Chapter 20: Text Message
Napaano kaya tong si Alex? Hindi namamansin ah.
"Aki, what flavor do you want?" Tanong ko sa bata. Nasa ice cream parlor na kami.
"My favorite Tita Aoi. Chocolate ice cream. And I want some marshmallows on top of it!" He enthusiastically said.
Natawa ako sa kanya. "O sige. Ikaw Alex? Ako na kukuha sa counter." Baling ko kay Alex na nakatanaw sa labas. Malapit sa may bintana kasi kami nakapwesto ng naturang parlor.
Hindi na naman niya ako pinansin. Binalik ko nalang ang tingin ko kay Aki."Aki, what do you think your dad will like? He won't talk to me." Sumbong ko kanya at sinulyapan pa si Alex.
Tiningnan naman ito ng bata. "Why? Is daddy have a problem?" Nagtatakang tanong nito.
I shrugged my shoulders. "I don't know baby. Maybe. Let's just don't disturb him. But still let's get him an ice cream. Maybe his mood will change. What do you think?" Nakangiti kong tanong.
Aki nodded. Then he motion his hand for me to get closer to him so I did. He whispered to me what flavor of ice cream his daddy would like.
"Anyway, daddy just like anything, but I think you should just share your ice cream with him Tita. I think his mood will change." Nakangisi ito pagkatapos.
Nagdududang tiningnan ko siya. Ano to, minamatch make niya ba kami ng daddy niya? Napakabata pa niya ah.
"Ayoko. Baka lalo siyang magalit." Tanggi ko.
Umiling ito. "Trust me Tita."
"Sige. Basta pag nagalit si daddy mo, you'll help me to lighten his mood okay?"
Nakangising tumango ang bata. Tumayo na ako at nagpunta na sa may counter.
Habang naghihintay dahil may nauna pa sa akin ay napaisip ako. Imposible naman na maisip ng bata ang mag match make. Hindi kaya inutusan ito ni Alex? Napalabi ako. Pero mas lalo naman yatang imposible yun.
"Ma'am ano po sa inyo?" Tanong ng babaeng kumukuha ng orders.
Sinabi ko kung ano ang order ko. Saglit lang ako naghintay at naroon na ang mga ice cream. Humingi pa ako ng isang kutsara dahil dalawa lang naroon. Syempre dahil dalawa lang naman ang inorder ko. Nagtataka pa akong tiningnan ng babae pero nginitian niya naman ako.
Pagkatapos makuha ang lahat ay dinala ko na ang order namin sa table namin.
Binigay ko kay Aki ang gusto niya. Saka nilapag sa may gitna ang isa. Nakaupo kami sa isang pang apatan na lamesa at katabi ko si Aki at si Alex naman ang nasa harap ko.
Nagtatakang napatingin doon si Alex. Nahihiya man ay inabot ko sa kanya ang isang kutsara. Kinuha naman nito yun pero nagtatakang tiningnan.
"What's this for?"
"Uhmm.. Share tayo." Nag aalinlangan ko pang sabi. Binabantayan ko ang magiging reaction niya.
Tinutukan niya lang ako pagkatapos ay nagtanong ng, "Why?"
Hala. Kailangan ba talagang may sagot sa lahat ng bagay? Ano naman ang isasagot ko sa kanya?
"Hindi ba pwedeng kumain nalang tayo?"
Hindi siya sumagot. Sa totoo lang, nakakailang na ang paraan niya ng pagtitig sakin.
"Pero kung ayaw mo-"
Pinigilan niya ang kamay ko sa tangkang pagkuha sa ice cream. "Gusto ko." Simpleng sabi niya.
"O-okay." Nahihiyang tugon ko saka binawi ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven