Chapter 12: Galit Ako

42 1 0
                                    

Chapter 12: Galit Ako



"What?!" Halos matulig ang tenga ko sa lakas ng pagkakasabi nun ni Alex. Nasa study room kami.

Kanina lang kasing hapon ako tinext ni Kuya na bukas daw ng umaga darating sina Mommy at Daddy. Ang gusto ni Kuya ay kaming tatlo ang susundo sa dalawa sa airport. At ng makatulog na si Aki ay pinuntahan ko agad si Alex dito at sinabi ang sadya ko pero yun ang nakuha kong reaksyon sa kanya.

"Kailangan ko pa bang ulitin?" Nag aalangan kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi pwedeng sabayan ang mood nito at mas lalo yatang hindi ko siya pwedeng biruin. Baka mas lalo akong hindi payagan.

He was pinching the bridge of his nose. Parang kunsumi na kunsumi ito sa sinabi ko. Nang mag angat ito ng tingin ay nanliliit na naman ang mga mata nito.

"Malapit naman na ang sunday, why don't you go home on your rest day?"

Naupo ako sa upuan sa tapat ng mesa nito. Nakaupo kasi ito doon samantalang ako nakatayo. Pero ng makita ko ang pagkaseryoso ng mukha niya tumayo nalang ulit ako.

"Hindi po ba talaga pwede Sir?" Aniya at unti unti ng nakakaramdam ng pagkainis sa lalaki. Hindi ko na kasi maintindihan ang logic ng isang to.

"Is that even an emergency?" Balik-tanong lang nito.

'Hinahighblood na ako ng isang to ah.'

"Pag emergency lang po ba pwedeng umuwi?" She retorted.

Hindi ito sumagot bagkus ay nagtaas lang ng kilay.

'Aba't sinusubukan talaga ako ng isang to ah!'

"I'm filing a leave of absence at sinabi ko naman na ang dahilan. Bakit ba ayaw niyo akong payagan?" Naiinis ko ng sabi sa kanya.

"Papayagan kita sa isang-"

Sa inis na nararamdaman ay nag walk out ako. Ibabagsak ko na sana ang pinto pero hindi ko na lang tinuloy dahil nag aalala ako na baka magising si Aki.

Naiiyak na nagpunta ako sa kwarto ko. Pabagsak akong naupo sa gilid ng kama at tuluyan ng napaiyak.

Ang sabi kasi ni Kuya, isang araw lang daw dito sa Pilipinas sina Mom and Dad. Miss ko na sila dahil mas madalas na ang mga itong manatili sa Japan. Ang sabi pa nga ni Kuya ay baka tungkol doon ang sasabihin sa amin ng mga ito.

Naiinis ako kay Alex. Sinabi ko naman ng malinaw sa kanya kung bakit kailangan kong mag absent.

Ang sabi sakin ni Kuya kanina ay hindi niya nakausap si Alex pero tinext niya ito pero hindi nagreply. Kaya sinabihan niya ako na kausapin ko na daw si Alex.

Humihikbi na tinext ko si Kuya Travis.

Me:
Kuya ayaw akong payagan ni Alex umalis.

Hindi nagtagal ay nagreply din naman ito.

Kuya Travis:
What? Why?

Me:
Ewan ko sa kanya. Kuya sunduin mo ako ngayon please??

Kuya Travis:
I can't go there but I'll sent Youichi.

Me:
Okay.

Tumayo ako at nagbihis. Hinintay ko nalang na magtext si Kuya Youichi na nasa baba na siya.

Di nagtagal ay may natanggap akong text galing kay Kuya na kasabay ng pagkatok sa pinto.

Inuna kong buksan ang text ni Kuya.

Kuya Youichi:
Sumire-chan. I'm here.

Nireplyan ko siya kahit na lumalakas na ang katok sa pinto.

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon