Chapter 22: Jealous

33 1 0
                                    

Chapter 22: Jealous


"Pasensya ka na kay Kuya Alex. Ganyan talaga yan kapag kapag nababanggit ang word na accident lalo na kapag nagdadrive siya. Naaalala niya kasi ang nangyaring aksidente sa kanila ni Mariel." Pagkukuwento ni Topaz.

Ikinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari kanina.

Nasa kusina na kami ngayon at naghahanda ng lunch namin. Tinutulungan ako ni Topaz kaya nandito rin siya. Nasa sala naman sina Aki at Alex.

"Hindi ko naman kasi alam na ganun ang mangyayari."

"Wag ka ng mag alala, hindi mo naman kasalanan yun." Pangongonsola nito.

"Buti at hindi naman na siya natakot ulit na magdrive?" Tanong ko at saka naupo sa high chair at sumandal sa counter.

Actually, si Topaz na talaga ang nagluluto at nakikiusisa nalang ako sa kanya. Nahiya naman akong iwan siya dito sa kusina kaya hindi nalang ako umalis. At saka ako nalang ang maghahanda sa lamesa kapag natapos na siya sa niluluto niya.

"Nung una lang, katagalan naover come niya din naman, ang kaso nga lang bihira lang talaga siyang umalis, at minsan may driver siya."

Nilingon ko ang mag ama na busy sa kung ano sa laptop. Binalik ko ang tingin ko kay Topaz.

"Siyanga pala, curious lang ako, wala ka bang ginagawa? Alam na alam kasi ni Alex na pupunta ka nung tinawagan ka niya kanina eh." Hindi ko na naiwasang itanong.

Tumawa ito. Kasalukuyan nitong hinahalo ang niluluto nito. "Ah yun ba? Nag ooperate kami ng bars. Mostly sa gabi nag oopen yun kaya marami akong oras kapag umaga. At isa pa, hindi naman talaga ako totally ang nagmamanage nun. May manager kami kaya hindi na ganoon kahirap para sa akin na ioperate yun." Paliwanag niya.

"Ah so you mean you literally own the bar?"

"Yup. And hindi lang naman ako ang nagmamay ari nun. Dalawa kami actually."

"So sino yung isa?" Pang uusisa ko.

"Si Kuya Topaz." Simpleng niyang tugon.

"Huh?" Tanging nasabi ko saka nilingon si Alex. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa akin kaya binawi ko rin ang tingin ko.

"Hindi ba kapani-paniwala? Workaholic kasi yan si Kuya. High school pa nga lang yata pinag aaralan na niya ang pagmamanage ng isang business. Kaso nga lang mas naging workaholic yan ng mamatay si Mariel." Anito.

"He must be very much inlove with her then." I said.

"I don't think so." Anito na ikinanuot ng noo ko.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

"Yes it's true na naging cold siya mula ng mamatay si Mariel, and he also built a wall around him. Pero tingin ko, hindi naman dahil sa sobrang pagmamahal niya yun. Sa tingin ko, it's because he lost someone dear to him."

"Ha? Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin." Naguguluhan talaga ako.

Pinatay niya na ang stove at saka humarap sa akin.

"Sila kasi ni Mariel, magbestfriend na mula bata pa lang. At wala na siyang ibang nakaclose na babae maliban sa kanya. She was his comfort zone. Kaya ng naging sila at mawala ito sa kanya, hindi niya na alam kung paano makitungo sa ibang babae. Nagegets mo ba ako?" Tanong na nito at nilapit niya pa talaga ang mukha niya sakin.

Napalayo ako ng konti. "So ibig mong sabihin na ang nangyari sa kanila platonic love lang ganun?" Pero paano mabubuo si Aki kung platonic love yun?

"Hmm.. Ganun na nga. Nung una inakala nila na true love or something ang nararamdaman nila para sa isa't isa kaya naging sila. But later on they realize na hanggang friends lang kaya nagkahiwalay sila." Pagkukuwento nito at tumabi na siya sakin. Nakalimutan ko na tuloy na dapat na akong maghanda sa lamesa.

"Paano nabuo si Aki? They got married right?" Nagtatakang tanong ko.

"Yes, they got married because Kuya Alex impregnated Mariel. Ang totoo it was accidental. That day Mariel was so brokenhearted dahil nainlove siya sa isang tao na hindi siya gusto. Nag inuman ang dalawa at nalasing. Nangyari ang hindi dapat mangyari kaya ayun, nabuo si Aki."

Napapaisip ako sa pinagsasabi sakin ni Topaz ngayon. Hindi kaya gumagawa lang siya ng kwento? Pero bakit niya naman gagawin yun?

"Kaya nakakatakot talaga malasing minsan noh? Kaya ikaw wag kang maglalasing ha?" At natawa pa ito ng bahagya.

Tumayo na ako. "Paano mo naman nalaman ang mga yan?" Tanong ko.

"Kapatid nila ako. I really know what's happening to them. Ang totoo, nag eenjoy ako sa pang i-stalk sa buhay ng mga kapatid ko. Sabihin na nating overprotective ako pagdating sa kanila kaya lagi ko silang sinusubaybayan." Sagot niya at nginitian pa ko.

Isa lang talaga ang masasabi ko sa kanya. Weird.

At dahil sa mga pinagsasabi nito sa akin ngayon, marami na tuloy bumabagabag sa loob ko. Maraming katanungan ang nabubuo sa isip ko. Mas lalo tuloy akong nacurious sa naging buhay ni Alex.

-
-
-

Hindi ko maintindihan kung bakit ang sama ng tingin sakin ni Alex mula pa kanina. Hindi ko naman matandaan kung kailan ako may nasabing hindi maganda sa kanya o kung may nagawa akong mali.

Kakaalis lang ni Topaz. Didiretso na daw ito sa bar. Dito na rin kasi siya naghapunan. Kaming dalawa nalang ni Alex ang naiwan. Kanina pa kasi nakatulog si Aki. Napagod marahil sa maghapong pakikipaglaro kay Topaz.

Paakyat na sana ako ng pigilan ako ni Alex. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay. Napatingin ako doon saka binalik sa kanya ang tingin.

"B-bakit? May.. May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Medyo kinakabahan na rin ako sa paraan ng pagtitig niya sakin.

"Do you like Topaz?" Seryosong tanong nito.

"Ha?"

Napapikit na ito na para bang nagpipigil ng galit.

"I told you I don't like repeating myself so pay attention to what I am saying." Mariing pahayag nito.

"T-teka lang naman. Galit ka agad dyan eh. Maraming beses mo na kasing tinanong sakin yan eh. At ganun pa din ang sagot ko, wala akong gusto sa kanya." Kasi ikaw ang gusto ko. Ngalingali ko na yung idagdag.

"Then why are you talking to him a lot everytime he's here?"

"Ah.. Siya lang naman ang madalas nagkukwento eh. At saka isa pa ikaw naman ang topic namin eh."

"What?"

Lumabi ako. "Hindi ko na uulitin ang sinabi ko."

"I don't want you near him."

"Bakit? Kapatid mo naman yun ah. Tsaka friendly lang talaga ang kapatid mo." Weird nga lang.

"Are you that dense? I get jealous when you two are together. You might fall for him and I don't want to think about it." Anito at seryosong nakatitig sakin.

Dumagundong ang dibdib ko. What.. What did he just said? He's jealous?

Napaisip tuloy ako. Ayaw niyang mapalapit ako sa kapatid niya kasi nagseselos siya, ganun ba yun?

Pero ano ba ang ibig sabihin kapag nagselos ang isang tao? Gusto niya ba ako? Like the way I like him?

Hindi ako nakapagsalita agad. Medyo hindi pa naabsorb lahat ng utak ko ang mga pangyayari at ang mga sinabi nito. Nanatili akong nakatitig sa kanya.

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon