43 1 0
                                    

Chapter 23: Girlfriend, For Real

Tama ba talaga ang narinig ko? Nagseselos daw siya? Pero bakit?

"Hey, hindi ka na kumibo dyan."

Napaigtad ako ng magsalita ulit siya. Napatingin ako sa kanya. Seryoso pa rin ang hitsura niya pero naroon ang pag aalala.

"A-anong sinabi mo?" Tanong ko sa pagbabakasali na ulitin niya ang sinabi niya kanina. Baka nagkakamali lang kasi talaga ako ng dinig. Baka nagdedaydream lang ako o ano.

"Do I really need to always repeat myself? Sabi ko nagseselos ako kapag magkasama kayo ni Topaz." Pag ulit nga nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Oh.. Oh my God!! Totoo ba to? At teka, parang kanina pa yata siya nagtatagalog ng tuloy tuloy ah. Nakakapagtaka.

Para maibsan ang kabang nararamdaman at para maiwasan ang pag assume nang masyado, tinawanan ko siya ng pagak.

"Wag ka ngang nagbibiro ng ganyan. Wag mo nga akong binibiro ng ganyan Alex." Baka maniwala ako.

Nagbuntong hininga siya. "Who said I'm joking? Look, seryoso ako Sumire so take me seriously. This is not the time to joke around something as serious as this. Shit! I don't know why I keep on blabbering like this."

Tiningnan ko siyang mabuti. Ngayon ko lang napansin na para siyang kinakabahan or something. Inabot ko ang kamay niyang bumitaw sakin kanina lang at napaigtad ito sa gulat. Muntik tuloy akong matawa. Para kasing hindi na siya si Alex.

"O-okay ka lang ba? You look tense. Maupo nga muna tayo. Kung.. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na agad." Kinakabahan din kasi ako actually.

Hinila ko siya patungo sa sofa. Pero hindi naman kami naupo ng makalapit kami doon. Nanatili kaming nakatayo at naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Alex sa kamay ko kaya napatingin muli ako sa mukha niya. Seryoso talaga siyang nakatitig sakin.

"Sumire, I don't know how to start this, but I.. Damn it. Topaz should have said it would be this hard."

"A-ano ba kasi yun?"

"Can you be my girlfriend, for real?" Diretsahang tanong nito.

Ano daw? Hindi ako nakareact kaagad. Totoo ba talaga ang narinig ko? He wants me to be his girlfriend for real? Ibig sabihin talagang sinadya niyang sinabi dati na girlfriend niya ako? Na may something na siya sakin? Pero bakit? At hindi kaya masyado pang maaga para sabihin niya yun? Baka nabibigla lang siya or something.

"Alex baka nabibigla ka lang sa sinasabi mo. First of all, it's been just a month mula ng makilala at makasama mo ko. And pangalawa, why do you want me to be your girlfriend, are you feeling something on me?" Seryoso ko na ding sabi sa kanya. Ayoko kasi ng niloloko ako.

"Like what I've said earlier, I'm serious, so to answer your questions, I don't really know how to explain this but to tell you honestly, the time that I saw you at Travis' office I kind of feel of something, maybe you can call it an instant attraction. And I've never felt that kind of attraction before."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Nag halo halo na. Basta hindi ko maipaliwanag.

He look at me intently. "Even with Mariel. I want you to know that I've never been inlove with her. That I've never been inlove with anyone. I've been with some women before but I never did fall in love with them. Me and Mariel, we just married for convenience. And since we got married wala na akong ibang inisip kundi ang maging maayos ang pagsasama namin at ang mapalaki ng maayos si Aki. And Mariel was my bestfriend. We understood each other kahit na pagkakaibigan lang ang nadarama namin para sa isa't isa."

"Why are you telling me all of these?" Tanong ko ulit. Hindi niya naman kasi talaga nasagot lahat ng tinanong ko.

"I don't know. I just know that I trusted you. And I feel something on you. This may not be love for now but I'll know eventually. Just be my girl. I want you to be my girl to sort out what I really feel for you. " Anito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Bahagya akong nadisappoint sa ibang sinabi niya. Akala ko love na, hindi pa pala sure. At napaisip ako, kung hindi pa siya sure kung love na ba talaga ang nararamdaman niya for me and he was asking me to be his girlfriend para alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin, hindi ba parang inulit niya lang ang nangyari sa kanila ng asawa niya dati? Parang experiment lang kumbaga. At paano kung in the end ay marealize niyang hindi naman niya talaga ako mahal, na hindi ako ang babae para sa kanya, gaya ng nangyari sa kanila dati ng asawa niya,saan ako pupulutin pag nagkataon? Mabuti sana kung katulad ako ni Mariel na talagang friendship lang ang nafefeel, wala sanang magiging problema, ang kaso ay hindi.

Masasaktan lang ako, kasi noon pa man mahal ko na siya at mas lalo pa ngang lumalalim sa bawat araw na kasam ko siya. Paano nalang pag malaya na talagang maexpress ang nararamdaman ko? Ayokong magtake ng risk sa isang bagay na walang kasiguraduhan. But then, life is all about taking risk, and taking chances. But I don't want to risk. Ayokong masaktan. Matagal na akong nasasaktan for keeping my love for him for so long. At ngayon he's giving me a chance to be with him but he was not sure enough that we could last long, just because he was not sure of what he really felt for me.

I know marami ang maiinis o magagalit sa magiging desisyon ko, but I'm not going for an experimental relationship. Marami siguro ang magsasabi na ang tanga tanga ko kasi andyan so why don't grab the chance? Pero tao lang din naman ako. Takot masaktan, kaya hindi ako masisisi nino man kung makaramdam man ako ng ganito. Dahil hindi rin naman ako kasing tapang ng iba na handang masaktan, makuha lang ang pag ibig na inaasam.

Marahan kong binawi ang kamay ko at umatras ng konti.

"Sorry Alex, but I don't want to be in an experimental relationship. Next time that you ask me to be your girl, gusto ko yung sigurado ka na sa nararamdaman mo sa akin kung ano man yan. Ayokong masaktan lang sa bandang huli. Goodnight." Pagkasabi nun ay mabilis na akong umalis doon.

Parang gusto kong maiyak pero mas magiging tanga ako kung magiging kami pero hindi naman siya sigurado sa nararamdaman niya. Mamaya mas lalo ko lang siyang mahalin tapos ang kahahantungan lang pala ay one sided love lang. Ako pa rin ang nagmahal. Ako lang ang nagmahal at ako lang ang patuloy na magmamahal. Hindi ko kaya ang relasyon na atraksyon lang ang pundasyon.

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon