Chapter 2: Aki Raven

46 2 0
                                    

Chapter 2: Aki Raven


Napaubo ako sa sinabi ng bata. Isa siyang Raven? Kamag anak kaya siya nung taong kakilala ko?

"Now that you know what's my full name, can I ask yours Tita Aoi? So that it can be fair." Untag ng bata.

Tumikhim ako at umayos sa pagkakatalungko. "Uhm.. My full name is Sumire Aoi Villarosa Miyazono."

Tumango tango ang bata. "Miyazono? Is that a foreign surname? I think I've heard it before." Sabi nito at umakto pang parang nag iisip.

Bahagya na naman akong natawa sa kanya. Nakakatuwa naman siyang bata. Napakadaldal at napakatalino. In short nakakanose bleed siyang kausap. ~T_T~

"Yes it's a foreign surname because my dad is a japanese."

He pouted. "So you're a japanese?"

"Not really."

Kumunot ang noo nito. "Huh? What do you mean po?" He asked confused.

Wow. Naamaze na naman ako ng gumamit ito ng po. So alam pala nito yun. Eh kasi di ba wala namang po at opo sa english?

"What I mean is, I'm just a half japanese because my mom is a filipina, so that's why."

"Ah.."

Tumayo ako mula sa pagkakatalungko. Nakakangalay eh. Kinarga ko si Aki ng umalma ito.

"Tita where are we going?"

"Sa couch. Nakakapagod dito eh." Di ko na napigilan magtagalog. Naiintindihan niya naman daw ang tagalog eh. Hindi naman kasi ako yung taong nagfufull time magsalita ng wikang inglis. Mahal ko kaya ang wikang filipino. Tsaka ayokong maging amoy malansang isda noh. Sapat na yung nakakaintindi ako ng english at nakakapagsalita din nun. Nasa pinas naman tayo eh.

Okay. Ang daldal ko na.

"But you don't have to carry me. I can walk by my self. I'm already a big boy right?"

"Uh-huh. But, well I want to, so just let me okay?"

Wala na itong nagawa dahil di ko naman siya binaba.

Nang makarating kami sa sofa ay nilapag ko siya saka ako tumabi sa pagkakaupo niya.

"Are you hungry?" Tanong ko.

Umiling ito. "Tita, what is your work here?" Anito at nagpalingon lingon sa paligid. "I haven't seen Manang Fatima." Tukoy nito sa secretary ni Kuya.

Magalang naman pala talaga ang batang ito. Well, at least di ba? Manang ang tawag nito kay Fatima kasi medyo may edad na yun eh. Mga 40 na yata? Ayaw daw kasi ni Kuya ng mas bata o kaedad nito dahil baka landiin lang daw siya, eh para lang daw kay Yana ang isip, puso, kaluluwa at katawan nito. Ang corny niya di ba? Eh hindi naman siya pinapansin ni Yana kasi nga busy sa iba. Tsk.

"She got an emergency so she went home early." Pagsagot ko.

"So what do you do here? I don't see you if we're here."

"I just take Fatima's place temporarily as Kuya's secretary."

"Kuya? Who's your Kuya?" Takang tanong nito.

"Si Dok Travis. He's my Kuya. Do we look alike?" I grinned.

Aki's eyes widened. "Really? You're siblings?" Di makapaniwala na tanong nito.

"Yes we are."

Parang bigla itong naging interesado sa topic dahil lumiwanag ang mukha nito.

"How does it feel to have a sibling? Is it fun?"

Haay. Bakit pag bata ang dami talagang tanong? Naku naman.. Feeling ko talaga pag natapos ang usapan namin ng batang ito ay low blood na ko sa kakanose bleed.

"Ahm.. Yeah. If you both love and treasure each other. Why? Don't you have a sibling?"

Lumungkot ang hitsura ni Aki saka umiling. "I don't have one. And daddy said I can't have anymore so I just have to wait to have cousins." Malungkot na turan nito.

Nalungkot din ako para sa bata. Syempre malungkot din naman ang mag isa at walang kalaro lalo na kapag bata pa. At base sa sinabi ni Aki, mukhang walang balak mag asawa ulit ang daddy nito. Syempre paano siya magkakaroon ng kapatid kung di mag aasawa ulit ang daddy nito eh nasa heaven na nga mommy niya?

I patted his head to comfort him a bit. "Maybe someday your daddy might change his mind and will give you the sibling you want."

Laglag ang pa rin ang balikat nito.

"Hey, cheer up! Do you want to play? Sa computer? Computer games. Let's go?" Pag iiba ko ng topic.

Umiling ito. "Daddy don't want me to play computer games. He said I'm too young for that. And he said it's a bad influence."

Ayy. Ang KJ naman pala ng daddy nito. Haay naku.

"Uhm..-" Natigil ako sa pag iisip ng bumukas ang pinto ng private office ni Kuya. Una itong lumabas, at ganun nalang ang pagkakalaglag ng panga ko ng makilala ang sumunod na lumabas ng kwarto.

Si Alex Raven! Oh my God! Siya ang tatay ni Aki?

Nakita kong agad akong hinanap ni Kuya. Nang makita niya ako ay bigla namang bumaba si Aki at nagsisigaw na lumapit kay Alex.

"Daaddyy!!!" Masayang tawag nito at kumarga agad ng makalapit sa ama.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nakatayo. Babalik nalang sana ako sa table ni Fatima ng tawagin ako ni Kuya. Nag aalangan man ay lumapit pa rin ako. Pero habang lumalapit ako ay bumibilis din ang tibok ng puso ko.

Teka, ano ba ang ibig sabihin nito? Nakamove on na ko sa kanya diba? God, halos dekada na ang nakalipas mula ng maramdaman ko ang ganitong pakiramdam. At bakit sa kanya pa rin?

Nagkukwento si Aki sa daddy nito ng kung ano ng makalapit ako. Agad itong napangiti at tumingin sakin.

"Daddy, she's the one I've been talking about. She's Tita Aoi and she's Dok Travis' sister!" Aki said with enthusiam.

Natawa si Kuya. "Aba hindi na pala kita kailangan ipakilala. Pinakilala ka na ng isa sa pinakagwapo kong kaibigan." Pagbibiro ni Kuya.

Humagikgik si Aki. "Tita Aoi, this is my handsome daddy." Dagdag pa nito.

Hindi ako makatingin kay Alex. Urgh.

"Anyway, Alex, Aki's right, this is my Sister Sumire Aoi. Sumire this is Alex Raven a good friend if mine." Pakilala ni Kuya Travis.

Hindi ko alan na magkaibigan pala sila. Sabagay hindi naman talaga lahat ng kakilala ni Kuya ay kilala ko.

Ayaw ko man ay kailangan ko siyang tingnan. Baka masabihan pa ako ng snob.

Pagtingin ko sa kanya ay ganun nalang ang pagkagulat ko dahil sa tinging ibinibigay nito. He was staring at me intently. Parang gusto ko nalang mahimatay. Hindi naman siya ganyan dati ah? Yung tingin niya kasi, blanko lang. Walang emosyon, unlike dati na parang masaya.

"H-hi. Nice to meet you." Kinakabahang sabi ko.

Parang gusto ko naman ngayon sumimangot dahil tinanguan niya lang ako.

"Siya ang temporary secretary ko for this day may emergency si Fatima. Nurse si Sumire dito." Sabi pa ni Kuya.

"Nurse? Is it like a nanny?" Singit ni Aki.

"Aki, don't interrupt when older people are talking okay?" Saway ni Alex sa bata.

Tumango ang bata. "Sorry daddy."

"To answer your question Aki, yes its partly like that. We as nurse, we take good care of all kinds of people especially the sick ones. While nannies, they are paid to take care of young child in the child's home. But some of the nurses are also nannies." Paliwanag ko.

"Daddy I like Tita Aoi." Biglang sabi ni Aki.

Natouch naman ako sa sinabi ng bata. Pero napansin kong bigla rin nagkatinginan ang dalawang lalaki. Parang feeling ko may ibang meaning ang sinabi nito base sa tinginan ng dalawang to.

Ano naman kaya yun? Kinabahan ako bigla.

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon