Chapter 24: Manliligaw
Nagdadalawang isip ako kung bababa na ba ako o hindi pa. Maaga pa naman kung tutuusin kaso nga lang baka mas maaga namang bumaba si Alex ngayon kaysa sa akin. Minsan kasi mas nauuna siyang bumaba.
Huminga ako ng malalim saka marahas na ibinuga. Kailangan ko nang maraming maraming lakas ng loob para harapin si Alex ngayon. Matapos kasi ng pagtanggi ko sa kanya kagabi, hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. Parang lumalabas kasi na ang kapal ng mukha kong tumanggi sa isang katulad niya.
Haay. But on the other hand, tama naman ang ginawa ko. Amo ko siya at nagtatrabaho ako para sa kanya, kaya mali na pumasok ako sa isang relasyon sa kanya. Napatango tango ako. Tama. Walang mali sa ginawa ko kaya kailangan ko nang harapin ito.
Pinihit ko ang seradura ng pinto at binuksan. Huminga muna ako ng malalim at binuga yun saka tuluyang lumabas.
Napatigil ako sa akmang pagsasarado muli ng pinto ng makita si Alex na naglalakad patungo sakin.
Bigla akong nataranta at hindi malaman ang gagawin kaya natigilan nalang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya. Ni hindi ko man lang magawang mag iwas ng tingin.
Igegreet ko nalang sana siya ng mas lalo akong matigilan ng ngumiti siya sa akin.
"Goodmorning Sumire." Nakangiting bati nito saka nilagpasan na ako.
Hindi ako nakakibo hanggang sa tuluyan na siyang makalayo. Napakurap kurap ako at napatayo ng maayos saka nilingon ang hagdanan.
'Anong nangyari?'
Hindi ba dapat ay magalit siya sakin o di kaya mainis o malungkot kasi nga nireject ko siya kagabi? O kaya ganun ang reaksyon niya ay dahil wala lang naman talaga sa kanya yung mga sinabi niya sakin kagabi?
Parang ako tuloy ang nalungkot. Para akong tanga. Bakit naman ako malulungkot kung ako naman ang nang reject? Pero kasi, ginawa ko lang naman yun kasi gusto ko na sigurado siya sa nararamdaman niya para sakin.
'I guess he's not.'
Napabuntong hininga ako. Ayoko munang kaming dalawa lang magkasama kaya pinuntahan ko nalang si Aki sa kwarto niya.
-
-
-Bumaba na kami ni Aki matapos ko siyang gisingin, paliguan at ayusan.
"We're really going to school today, Tita?" Tanong ni Aki habang bumababa kami sa hagdanan.
Nilingon ko siya at nginitian. Kanina niya pa kasi tinatanong kung papasok na ba talaga siya sa school.
"Yes Aki. Tito Topaz would be here to fetch us and drive us to school." Sagot ko.
Nagliwanag ang mukha nito. "Yeheey!"
Natawa ako sa kanya. Pagkababa namin ay dumiretso kami sa kusina, wala kasi si Alex sa sala, so baka nasa kusina siya since may naamoy ako na nilulutong pagkain.
Naabutan namin si Alex na naglalagay ng pagkain sa lamesa. Masayang nilapitan siya ni Aki at binati. Binati din siya ni Alex at saka pinaupo. Nilingon niya ako at nginitian.
"You may sit down Sumire and have a breakfast." Anito.
Tumalima ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Mula ng tumira ako dito, first time ginawa ni Alex ang bagay na to.
Ano kaya ang nakain niya at parang kakaiba siya ngayon?
Katabi ko si Aki at ako na ang naglagay ng pagkain sa pinggan niya. At habang ginagawa ko yun ay nabigla ako ng nilalagyan naman ni Alex ng pagkain ang pinggan ko, kaya minadali ko ang paglalagay ng sa kay Aki.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven