Chapter 3: Nanny?

54 2 0
                                    

Chapter 3: Nanny?



"Sige na Aoi pumayag ka na. Kinukulit na kasi ako ni Alex eh." Pangungulit ni Kuya Travis.

Inismiran ko siya at iniwasan siya. Nagpunta ako sa dining area. Maghahapunan na daw kasi. Nakasunod naman sakin si Kuya Travis na patuloy pa din sa pangungulit.

Nung isang arawn pa nga yan eh. Paulit ulit lang naman ang sinasabi niya sakin. Na pumayag na daw akong maging yaya ni Aki.

Pagkalipas kasi ng isang araw after kong mameet ang mag amang Raven ay bigla akong sinabihan ni Kuya na gusto daw akong kunin na Yaya ni Alex dahil yun daw ang gusto ni Aki. Ayaw daw nito sa iba. Pero tumanggi agad ako. Hindi dahik ayaw ko sa bata, kundi ayoko lang makasama si Alex.

"Bakit naman kasi ako pa?" Inis na saad ko saka naupo na. Nandoon na ang kakambal mi Kuya Travis na si Kuya Youichi. Mataman lang itong nagmamasid samin dalawa.

Naupo na rin si Kuya sa tabi ko.

"Kasi nga gusto ka daw nga ni Aki. Kulit naman nito." Nafufrustrate na sagot nito.

"Mas makulit ka Kuya. Ayoko nga eh. Nurse ako, NURSE." Mariin kong sabi.

Naglagay na ako ng kanin sa pinggan ko. Ganun din ang ginawa ni Kuya pagkatapos.

"Si Alex yung makulit di ako."

"Bakit di nalang siya kumuha sa isang agency? May kaya naman sila." Sabi ko at sumubo ng kapirasong karne mula sa bistek na ulam namin.

"Nadala na nga daw kasi siya. Kasi yung huli daw niyang kinuha ay ninakawan siya. Okay lang naman daw na walang yaya si Aki kung hindi lang daw siya mas naging busy ngayon. Kailangan niya na ng magbabantay kay Aki."

"Bakit nga kasi ako?" Pag uulit ko na naman sa tanong ko.

"Well, bukod sa gusto ka ni Aki, he seem to trust you. At saka syempre kapatid kita, kilala niya ako."

Hindi ako kumibo. Hindi ko pa rin kayang tanggapin ang offer. Kahit na ba gusto ko din ang batang si Aki.

"Tsaka mag bebenefit ka naman dito kasi di ba crush mo naman si Alex dati?"

Bigla akong naubo sa tinuran nito dahilan para masamid ako sa kinakain ko. Mabilis naman akong inabutan ni Kuya Youichi ng tubig.

Tiningnan ni Kuya Youichi si Kuya Travis mg masama.

"Tigilan mo na nga yang si Aoi. Daig mo pa ang nambubugaw sa ginagawa mo." Saway ni Kuya Youichi.

Kuya Travis groaned. "Okay fine. Kung ayaw mo talaga di sige. Sasabihin ko nalang kay Alex na ayaw mo talaga." Sabi pa nito.

"Mabuti naman."

-
-
-

"Uyy Sumire, may poging naghahanap sayo." Sabi ni Meredith pagkapasok sa locker room namin.

Handa na ako para mag out. Pang umaga ang duty ko at pareho kami ni Meredith, nauna lang akong natapos mag turn over ng gagawin ko dun sa kapalit ko kaya nauna akong nakapaghanda kesa sa kanya.

Agad akong napakunot noo habang isinusukbit ang bag sa balikat ko.

"Pogi? Sino daw?"

Nagkibit balikat ito. "Hindi ko siya kilala pero alam kong madalas siya dito. Hinihintay ka niya sa may lobby. Kilala mo daw kasi siya."

"Bakit sinabi mong nandito pa ko? Mamaya stalker yun o may masamang balak sakin." Kinakabahang sabi ko.

Tumaas ang kilay nito ng humarap sakin. "Gwapo kaya yun, paano ka gagawan ng masama?"

"Bakit, di na ba pwedeng maging masama ang gwapo? Ginagamit pa nga ng iba ang hitsura nila sa pag gawa ng masama." I retorted.

"Eh si Josephine naman nagsabi eh, hindi ako." Nakalabing turan nito.

"Ano ba yan. Titingnan ko na nga lang muna kung sino siya. Kapag di ko kilala, sasabay nalang ako kay Kuya."

Nagpaalam na ko kay Meredith at saka lumabas na. Nagpunta ako sa may lobby at naghanap ng kakilala doon. Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko si Alex na papalapit na sakin.

Don't tell me siya ang naghahanap sakin?

Huminto ito sa may tapat ko at tiningnan ako. "Can we talk?" Agad nitong tanong.

Hindi ako makasagot agad dahil sa shock at kaba na nararamdaman ko. Gusto niya akong makausap? Bakit? Tungkol naman saan?

"Hey, Can we talk?" Ulit pa nito sa tanong nito.

Napaayos ako ng tayo at saka tumikhim. "A-about what?" Nakuha ko pang itanong pabalik.

Luminga linga ito sa paligid bago ibinalik sakin ang tingin. "Let's not talk about it here. Just come with me." He commanded.

Aba! Inuutusan niya ba ako? Hmp. Nevermind. Ang dapat kong itanong sa sarili ko ay kung tama bang sumama ako sa kanya?

Mataman pa rin itong nakatingin sakin habang hinihintay kung sasabihin ko bang sasama ako o hindi.

Pero dahil ramdam ko na din na pinagtitinginan na kami ay napagpasyahan ko nalang din sumama sa kanya. Gusto ko din kasing malaman kung ano ba talaga ang kailangan niya sakin.

"Okay sige." Sabi ko sa kanya.

"Then let's go." Anito at agad akong tinalikuran at naglakad palayo.

Bastusan? Hindi gentleman? Anong nangyari sa dating Alex?

Nakasimangot ko siyang sinundan. Haay naku.

Pagkalabas namin ay agad niya akong pinasakay sa kotse niya ng buksan nito yun. Nakatanga lang akong nakaharap sa bukas na pinto ng sasakyan. Wala naman siguro siyang gagawing masama sakin diba?

"Are you really going with me?" Nasesense ko ang pagkainip sa boses nito.

Nakasimangot ko siyang tiningnan. Siya na nga ang may kailangan ganyan pa siya. Paano ko kaya siya pagbibigyan sa kung ano man ang kailangan niyang tulong o pabor o kung ano man yun?

"Sasama. Nandito na nga ako eh." Hindi ko maiwasang magtaray.

Padabog akong sumakay sa sasakyan niya. At talagang iniwan nitong bukas ang pinto ng umikot sa kabila para makasakay na rin.

Aba't talagang bastos. Grrr. Naiinis na inabot ko ang pinto ng sasakyan at padabog na isinara yun.

Nang makasakay na ito ay agad nito yung pinaandar.

"Ano ba kailangan mo sakin?" Diretsa ko ng tanong sa kanya habang nagbibyahe na kami.

Hindi ko siya tinitingnan at nakafocus nalang sa kalsada.

"I want you to be Aki's Nanny." Diretso ding sagot nito. Wala man lang paligoy ligoy at pasakalye. Talagang straight to the point.

At ang tanga ko naman na hindi agad naisip na yun ang kailangan nito sakin. Tss. "Bakit ba kasi ako? Di ba pinasabi ko na kay Kuya na ayoko?"

"And I also told him that I won't stop." Seryosong saad nito. Ni hindi man lang sumusulyap sakin.

Seryoso ba talaga siya? Eh sa ayoko nga eh.

"Ayoko and it's my decision. Ihatid mo na ko samin."

Hindi ito umimik. Hindi ko nalang siya pinansin. Siguro naman rerespetuhin nito ang desisyon ko.

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa may bintana. Hanggang sa napansin ko na hindi ang daan patungo sa bahay namin ang tinatahak nitong daan.

"Teka, wait! Saan tayo pupunta?" Natatarantang tanong ko.

"We're just going to my house." Balewalang sabi nito.

"What?? Anong gagawin natin sa bahay mo? Oh my God! This this kidnapping!" Naghihisterya ng sabi ko ng marinig ang sinabi nito.

"Can you just shut up? Aki just want to see you. I'm taking you to him."

Hindi pa rin ako mapakali sa sinabi nito. Pero hindi nalang ako umimik dahil medyo natakot ako sa kanya. Hindi naman siya sumigaw pero kasi feeling ko pag nagdaldal pa ko sisigawan na niya ko. Kaya mas pinili ko nalang manahimik. Iuuwi niya naman ako samin pagkatapos diba?

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon