Chapter 11: Misinterpret

40 1 0
                                    

Chapter 11: Misinterpret

"Where did you go? Kanina pa kita hinahanap." Tiim bagang sabi nito habang naglalakad kami.

"Huh? Sa kusina lang naman. Sinama kasi ako ni Topaz eh. Kumain kami ng ice cream." Sagot ko naman sa kanya.

"What? You two ate ice cream together?" Bulalas nito at napahinto pa sa paglalakad at hinarap ako. Biglaan din tuloy akong napahinto bago pa man ako bumunggo sa kanya.

"Oo. Kakasabi ko lang diba?" Papilosopong sagot ko na sana ay hindi ko ginawa. Mukhang wala ito sa mood at mainit ang ulo kaya ang sama agad ng tingin sa akin. Parang gusto ko tuloy matakot pero hindi naman siya nakakatakot. Para pa nga siyang mga kuya ko lalo na kapag may nanliligaw sa akin at ako pa ang kinokompronta.

"Eh ano ba kasi ang problema dun? Eh kapatid mo naman ang sinamahan ko tsaka kasama naman ni Aki ang iba mo pang mga kapatid. Nagpaalam din naman ako sa kanila na aalis lang ako saglit. Ano ba ang big deal dun?" Paliwanag ko nalang.

Hindi pa rin nawawala ang sama ng pagkakatingin nito bagkus ay nanliit pa ang mga yun at pinakatitigan pa ako ng ilapit nito ng bahagya ang mukha nito sa mukha ko.

"Tell me, may gusto ka ba sa kapatid ko? Do you like him?"

"Huh? Anong gusto? Wala noh! Ano bang pinagsasabi mo dyan?"

"Then why did you go with him?" Pang uusisa pa nito.

"Eh kasi nga inaya niya ako. Hindi na ako nakatanggi."

"Are you sure?" Paninigurado pa nito.

"Oo naman."

Tumango ito at umayos na ng tayo. "Good. Let's go." Anito at nagsimula na ulit maglakad.

'Ano bang problema nun?'

-
-
-

"Hindi mo ba inimbitahan sina Kuya?" Tanong ko kay Alex. Nakatayo lang kami sa di kalayuan. Doon sa tanaw lang namin si Aki kasama ang mga Tita nito. Hindi niya na kasi ako pinaalis sa tabi niya mula kanina. At nung sinabi ko naman na pupuntahan ko si Aki ay sinabihan niya lang ako na hayaan ko nalang muna si Aki doon. Hindi ko talaga alam kung ano ang problema ng isang ito.

"I invited them, they said they're busy but they'll come if they have still time. Why don't you call them?" Anito.

Napasulyap ako sa kanya at hindi ko inaasahan na nakatingin pala siya sa akin. Nakahalukipkip ito at mataman lang na nakatingin sa akin. Hindi ako nakahuma agad lalo na ng magtama ang mga mata namin.

There was something in his eyes na hindi ko maipaliwanag but I swear na nakita ko na yun kay Kuya Travis. It was like the same look he had if he was looking at Yana. Pero hindi, baka nagkakamali lang ako. Baka namimisinterpret ko lang ang nakikita ko because somehow, I am wishing that he would look at me with love in his eyes.

Kumurap kurap ako saka nag iwas ng tingin. Tumikhim pa ako bago nagsalita. "S-sige tatawagan ko lang sila."

Nag excuse ako sa kanya saglit. Kailangan ko din kasing lumayo muna sa kanya. Bigla nalang kasi nagreact ang puso ko. Kumakabog yun ng mabilis.

Kinakalma ko ang sarili ko nang mamataan ko si Kuya Travis na papalapit kay Aki. Hindi ko na pala siya kailangan tawagan. Lumapit ako sa kanya.

"Kuya!" Tawag ko habang papalapit.

Lumingon naman ito na karga karga na si Aki. Nakangiti pa ito.

"Uy, Sumire-chan. How are you?" May bahid panunudyo ang boses nito.

Lagi naman itong ganoon. Kapag umuuwi ako sa amin ay palagi akong tinutukso at kinakamusta ang 'puso' ko. Ginagantihan ko lang din ito with the same question lalo na at nalaman kong nagtatrabaho na ulit si Yana sa hospital na pinagtatrabahuan ni Kuya Travis.

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon